Epilogo

185 9 12
                                    

_____________________________
Gumuhit ng tuwid ang linya ng ICU monitor ni Isabella kung kaya't agad na nagtawag ng nars si Lola Rina. Isang luha naman ang dumaloy kay Isabella.

"1,2,3 clear!"

Halos isang buwan ng na-comatose sa ospital si Isabella ngunit nang mapunta siya sa kaniyang nakaraang buhay ay halos anim na taon na ang nakalipas roon.

Wala na siyang maaalala pa tungkol sa kaniyang nakaraang buhay maging ang kaniyang pagbabalik tanaw sa panahong iyon sa oras na siya'y nakabalik na sa bago niyang buhay sa kasalukuyan.

**

Makalipas ang ilan pang linggo, tuluyan ng bumalik sa normal na buhay si Isabella. Muli na siyang nakakapasok sa Unibersidad. Wala na ang mga bagay na bumabagabag sakanya patungkol sa buhay at kapalaran niya sa nakaraan.

Naglalakad siya sa silid-aklatan habang isa-isang tinitipa ng kaniyang kamay ang mga libro sa istante.

Sa kabilang banda naman ay may lalaking estudyante na ganoon rin ang ginagawa. Nasa magkabilang gilid sila ng istante ng mga libro habang may hawak ring mga libro sa isang kamay. Ilang sandali pa, papunta naman sila sa kabilang bahagi ng istante,

"Oops, sorry." Sabay nilang wika nang magkabang-gaan at nahulog ang kanilang mga hawak na libro. Agad nila itong pinulot at nang matapos ay nagkatinginan sila sabay abot ng kanilang nahulog na libro sa isa't-isa.

Sa pagkakataong iyon ay may kung anong hiwaga ang nabalot sa kanilang buong katawan nang magtama ang kanilang paningin. Lingid sa kanilang kaalaman ay ito na ang pangatlong beses nilang pagkikita, ngunit kailanman ay hindi na nila ito malalaman pa.

..

Naitalaga si Isabella na samahan maglibot ang bagong pasok na babaeng estudyante sa kanilang Unibersidad.

"Hi! I'm Claire." Wika ng isang matangkad, maputi at mestisang babae kay Isabella na siyang sasamahan niyang ilibot sa Unibersidad.

"Claire Infantes." Wika niya sabay lahad ng kaniyang palad upang makipagkamay. Ikinagulat ni Isabella ang apelyido nito na kapareha niya sapagkat bihira lamang ang ganoong apelyido. Hindi rin nila alam kung bakit tila nagkakilala na sila noon.

"Claire Infantes? Wow parehas pa pala tayo ng surname. I'm Isabella Infantes. Nice to meet you." Ngiti niya at nakipagkamay.

Lumipas ang ilang buwan, naging malapit na magkaibigan sina Isabella at Claire. Madali silang nagkasundo dahil sa dami ng kanilang pagkakapareho sa buhay. Hindi nila alam kung nagkataon lang ba ang ilang istorya sa kanilang buhay na magkapareho. Si Claire ay nakatira ngayon sa kaniyang Lola Iday na siya nang kumupkop sakanya simula nang maging ulila Ito sa mga magulang.

Isang araw ay nais isama ni Claire si Isabella sa kanilang tahanan upang ipakilala ang bago niyang kaibigan sa kaniyang Lola Iday.

Nang makarating sila sa tahanan nito at nang makita ni Lola Iday si Isabella ay gulat siyang napatingin dito dahilan upang mabitawan niya ang babasaging pinggan.

"Nako Lola! Ako na po diyan baka masugatan pa po kayo." Agad na wika ni Isabella. Tumulong na rin si Claire, ngunit tulala lamang na nakatingin si Lola Iday kay isabella.

"I-isabella? Hija, ikaw na ba iyan?" Wika niya kay Isabella.

Ilang sandali pa, nang makatayo ito ay bigla niya itong niyakap na ikinagulat nina Isabella at Claire.

"La, kilala niyo po siya?" Saad ni Claire.

