Kabanata 4

183 8 0
                                    

"Isabella!" Napalingon si Isabella sa babaeng tumawag sakanya, si Salome.

"Selene! Ay este Salome!" Tumakbo si Salome papunta sakanya sabay yakap sa kaibigan.

Naroon muli si Isabella sa balkonahe pagkatapos niyang manggaling sa banyo.

"Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala, ang sabi ni manang Milagros ay nasa balkonahe ka ngunit nang magpunta ako rito kanina ay wala ka." Wika ni Salome.

"Ah ganon ba, kanina mo pa ba ako hinahanap? Sorry galing kase akong cr hehe."

"So-ri? C-r? Ngayon ko lamang narinig ang mga salitang iyon." Manghang tingin ni Salome sa kaibigan.

"Ay ang ibig kong sabihin ay ah..pasensiya, paumanhin yung sorry ganon at ang cr naman ay banyo." Paliwanang niya.

Napatango-tango lamang si Salome habang muling binibigkas ang mga bagong salitang nalaman.

"Ako'y kanina pa nababagot rito, nais ko nang umuwi at matulog." Wika pa ni Salome.

"Ako rin eh, ang boring dito."

"Bo-ring? Ano naman iyon?"

"Boring ay nababagot..ayon."

"Ah, tila marami kang nalalamang mga bagong salita, iyan bang mga salita ay nasa ibang lenggwahe?"

"Oo. Ingles."

"Kung gayon ay..marunong kang magsalita sa Ingles?"

"Oo hehe."

"Kamangha-mangha Isabella. Ikaw pala'y marunong mag Ingles, ngunit kailan pa? Sa tuwing nag-uusap naman tayo'y hindi ka gumagamit ng mga salita sa Ingles."

Oh my bat andami niyang tanong? Parehas sila ni Selene na matanong at mausisa. Pano ko ba sasagutin toh? Well natutunan ko lang naman ang mag English sa school eh alanga naman sabihin kong sa school kasi as far as I know hindi pumapasok sa school ang mga kababaihan kasi para lang sa mga lalaki ang school sa panahong ito. So pano yan, somebody help!

"Ah ganon ba...k-kasi um-" napalingon si Isabella sa paligid, umaasang makakahanap ng masasagot sa kaibigan.

"Señorira Isabella, hinahanap ka na ng iyong ina." Wika ni manang Milagros.

Hays salamat manang!

"Ah sige na mauuna nako bye!"

"S-sige mag-iingat ka!"

Whew natakasan ko yon ah.

..

Kinabukasan, sinama ni Doña Criselda si Isabella sa pamilihan. Kasama rin nila si manang Milagros na siyang mayor doma ng hacienda Infantes.

Ang kagandahan sa pagpunta ko rito sa nakaraan ay ang makita ng personal ang Bulacan noong panahon ng pananakop ng mga Español.

Parang batang ngayon lamang nakalabas si Isabella habang manghang-manghang nakatingin sa paligid.

Araw ngayon ng Sabado kung kaya't matao sa pamilihan ngunit kahit ganoon pa'may maayos pa ring namimili ang mga tao at hindi siksikan.

Marami ang nagbebenta ng mga gulay at prutas at mga iba't-ibang kasangkapan sa pagluluto.

Nagpunta sila sa tindahan ng mga palamuti, mayroon ring mga payneta.

Ilang sandali pa'y naibigan ni Isabella ang hugis pusong kuwintas na kulay ginto Kung kaya't akmang kukunin niya na sana ito nang may bigla ring akmang kukuha rito. Walang nauna sa kanilang dalawa sapagkat sabay lamang nila sana itong kukunin.

Past LifeWhere stories live. Discover now