Kabanata 14

105 7 0
                                    

"Prepárate para el baile de esta noche (Maghanda kayo para sa sayawan mamayang gabi.)" wika ni maestra Estrella sa kaniyang mga estudyante sa beateryo.

Ballroom dance ba?

Ilang sandali pa, nilapitan ni Isabella ang kaibigang si Salome na tila kanina pa wala sa sarili at tila lumilipad muli ang utak kung saan-saan. "Huy, ayos ka lang?" wika niya sa kaibigan. "Nakita ko kasi muli si Leon kanina na may kasamang iba nanamang babae. Noong isang araw, kahapon, at ngayon. Hindi na ako magtataka kung muli ko siyang masusumpungan bukas na may iba uling kasamang binibini." wika ni Salome. "Tsk, babaero pala yang napupusuan mo, hay nako napaka red flag. Sana makahanap ka ng nararapat sayo Salome, yung green flag dapat." saad naman ni Isabella at ikinumpas pa ang kamay sa ere ng banggitin ang salitang green flag.

"Hindi ko nanaman maunawaan ang ilan sa iyong isinasambit Bella, maari bang magsalita ka ng maayos, por favor." wika ni Salome. "Wag mo nang pansinin yung mga kakaibang salitang sinasabi ko, sige una na'ko bye!" Papunta na si Isabella sa kaniyang silid nang makita niya si Clarita sa tapat ng silid nito na may hawak na papel habang nakangiti rito. 

"Clarita?" gulat na napatingin si Clarita kay Isabella sabay tago ng papel sa kaniyang likuran.

"Oh, ano yan? ikaw ha yieee." panunukso niya pa. Napangiti nalang rin si Clarita sabay pakita ng isang liham.

"Ipinapa-abot ito ni Lukas, pangungumusta at nais niya na ako ang maka-sayaw niya sa sayawan mamayang gabi." nakangiting wika ni Clarita.

"Haba ng hair yarn? hshs. Pero...masaya talaga ako para sa'yo Clarita, sainyo ni Lukas."

"Salamat." niyakap ni Clarita si Isabella na siyang nariyan at lagi siyang handang damayan.

..

Nakikipag-usap si Fidel kay Lukas nang mapalingon siya sa bagong dating,

Naka-suot si Isabella ng kulay kahel na baro't saya habang naka pusod ang kaniyang mahabang buhok na may nakalagay na paru-parong payneta.

Halos lahat ay napatigil sa kani-kanilang gawi at napalingon kay Isabella na ngayon ay hindi na alam ang gagawin gayong maraming mata ang nakatingin sakanya. Tila bumagal naman ang takbo ng paligid para kina Fidel at Isabella nang magtama ang kanilang paningin.

Humakbang palapit si Fidel sa dalaga habang diretsong nakatingin sa isa't-isa. Ilang sagilt pa, "Maari ba kitang maisayaw kung iyong mamarapatin, binibini?" wika ni Fidel sabay lahad ng kaniyang palad sa tapat ng dalaga. Napatingin muna siya sa palad ni Fidel saka ito hinawakan, nagsimula na silang humakbang papunta sa gitna. Inilagay na ni Fidel ang kaniyang mga kamay sa baywang ni Isabella habang nilagay naman ng dalaga ang kanya sa balikat ng binata. Kinakabahan man ngunit nagawa niyang sumabay sa mga hakbang ng binata. Nakatingin lamang sila sa isa't-isa. Napapa-ibig nilang dalawa ang mga manonood na nasa kanila ang buong atensyon.

Napansin ni Fidel ang mirasol na ipit na binigay niya kay Isabella nang iikot niya ito sa kanilang sayaw, "Natutuwa akong makita na suot mo ang ipit na iyan. Bagay nga sa iyo." Saad ng binata. Napaiwas naman ng tingin si Isabella nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Ilang sandali pa'y napansin rin ni Fidel ang panlalamig ng kamay ni Isabella nang muli niya itong inikot kung kaya't lumapit siya sa tainga ng dalaga saka bumulong "Huwag kang kabahan binibini, mahusay kang sumayaw kung kaya't tiyak kong napapaibig mo ang mga manonood, tingnan mo na lamang ako sa mata." saad niya sa dalaga. Nang matapos sila sa pag-sayaw ay agad na nagpalakpakan ang mga tao roon.

Nagpunta si Isabella sa labas nang makita ang bilog at maliwanag na buwan.  Naupo siya sa isa sa mga silya roon at taimtim na pinagmasdan ang buwan. Ilang sandali pa, napalingon siya sa kaniyang likuran nang may maramdamang presensiya, sa kaniyang paglingon ay nakita niya si Fidel na nakatingin rin sa buwan. Napatayo na si Isabella at nagbigay-galang sa binata. 

