Chapter 10

9 3 0
                                    

"Hindi ka pa ba uuwi sa bahay mo?"

Hindi ko mapigilan na pasimpleng matawa nang makita kong suot niya ang pink apron ni Mom habang hinahalungkat ang kitchen namin. Walang suot pantaas habang naghahanap siya ng mga lulutuin niya. Hindi ko naman siya mapigilan.

"I think I don't need to go home anymore," he glance at me. "I'm already home."

My lips formed into a straight line when he said that. I can feel my cheeks burning. Ayan na naman 'yong mga trip niyang hindi ko masabayan.

"It's almost midnight, you should go back to your 'real' home now."

His lips curve. "There's still four hours before midnight, Pierce."

Napatingin ako sa wall clock namin bago napapahiyang tumikhim."R-Right..."

Sa lahat ng reasons, 'yon pa talaga ang hindi kapani-paniwala ang nasabi ko! Tumahimik na lang ako habang pinagmamasdan siyang magsimulang magluto. Nakaupo ako sa Island counter ng kusina.

"This will take more minute. Should I go out and buy some snacks for you?"

Umiling ako. Hindi ko na masiyadong feel ang gutom ko. Makita ko lang siya, busog na ako. Charot!

Hindi ko mapigilang mamangha habang inoobserbahan siyang magluto. Ang galing niya. Hindi ko alam kung ano ang niluluto niya pero mukhang masarap 'yon.

I continued to watch him until he finished it. I offered a hand but he didn't let me help him. Siya na ang nag-prepare ng lamesa at mga plato. Hindi ko alam na dadating sa punto na pagsisilbihan ako ng headmaster.

"The food is ready, your highness." He actually bowed infront of me.

Napailing na lang ako. Bababa na sana ako ng Island counter nang bigla niyang hawakan ang bewang ko. Tinulungan niya akong bumaba. He smirked when he saw my reaction.

I swallowed. "T-Thanks..."

"My pleasure."

Pinanood niya akong kainin ang niluto niya. Para siyang adobo pero may twist. Ewan ko kung ano ang nilagay niya dito. Hindi pa ako nakakakain ng ganito kasarap na luto sa tanang buhay ko. Masarap din naman magluto si Mom pero kakaiba ang isang 'to.

"Taste good, right?" he smiled.

"Super!" I gave him a thumbs up.

"Subuan kita," he offered, grabbing the spoon.

"Ayoko."

"Bakit?"

"Baka iba ipasubo mo sa akin," natawa ako nang mahina.

Pero natigil din nang marealize ko ang sinagot ko sa kaniya. Natigilan ako sa pagnguya nang magkatinginan kami. Realization washed over his face.

"Ha?"

"Ha?" sabay na sambit naming dalawa.

Umawang ang labi ko kasabay nang pag-init ng aking pisngi. "Don't mind what I said!"

What was that, Pierce? Ang landi mo!

Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon. Binilisan ko ang pagkain dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin habang kumakin din siya. Ayaw akong lubayan ng mga mata niya! Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin.

When I was done eating, saka lang siya nagsalita.

He cleared the lump on his throat and stood up. "I'll wash the plates."

Umiling ako at tumayo, hindi parin siya tinitingnan. "No. Ako na. Ikaw naman ang nagluto kaya ako na ang maghuhugas."

"Ako na lang kasi," nahimigan ko ang inis sa tono niya.

Hindi ko na napigilang tingnan siya. Nakatiim ang bagang niya at nakakunot ang kaniyang noo.

"G-Galit ka?" tanong ko.

He shook his head. "Hindi."

Sinimulan kong ligpitin ang mga plato na pinagkainan ko pero pinigilan niya ang kamay ko. Siya na ang nagpatuloy na ligpitin ang mga pinagkainan namin bago niya ito nilagay sa sink. Nagsimula siyang maghugas.

Pinalobo ko ang bibig ko bago napanguso sa kaniya. "Galit ka e. Bakit ka galit?"

Hindi siya lumingon sa akin, nanatili siyang nakatalikod. "I am not mad, Pierce. Stop insisting that I am."

"Galit ka ba... sa akin?" naglakad ako palapit sa kaniya.

"Hindi," he glance at me over his shoulder, "Hindi ako magagalit sa 'yo."

"Oh... okay," I chewed on my lip.

"Stop tempting me damn it!" biglang sigaw niya na ikinagulat ko.

Napamaang ako sa kaniya. "What did I do?"

Hindi niya na ako sinagot at naglakad na siya palabas ng kusina. Iniwan niya ang mga hinuhugasan niya. Napamaang ako. Anong nangyari sa lalaking 'yon? What's with the sudden change of mood?

After I washed the dishes he didn't finished, I went upstairs only to see that he was already gone. Medyo nakabukas ang pinto ng balcony ko kaya sigurado akong dito siya dumaan. Umuwi na siguro siya.

It's almost time to sleep kaya napagpasiyahan kong maglinis ng katawan. Kumuha ako ng tuwalya bago pumasok sa loob ng banyo. Nag-half bath lang ako. Hindi ako nagtagal sa loob at lumabas ako na tanging tuwalya lang ang nakalibot sa katawan ko.

"Oh my gosh!"

Muntik na akong madapa nang bumungad sa akin ang nakaupong lalaki sa kama ko. It was none other than Cebastian! Akala ko umuwi na siya!

"Pierce—" His eyes widened when he saw me.

His eyes went down to my body that is only covered with towel. Humigpit ang hawak ko sa tela nito. My cheeks flushed as my heart pound rapidly. His jaw dropped and for a moment, I think he forgot how to breath.

"Close your eyes!" nahihiyang sigaw ko sa kaniya para bumalik siya sa katinuan. "Wag mo akong tingnan, gago ka!"

He cursed as he turned his back on me. I saw his broad back straightened up. Kumunot ang noo ko at mas lalo pang pinamulahan ng mukha. Hiyang-hiya na ako!

"Ano pang tinatayo mo diyan? Get out!"

"W-What? Why?"

Lumaki ang butas ng ilong ko. "Anong 'why'? Magbibihis ako kaya lumabas ka muna!"

"Oh... right," narinig kong bulong niya.

Mas mabilis pa sa alas kwatro na nawala siya sa loob ng kwarto ko. Napabuga ako nang mabigat na hininga. Wala na akong maihaharap na mukha sa lalaking 'yon.

Nagbihis agad ako dahil baka bigla nalang siyang pumasok. I decided to wear my up and down bunny pajama. Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng balcony para siguraduhin kung nandito pa ba siya.

And there I saw him, leaning on the railings.

Tumikhim ako para iparating sa kaniya na nandito ako. He turned around with an indifferent expression on his face. I want to know what he's thinking at this moment.

"H-Hi..." I said nervously.

"Come here," he motioned.

I hesitated for a second before I found myself walking towards him. I stopped only inches from him.

"I can't stay any longer here. I have to go now. Call me if something happens, alright?"

"Okay."

A teasing grin appeared on his lips. "Don't miss me too much."

"Ewan ko sa 'yo," I rolled my eyes upward, piercing my lips to stop myself from smiling.

I waited for him to leave already but he just kept looking at me. I raised a brow, eyeing him questioningly.

"Oh? Akala ko ba uuwi ka na?"

Umiling siya. I was taken aback when he closed the distance between us and before I can make a move, his soft lips pressed on my forehead. It lasted for almost five seconds.

My breath literally stopped pounding. I was unable to move when he did that. In just a blink, I was left alone in my balcony, blushing.

Eyes On HerWhere stories live. Discover now