Chapter One

36 2 2
                                    


Rude

I could still remember the time when I get to notice him. It was then one of the moments I hated him in one glance. I already knew I'd never ever get along with him, that moment he showed me how jerk of a guy he is.

"Sama ka? Lalabas kami. Wala daw klase si Ma'am Ariola ngayong hapon," pag-aya ni Luvieña sa akin.

Saglit akong bumaling sa labas at natanaw na bahagyang nakasilip si Hugo, matalik na kaibigan ni Herrieta. Kumaway ako sa kaniya at pagkakuwaan ay tumingin ulit kay Luvieña.

"Saan ba kayo? Marami pa akong tatapusin ngayon, e." Bumaling ulit ako sa labas, at nakitang naroon pa rin si Hugo, naghihintay.

Nakatitiyak akong si Herrieta ang sadya niya, ngunit nauna nang lumabas ang kaibigan ko, kaya hindi ko alam kung ano't narito pa siya.

Kalaunan ay sumenyas ako na nauna nang umalis si Herrieta. Lumapit naman sa banda ko si Navy para lang tingnan kung ano ang ginagawa ko.

"Ibibigay mo 'to sa crush mo sa Grade twelve, 'no?" sikmat niya at agad na inagaw sa akin ang papel. Hindi naman ako makapagsalita kaagad dahil naroon pa rin si Hugo. Mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.

"Ito ba 'yong sinasabi mong gagawin mo? Wala naman tayong assignment, kaya ano't marami kang tatapusin?" usisa ni Navy, gamit ang nanliliit na mata, mapanuri at nagpipigil na ngumisi.

Nag-iwas ako ng tingin ng mapagtantong maaaring alam niya ang totoong gagawin ko sa araw na ito. Sinuri niya ako ng maigi, at pakiramdam ko'y umiinit ng husto ang aking pisngi. I think she really know what I am up to.

"Kailangan mo ba ng suporta namin dito?" Wala pa man din akong nababanggit ay tila may alam na nga talaga siya. Hindi ako makasagot kaagad at tanging nagagawa ko lamang ay ang agawin sa kaniya ang papel, nang walang kahit anong kinukumpirma.

"I am not planning to give anyone that. Marami talaga akong gagawin!" giit ko. Sinusubukan ko pa'ng pagtakpan ang sarili ko, ngunit sino ba'ng maloloko ko sa mga ito? I almost rolled my eyes.

"Really?"

My face heated when I realized what I have just done. I am making damn excuses!

Navy smirked nastily, insinuating something I know I could never deny. Gusto ko na lamang magpalamon ngayon sa lupa. Alright, I am not planning to tell anyone about it, kahit sa kanila. I have been keeping my admiration towards someone for so long, that no one in the class have actually figured it out. They don't even know me as someone who'd make stuff like this for a 'crush' because all of them here thinks I am kind of stone-hearted, so...

"Kilala ko 'to. STEM student, 'to, e. Grade twelve Topaz," dagdag niyang impormasyon sa mga detalyeng matagal ko nang alam. Not that it helped me.

Hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mata dahil talagang ngayon ay binunulgar niya ako.

Hugo wasn't there anymore nang lingunin ko ang paligid. Ipinagkibit ko ng balikat ang pag-alis niya roon. We aren't really close. Si Herrieta naman ang madalas niyang puntahan dito.

Umamba akong kukunin muli ang papel sa kaniya ngunit dahil mas matangkad siya sa akin, hindi ko talaga maabot! Nakakagigil naman.

"Teka, ano, gusto mo samahan ka naming mag-abot nito?" Inilayo niya pa sa akin ang papel at may sinenyas na kung ano kay Luvieña. This is irritating! Now, I regret doing this thing here!

"Sus! Kunwari pa'ng maraming gagawin. Ang sabihin mo, tatambay ka na naman sa library dahil nandoon ang crush mo, Phia. Tigilan mo kami." Lavieña went to me just to pull my hair.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now