"Sumunod kayo sa akin." Wika ni Lola Iday. Agad namang sumunod sakanya ang dalawa paakyat.

Nang makapunta sila sa kuwarto ni Claire, ay gulat na napatingin si Isabella sa mga larawan sa lamesa ni Claire. Mga litrato ito ng kaniyang mga magulang. Nanginginig na kinuha ni Isabella ang larawan.

"B-bakit ka may ganito?" Naiiyak na wika niya kay Claire.

"Sila ang parents ko...b-bakit Bella, are you alright?" Tugon ni Claire.

"Claire apo. S-si Isabella ang nawawala mong kapatid. Isabella hija, si Claire ang...nakatatanda mong kapatid." Naiiyak rin na saad ni Lola Iday.

"P-po?" Sabay nilang wika.

Ipinaliwanag ni Lola Iday ang katotohanan ukol sa kanilang pagkakakilanlan. Mas matanda ng isang taon si Claire kay Isabella. Si Claire ay dalampung taong gulang na habang si Isabella naman ay labing-siyam na taon na.

Sila ay napaghiwalay sapagkat may malubhang karamdaman noon si Claire na nakahahawa noong mga panahong ipinagbubutis ng kanilang ina si isabella kung kaya't inilayo muna siya ng kaniyang Lola Iday. Hindi pa siya gumagaling nang siya ay maulila kung kaya't hindi na niya pa nakilala ang kaniyang kapatid na si Isabella.

Nagsagawa sila ng DNA test at bumalik ito ng positibo. Tumira na sa iisang bubong sina Lola Rina, Lola Iday, Isabella, at Claire sa hacienda Infantes. Si Lola Rina ang ina ng kanilang ina habang si Lola Iday naman ang ina ng kanilang ama.

..

Makalipas ang isang taon ay naging volleyball team captain si Claire.

Naglalakad siya sa basketball court nang aksidenteng tumama sa kaniyang ulo ang bola ng basketball team captain na si Lukas.

"Sorry miss! I'm really sorry." Wika ni Lukas habang tinutulungan tumayo si Claire, may kung anong kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan nang magtama ang kanilang paningin.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtagpo ang dalawang taong minsan nang nahulog sa isa't-isa.

..

"Bella! Nakakainis, ayaw akong tantanan ni Lai! Maygash! Padala ng padala ng cookies at brownies tuwing recess." Inis na wika ni Selene.

"Alam mo ang cute nyo, matagal na yung may gusto sayo si Lai, halata naman. Bat dimo kaya pagbigyan, tutal parang kahapon lang nung sinabi mo sakin na mukang in-love ka na rin sakanya yieee." Wika naman ni Isabella.

Si Selene ay ang cheer captain ng cheerleading squad ng kanilang Unibersidad, habang si Lai naman ay isa ring basketball player gaya ng matalik na kaibigang si Lukas.

..

Nagpunta ng vet si Isabella ngayong sabado para sa check-up ng kaniyang asong si Chimmy.

Habang naroon sa vet ay biglang bumukas ang pintuan dahilan para mapalingon si Isabella sa bagong dating,

"Oh son, your here." Wika ng beterinaryong si Dr. Salcedo sa kaniyang anak.

"Oh, ms. Infantes, this is my son, Fidel. Fidel, this is ms. Isabella Infantes." Pagpapakilala ni Dr. Salcedo. Nagkatinginan naman sina Fidel at Isabella, tinanguan naman siya ng binata.

Siya yung student na nabangga ko sa library noon ah, omg, anak niya pala siya.

Umalis sandali si Dr. Salcedo dahilan para maiwan ang dalawa. Muli silang nagkatinginan ngunit agad ring napaiwas, ngunit napangiti sila ng palihim.

..

Sa paglipas ng panahon, ay naging silang dalawa ng limang taon bago sila magpakasal. Nabiyayaan sila ng kambal na anak na sina Elias at Elisa.

Sa pagkakataong ito ay muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawang taong pilit na pinaglalayo noon. Ngunit ngayon, tuluyan ng nagdugtong ang kanilang linya.

WAKAS

Past LifeWhere stories live. Discover now