Kabanata 10

124 7 1
                                    

Isang araw nagpunta si Isabella sa batis upang maligo. Malawak ang lupain, malamig ang simoy ng hangin, at may malinaw na tubig ang batis.

Sa kabilang dako'y lingid sa kaalaman ni Isabella na mayroong isang binatang natutulog sa malaking sanga ng puno katabi ng batis. Nasa mataas ito kung kaya't hindi kapansin-pansin na mayroong tao rito.

Nagsimula ng lumusong si Isabella sa batis. Mababato ngunit nakikitaan ng kalinisan ang tubig sa sobrang linaw nito. Nakasuot lamang siya ng manipis na puting bestida na abot hanggang tuhod. Nakalugay rin ang kaniyang mahabang buhok. Nilalaro niya ang kaniyang mga paa sa tubig habang siya'y nakapikit at dinarama ang sariwang simoy ng hangin. Ilang sandali pa'y nagsimula siyang sumipol at maya maya'y nagsimula na rin siyang humimig habang naliligo.

Sa kabilang banda, sa taas ng puno, naalimpungatan ang isang lalaki dahil sa himig ni Isabella. Mahimbing itong natutulog habang nakatakip ang sombrero sa muka.

Nang imulat niya ang kaniyang mata ay nagkamali siya sa pag-galaw kung kaya't siya'y nahulog at bumagsak mula sa mataas na puno na agad na ikinagulat ni Isabella.

"Ay palaka!" gulat na napahawak si Isabella sa tapat ng kaniyang puso. Ilang sandali pa'y napatigil siya nang mamukaan ito.

"Sandali...ikaw!?" saad ni Isabella sabay turo rito.

"N-nagkakamali ka sa iyong iniisip binibini." agad na depensa ni Lukas na nakataas pa ang dalawang kamay sa harapan na parang nagsasabing tumigil. Agad namang napahawak si Isabella sa kaniyang dibdib dahil hindi kaaya-aya na makita ng isang lalaki ang kaniyang manipis na kasuotan.

"Sinisilipan mo ba ko!? umamin ka, manyak!"

"Man-yak?" saad ni Lukas ngunit agad rin itong napailing. Marami man itong babae ngunit kailanma'y hindi niya magagawang lapastanganin ang mga kababaihan.

"Sandali lamang, ika'y maghunos dili at ako'y magpapaliwanag. Natutulog ako roon..." saad niya sabay turo sa puno.

"...ngunit ako'y naalimpungatan nang dahil sa iyong paghimig."

"Oh so kasalanan ko pa ngayon? eh bat ba kase dyan kapa natutulog eh hindi naman yan tulugan, tsaka isa pa alam mo naman siguro na paliguan rin dito kaya natural lang na magiging maingay."

"Hayan ka nanaman sa dami ng iyong satsat. Ngunit, pasensiya na binibini. Ito na ang ating pangatlong beses na pagkikita, hindi mo pa rin ba ibig na aking mabatid ang iyong ngalan?" wika ni Lukas habang nakangisi ng todo. Tiningnan naman siya ni Isabella na animo'y nandidiri sa ginagawang kalokohan ng kausap.

"Tse! ayoko nga, pangalan mo muka mo! dyan ka na nga!" pagtataray niya.

Natawa naman ng sarkastiko si Lukas bago magsalita. "Alam mo, tunay kang kakaiba at namumukod-tangi sa lahat ng binibining aking nakilala. Pero sige, hindi kita pipilitin ngunit, bago ko makalimutan ay nais ko sanang sabihin na kay ganda ng iyong himig. Adíos binibini, hanggang sa muli nating pagkikita." Wika niya sabay kindat saka tuluyan ng umalis habang sumisipol.

Sinundan lamang siya ng tingin ni Isabella. "Ang lakas talaga ng tama non noh tsk. Ano kayang nagustuhan dyan ni Clarita." Saad niya habang nakaturo kay Lukas.

..

Makalipas ang ilan pang araw ay, mabilis lamang na nasanay si Isabella sa mga gawain sa beateryo. Nakabisado narin niya ang ilan sa mga dasal sa wikang Español at Latin.

Araw ng Biyernes ang kaarawan ng alferes (military officer) ng San Ildefonso kung kaya't imbitado ang mga kilalang pamilya at mga nabibilang sa alta-sociedad. Gaganapin ito sa kanilang hacienda.

Kulay asul na baro't saya ang suot ni Isabella, kasama niya ngayon ang kaniyang pamilya sa pagdalo sa kaarawan ng alferes.

"Huwag magaslaw ang kilos anak." Bilin ng kaniyang ina na katabi niya ngayon sa kalesa habang nasa harapan naman nila ang kaniyang ama.

Past LifeWhere stories live. Discover now