Kabanata 9

117 7 0
                                    

"Ano iyan?" Wika ni Clarita kay Isabella. Gabi na ngunit narito muli sila sa silid ni Clarita.

"Painting po- ah este...obra? Parang ganun na nga hehe."

"Maari ko bang makita kung iyong mamarapatin?"

"Ay nakakahiya naman po pero sige, basta magsabi lang po kayo ng totoo kung maganda ba o pangit hehe."

"Madre mía (oh my) kamangha-mangha ang iyong iginuhit binibini." Tila kumikislap ngayon ang mga mata ni Clarita sa nakitang obra na ginawa ni Isabella. Isa itong lawa na kulay lila na mayroong mga puno at papalubog na araw.

 Isa itong lawa na kulay lila na mayroong mga puno at papalubog na araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ako'y bihira lamang makakita ng mga ganitong klaseng obra. Sadyang napakahusay. Tunay kang kakaiba Isabella." Papuri pa ni Clarita.

"Nako señorita maraming salamat po." Nahihiyang saad ni Isabella.

"At ano naman ang iyong ipapangalan sa napakagandamg obrang ito?"

"Life goes on painting." Nakangiting tugon ni Isabella habang ikinukumpas pa ang dalawang kamay sa ere nang sabihin ang titulo ng obra.

"Layf..ano?"

"Ah ano ba sa tagalog yon, um tuloy lang ang buhay! Ayon! Yun po ang nais kong ipangalan sa aking obra."

"Magaling. Ngunit, maari mo bang sabihin kung bakit iyon ang titulong iyong naisip?"

"Kasi...not to sound old ah pero marami na rin po akong napagdaanan. Sa totoo lang minsan ang buhay ay para ring deja vu kasi paulit ulit lang rin naman ang mga nangyayari at mga pangyayari sa buhay mo diba, everyday same routine ganon kaya po minsan alam mo na ang maaaring susunod na mangyayari atsaka sanay ka na rin kasi nga ilang beses naman na rin yun nangyari pero yun nga po sa kabila nang mga pagsubok at problemang iyon ay, tuloy parin ang buhay. Tulad niyang papalubog na araw, mag-gagabi nanaman, tapos panibagong araw nanaman mamaya."

Nakatingin lamang at taimtim na nakikinig sakanya si Clarita habang nagpapaliwanag ito.

"Atsaka señorita, alam niyo ho bang mula pagkabata ay pagpipinta ang aking way of escape o paraan para kahit papano ay makatakas ako sa...sa magulong mundo at reyalidad ng buhay." Saad pa ni Isabella na napabuntong hininga. Hinawakan naman ni Clarita ang likod at balikat ni Isabella bilang pagdamay rito.

"Hindi ka nag-iisa, pagkat lubos kitang nauunawaan binibini."

"Para sa akin, ang buhay ay tila isang alon. Hindi mo alam ang mga pagsubok o problema na basta basta darating sa iyong buhay tulad ng isang alon na hindi mo inaasahan. Minsan naman ito'y tila isang malaking alon na maaring magdala sa iyo ng malaking problema o pagsubok, ngunit kahit ganoon pa ma'y dapat na matutunan rin natin ang mamuhay kasama ang mga alon na ito sa buhay. Palagay ko'y minsan ay mas makabubuti kung ating tatanggapin na ganito ang ating kapalaran sa buhay." Wika ni Clarita na nakatingin sa mga nagkikislapang bituin sa kalangitan mula sa nakabukas na bintana.

Past LifeWhere stories live. Discover now