Kabanata 12

108 8 2
                                    

Araw ng Sabado, maagang nagising si Isabella upang maghanda dahil susunduin siya ng kanilang kutsero ngayong umaga sa beateryo pagkat mamayang tanghali na ang kanilang alis patungong Laguna. Mamayang hapon na ang prusisyon na magaganap sa bayan na iyon.

Nang makarating sila sa tapat ng hacienda Infantes ay nagtatakang napatingin si Isabella sa isa pang kalesang nakaparada sa tapat rin ng hacienda.

Oh, may bisita yata? or isa nanaman yan sa mga kalesang pagmamay-ari namin?

Pagkapasok niya sa loob ng mansiyon ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina, "Oh Isabella, anak mabuti't nakarating ka na." Ilang sandali pa, nakita niya ang kaniyang ama na may kausap na lalaki na nakatalikod sakanya, "Ah siya nga pala, si Ginoong Fidel ay narito." nakangiting wika ng kaniyang ina. "Halos sabay lamang kayong dumating." dagdag niya pa. Unti-unting humarap si Fidel at sa pagkakataong iyon ay tila bumagal ang takbo ng paligid kay Isabella. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso, tibok na tila pamilyar na ngayon na lamang niya naramdaman at naranasan.

"Siya nga pala, ginoong Fidel, ano ang iyong sadya rito?" wika ni Doña Criselda.

"Ah, hindi po makakadalo sina ama at ina sapagkat nagtungo sila sa Maynila kanina para sa negosyo, kung kaya't..ako na lamang ho ang mag-isang dadalo."

"Nako, sumabay ka na lamang sa amin hijo." Paanyaya ni Doña Criselda.

"Sayang naman kung hindi sila makakadalo, bueno, makisabay ka na lamang sa amin Fidel." wika naman ni Don Joselito. Sa pagkakataong iyon ay napalingon si Fidel kay Isabella na tila'y nagpapaalam kung ayos lamang ba sakanya na sumabay siya sa kanila .

"Ah, sure! ah este- oo nga makisabay ka na samin." wika ni Isabella na nakapag-pangiti kay Fidel.

"Sige ho, gracias." saad ni Fidel na napahawak pa sa kaniyang batok at tila'y nahihiya.

Nagkatinginang muli sina Isabella at Fidel, Lord, why naman ganto? sobrang nakakahalina ng mga mata niya, well single naman na siya so- stop! maygash Isabella!

..

Sumakay na sila sa kalesa, magkatabi sina Doña Criselda at Isabella habang nasa tapat naman niya si Fidel na katabi ni Don Joselito.

"Hijo, saang unibersidad mo pala nais na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng abogasya?" wika ni Don Joselito kay Fidel.

"Nais po ni ama na ipagpatuloy ko sa Unibersidad de Santo Tomas sa Maynila ang aking pag-aaral ng abogasya ngunit ako po'y nagpumilit na manatili sa aking pinapasukang unibersidad sa Bulacan." magalang na saad ni Fidel. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay kilala noon sa orihinal na pangalang "Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario".

Mayghad ang hirap nga naman pag hindi pa advance ang transportation dito, di ko na maramdaman pwet ko, my goodness. Halos mag-lilimang oras na ang kanilang nilakbay bago makapunta sa lupain ng Laguna.

Makukulay na banderitas ang sumalubong sakanila. Ang mga mamamayan rin ay masayang nakikipag-halubilo sa isa't-isa habang ang mga bata naman ay masayanag naglalaro at nagtatakbuhan. Tutuloy sila sa mansyon ng mga magulang ni Doña Criselda.

"Isabella apo!" salubong sakanya ng ina ni Doña Criselda, ang kaniyang lola Luicita. Niyakap siya nito ng mahigpit. Omg, pano nato, eh hindi ko naman sila kilala, shems, help! "Oh apo, hindi ka ba natutuwa na makita ako?" wika ni Dona Luicita. "Ah, mano po, l-lola." ngiti niya sabay mano rito. "Oh at sino naman ang napaka-guwapong binata na inyong kasama?" saad niya pa. "Ah, siya ho pala ang anak ni Don Mauricio Salcedo, si Senor Fidel Salcedo." pakilala ni Doña Criselda. "Bienvenido! bueno, por favor siéntase como en casa. (Welcome! please make yourself at home.)" masayang wika ni Don Manuel na asawa ni Doña Luicita. Teka, familiar ka..nakalimutan ko na basta nakita na kita somewhere diko lang maalala. Pag-iisip ni Isabella nang makita ang matandang Don.

Past LifeWhere stories live. Discover now