Kabanata 6

155 9 0
                                    

Buwan na ng Disyembre, kung kaya't naghahanda na ang ilan sa pagsapit ng buwan ng kapaskuhan. Masaya at maunlad ang bayan ng San Ildefonso sa pamumuno ni Don Ezekiel Asunción na siyang ama ni Clarita. Makulay rin ito tuwing papalapit na ang buwan ng Disyembre dahil sa mga dekorasyon sa mga kabahayan.

Masayang nagkukuwentuhan ang mga mamamayan at ang mga nagtitinda sa paligid na nadaraanan ni Isabella at Lira. Kasalukuyan nilang tinatahak ngayon ang kahabaan ng kalsada papuntang hacienda Infantes.

"Binibini, maari ko ho bang malaman kung kailanman ay may nagustuhan na kayong ginoo?" Nakangiting tanong ni lira.

Natawa muna si Isabella bago ito magsalita,

"Crush ba kamo?"

"Krash?"

"Oo, na ang ibig sabihin ay taong hinahangaan o natitipuhan ganon."

"Krash, ah, salamat ho sa bagong kaalaman binibini, kung gayon mayroon na po ba kayong krash?"

"Hmm wala eh, ewan ko pero sa tuwing sinasabi kong wala, parang mayroon na noon pa? Ah basta, wala."

"Ano ho ba ang inyong tipo sa lalaki señorita?"

"Hmm syempre yung mabait, magalang, matalino, gwapo, may sense of humor, matangkad, at higit sa lahat may takot sa Diyos, ayon hehe. Ideal guy." Itinaas niya pa sa ere ang kanyang kamay nang sabihin niya ang huling dalawang salita.

"Ang katulad ho ba ni Ginoong Fidel ang inyong tipo." Nakangiti at kinikilig na wika ni Lira.

"Hoy alam mo bang taken na yon?" suway niya rito.

"Kaya wag mokong ishi-ship sakanya okay?" dagdag pa niya.

"Pasensiya na binibini ngunit hindi ko ho maunawaan ang ilan sa inyong mga sinabi."

"May nobya na yon diba si Clarita kaya wag mo na kong tuksuhin pa sakanya entendido? (Got it?)"

"Ah pasensiya na ho Señorita hehe."

"Sige na tara na baka hinahanap na tayo ni mommy."

..

Ngayong araw na ang pag-alis ni Isabella patungong beateryo.

"Ika'y laging sumunod sa inyong maestra, naroon kayo upang matuto ng kabutihang asal at gawain kung kaya't huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo si maestra Estrella, entendido Isabella?" Bilin ng kanyang ina, ngayong umaga na ang kanyang alis.

"Yes mom promise." Ani ni Isabella sabay taas ng kanyang kanang kamay na animo'y manunumpa.

Nagtataka naman siyang tinignan ni Doña Criselda at Don Joselito maging ni manang Milagros.

"Ay este..opo ina, wag po kayong mag-alala. Hindi po ako magkukulit roon hehe." ngiti niya.

"O siya magpadala ka na lamang sa amin ng liham o ng telegrama." Saad naman ng kanyang ama.

Niyakap na siya ng kanyang ina at ama. "Ika'y mag-iingat rin ha." Habol pa ni Doña Criselda. Sumakay na si Isabella sa kalesa, "bye po!" Saad niya habang kinakaway ang kamay sa umaandar na kalesa.

..

"Magandang umaga maestra Estrella." Sabay sabay na wika ng mga estudyante ni maestra Estrella sa beateryo. Kilala itong istrikta at madisiplina. Nakahilera na ang kanyang mga estudyante sa unang palapag ng beateryo.

"Magandang umaga rin sa inyong lahat at maligayang pagbabalik, bueno, ihanda niyo na ang inyong mga sarili dahil ilang oras na lamang at magsisimula na ang ating servicio de oración (prayer service)." Wika ni maestra Estrella, habang naglalakad sa tapat ng kanyang mga estudyante nang bigla siyang mapahinto sa tapat ni Isabella.

Past LifeWhere stories live. Discover now