Kabanata 1

461 9 8
                                    

"Do you believe in reincarnation and past life? Do you think we already once lived before?"

"No mommy. It's all fantasy and fairytales."

"Fantasy and fairytales? Hmm, what made you say so?"

"Because...umm...because there's no evidence? And...and I think that's only a myth."

"You know what Isabella, some say that only the body is perishable but, our souls our immortal. They said that, when we die, our souls tend to transfer to a new living thing in order for them to live again."

"Really mommy? I think...that's scary." Wika ng batang si Isabella sabay taklob ng kumot nito.

"Scary? Okay, let's go to sleep. You don't wanna be late for your first day of school tomorrow right?"

"Yes mommy, goodnight!"

"Goodnight sweetheart."

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin makatulog si Isabella, ilang sandali pa, nagising ang kanyang ina,

"Oh anak why are you still awake?"

"I can't sleep mommy because, you told me reincarnation stories instead of fairytales."

"Okay, let me sing you a lullaby, yes?"

"Okay."

Magmula ng gabing iyon, hindi ko na mapigilan ang minsang mapaisip sa posibilidad na kung totoo ang reincarnation at past life na sinabi noon ni mommy. 8 years old pa lang ako noon.

**

"Lo siento te amo, Isabella, hasta otra vez mi amor, adios."

Nagising si Isabella mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog nang muli nanaman siyang managinip ng mga kakaibang salitang tila sinasabi sakanya.

Minsa'y sa kanyang pagtulog ay nananaginip siya ng mga kakaibang pangyayari. Malinaw niyang naririnig mula sa kanyang mga panaginip ang mga salitang sinasambit ng mga ito ngunit hindi niya malinaw na nakikita ang kanilang mga itsura.

Bumaba siya upang kumuha ng tubig,

"Oh apo, nananaginip ka nanaman ba?" Tanong ng kanyang lola Rina.

"Ah o-opo la. Ah babalik na po ako sa kwarto ko, goodnight po."

Batid ng kanyang Lola ang pananaginip nito nang minsan itong nagkukwento.

Si Isabella ay ulila na sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay sumakabilang buhay na noong siya'y sampung taong gulang pa lamang dahil sa sakit, samantalang makalipas naman ang isang taon ay namayapa na rin ang kanyang ama dahil sa isang aksidente. Kung kaya't ang kanyang Lola Rina na siyang ina ng kanyang ina ang kumupkop at nagpalaki sa kanya.

Sa Hacienda Infantes sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan lumaki si Isabella simula pagkasilang ay rito na siya nanirahan kasama Rin ang kanyang Lola.

Ang hacienda ng mga Infantes ay mula pa sa ika-19 na siglo kung kaya't ilang taon na itong nakatirik sa lupa ng San Ildefonso.

..

"Naniniwala ka ba na maaring may kinalaman sa iyong nakaraang buhay ang mga paulit-ulit na pangyayari sa buhay mo?" Tanong ni Lola Rina kay Isabella, kasalukuyan silang nasa hapag upang mag hapunan.

"Ho? Ah Déjà Vú po ba ang ibig niyong sabihin?"

"Ganon na nga, hija."

"Ah hindi po ako sigurado."

"Alam mo apo, noong bata pa ang iyong ina, madalas ko siya noong kwentuhan ng mga kuwento ukol sa nakaraang buhay. Katulad mo, hindi rin siya noon naniniwala sa mga ganoong bagay, iniisip niyang wala itong kabuluhan."

Past LifeWhere stories live. Discover now