"The moon is beautiful, isn't it?" Wika ni Fidel sabay lingon kay Isabella. Tila bumilis ang tibok ng puso ni Isabella nang magtama ang kanilang paningin kung kaya't muli siyang napaiwas.

"Oo! Tama ka señor, sadyang maganda nga ito. Alam mo, mabuti dito hindi pa polluted, fresh air lang, kasi nako kung alam mo lang kung gaano na ka polluted ngayon ang Maynila tsk. Ah! Wag niyo na pong pansinin yung ibang sinabi ko, sadyang may pagka-matabil lang talaga tong dila ko hehe." Dagdag ni Isabella nang makita ang may halong pagtatakang hitsura ni Fidel.

"Pero, ang ganda nga noh...ng buwan, hehe." Wika pa ng dalaga.

"Oo, tunay at sadyang napakaganda nga nito." Pagsang-ayon ni Fidel ngunit nakatingin lamang siya kay Isabella nang sabihin niya ito.

Mayghad, bat ba siya nakatingin sakin ng ganyan? Wag sana niya marinig tong pagwawala ng puso ko ngayon, eh kami lang kasing dalawa ang nandito.

Ilang saglit pa, muling nilahad ni Fidel ang kaniyang palad sa tapat ni Isabella, "Maari ba?" Wika niya sa dalaga. Napangiti si Isabella sabay hawak sa palad ng binata.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, naroon ang dalawang taong nagsimula muling sumayaw ng mabagal habang nakatingin lamang sa mga mata ng isa't-isa. Sa pagkakataong iyon ay malinaw na kay Isabella na siya'y unti-unti ng nahuhulog sa lalaking nasa harapan niya,  hanggang sa bumaba ang paningin sa kanilang mga labi,

Nang matapos sila sa pagsayaw ay ilang segundo lamang sila nakatingin sa mata ng isa't-isa. Mga matang nagsasabi ng kanilang tunay na nararamdaman para sa isa't-isa. Ilang saglit pa,

"Te amo, Isabella."

Sa sandaling iyon ay isang alaala ang muling pumasok sa isip ni Isabella,


"Kay ganda ng buwan, hindi ba?" Wika ni Fidel sabay lingon kay Isabella. Tila bumilis ang tibok ng puso ni Isabella nang magtama ang kanilang paningin ng lalaking tanging nagbibigay ng kakaibang ligaya sakanya.

"Siyang tunay ginoo. Isa sa mga paborito kong gawin ay ang pagmasdan ang maliwanag na buwan sa gabi sa oras na masumpungan ko na ito." Nakangiting wika ni Isabella habang nakatingala sa buwan.

"Ang Ganda Hindi ba?" Wika niya sabay lingon sa binata.

"Oo, tunay at sadyang napakaganda nga nito." Pagsang-ayon ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Isabella.

"Maari ba?" Wika niya nang ilahad ang palad sa dalaga. Napangiti naman si Isabella sabay tango bagay na nagpangiti rin sa binata.

Sa mga sandaling iyon ay malinaw na kay Isabella na siya'y unti-unti ng nahuhulog sa lalaking nasa harapan niya, hanggang sa bumaba ang paningin sa kanilang mga labi,

Ilang segundo lamang sila nakatingin sa mata ng isa't-isa nang matapos ang sayaw. Mga matang nagsasabi ng kanilang tunay na nadarama para sa isa't-isa. Ilang saglit pa,

"Te amo, Isabella."


Tuluyan ng nagdilim ang paningin ni Isabella hanggang sa sandali siyang mawalan ng malay, "Isabella!" Wika ni Fidel sa dalaga na ngayon ay nasa kaniya ng bisig habang sila'y nasa sahig.Wala pang sampung segundo nang muling nagkamalay si Isabella.

Sa pagkakataong ito ay unti-unti ng nagiging malinaw sakanya ang lahat, naaalala na niya ang mga taong minsan na naging parte ng kaniyang buhay ang mga tao sa nakaraan na muli niyang nakasama, at si Fidel, ang tanging lalaking inibig niya sa kaniyang nakaraang buhay. Naluluhang nakatingin siya sa mga mata ng binata na puno ng pag-aalala.

Hanggang sa muling pagkikita natin ay sasabihin ko pa ring, mahal kita. Ikaw lamang ang tanging patutunguhan at pupuntahan. Mula noon bukas at kailanman, Fidel.

"Yo también te amo, Fidel."

..


Featured Song: Pusong Ligaw by Jericho Rosales •́⁠ ⁠ ⁠‿⁠ ⁠,⁠•̀

Past LifeWhere stories live. Discover now