Prologo

711 18 3
                                    

"Isabella! Bangon na't kakain na." Wika ni Lola Rina kay Isabella na kasalukuyan pa ring nakahilata sa kanyang kama.

Lunes, kasalukuyang nasa kolehiyo si Isabella at ngayon ay muli siyang papasok sa kanyang prestihiyosong unibersidad sa Bulacan.

"Goodmorning La!" masayang bati niya sa kanyang lola Rina.

Pagkatapos maligo at mag-ayos ay nag-umagahan na siya kasama ang kanyang lola.

Mayroon siyang sariling sasakyan na siya ring kanyang ginagamit patungo sa unibersidad.

..

"Bells! pupunta ka sa bahay mamaya ha! aasahan ko yan." bungad sa kanya ni Selene na siyang kanyang matalik na kaibigan.

"Oo nga, paulit-ulit ka."

Kaarawan ngayon ni Selene kung kaya't nais niyang makadalo ang kanyang matalik na kaibigan sa gaganaping munting pagsasalo-salo sa kanilang tahanan.

..

3:00 PM

Pagtapos ng klase ay agad na bumalik si Isabella sa kanilang tahanan upang magpalit at para kunin ang kanyang regalo para kay Selene.

"Sel! papunta nako diyan." sabik na pagtawag ni Isabella sa kaibigan.

"Yehey! ang regalo ko ha, hshs."

Kasalukuyang nag-mamaneho ngayon si Isabella nang biglang tumunog ang kanyang telepono.

Unknown number

Hindi na niya ito sinagot, ilang sandali pa, habang deretso niyang tinatahak ang kahabaan ng daan ay may biglang lumikong sasakyan (U-turn) sa kanyang kaliwa dahilan upang magkabang-gaan ang kanilang mga sasakyan at maaksidente.

..

Isinugod sa ospital si Isabella. Tila naparalisa siya habang tuloy tuloy ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ulo.

**

Hanggang sa isang araw ay nagising na lamang siya sa hindi karaniwang lugar.

Ngunit ito'y isang lugar na minsan na niyang kinagisnan, ang lugar kung saan do'oy minsan na siyang nabuhay.

Sa taong 1881, Las Filipinas.

**

Past LifeWhere stories live. Discover now