Kabanata 16

131 8 3
                                    

4 years later

"Ninong!" wika ng isang bata na ngayon ay tumatakbo papunta kay Fidel. Agad naman itong binuhat ni Fidel at hinalikan sa pisngi.

"Karina, hindi ba't sabi ko sayo'y huwag ka ng magpapabuhat sa iyong ninong gayong malaki ka na." wika ni Lukas sa kanilang anak ni Clarita na si Karina na ngayon ay apat na taong gulang na. "Hayaan mo na amigo, naglalambing lamang ang aking inaanak." ngiti niya sabay lingon kay Karina na ngayon ay nakapulupot ang dalawang kamay sa leeg ni Fidel.

"Karina anak." nagpababa ang paslit nang makita ang kaniyang inang si Clarita. "Mahal, isasama ko muna si Karina sa pamilihan." wika niya kay Lukas na agad na humalik sa pisngi ng asawa. Napailing na lamang si Fidel sa kapusukan ng kaibigan.

"Ano na ang iyong balak ngayon? balita ko'y mamaya na ang dating nila." wika ni Lukas nang lumapit kay Fidel. "Hindi ko pa rin batid, Lukas. Ngunit, ako'y nasasabik na muli siyang masilayan." saad naman ni Fidel. "Pagkakataon mo na ito amigo, ngayong humupa na ang lahat." wika pa ni Lukas.

Matagumpay nilang naisiwalat ang maitim na gawi ni Don Marcelo dahilan upang siya'y makulong, apat na taon na ang nakararaan. Ngunit hindi nila diniin ang lahat kay Marcelo pagkat ama parin siya ng kanilang kaibigang si Lukas kung kaya't hindi siya nahatulan ng kamatayan. Siya rin ay nagkaroon ng malubhang sakit.

..

Nagpunta si Don Mauricio sa daungan ng barko upang salubungin ang pagbabalik-bansa ng matalik na kaibigang si Don Joselito at ng kaniyang pamilya kung kaya't kasama niya ang anak na si Fidel.

Ilang saglit pa, dumaong na ang barko galing España. Kinakabahan man ngunit mas nangingibabaw ngayon kay Fidel ang pagkasabik na muling makita ang sinisinta.

"Amigo!" wika ng dalawang Don nang makita ang isa't-isa. Ilang sandali pa,

"Fidel" ngiti ni Isabella bagay na nagdulot ng tunay na ligaya kay Fidel.

..

Nagtungo silang dalawa sa dalampasigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagtungo silang dalawa sa dalampasigan. Walang nagtatangkang magsalita habang sila'y naglalakad ng magkahawak-kamay. Sa pamamagitan lamang ng kanilang presensiya ay labis na ang kanilang galak gayong muli nilang nakapiling ang isa't-isa.

Ilang saglit pa, napatigil na sila sa tabi at ilalim ng puno at napatitig sa malinaw na dalampasigan.

"Kamusta." sabay nilang saad dahilan upang sila'y matawa. "Ikaw muna ang mauna." wika ni Fidel. "Mabuti naman. I was happy, I am happy, lalo na ngayon na..nakasama uli kita." ngiti niya kay Fidel. Ang mga ngiting iyon ni Isabella ang tanging bagay na nagdudulot ng kakaibang ligaya sakanya.

"Ikaw?"

"Mabuti rin ngunit..labis akong nangulila sa loob ng limang taong hindi kita nakita." malungkot na saad ni Fidel.

"Alam mo ba, labis ang tuwa ko nang gabing iyon, dahil sa wakas ay nalaman ko na rin ang iyong tugon sa aking pagtatapat. Ngunit, hindi ko aakalaing ang kapalit naman non ay...limang taong hindi natin pagkikita." wika pa ni Fidel.

Past LifeWhere stories live. Discover now