Chapter Twelve

19 2 1
                                    


Rage

The following day, nagulat akong siya pa rin ang substitute, pero this time, pati na sa first period na klase namin.

Nakaligtaan ko ba ang message ni Ma'am Arevalo sa group chat, at hindi ako aware? Plus, I have already informed my teacher na mali-late ako sa klase niya! Siguradong hindi iyon umabot sa kaniya.

Late akong dumating sa klase. That explains his hard expression and narrowed eyes directed towards me. Big deal ba?

I roamed around to find my seat, ni hindi na nag-abalang bumati man lang. It was in the second line of the first row at nang nakitang nakaupo si Navy roon ay nahiya na akong abalahin pa siya. Naghanap na lamang ako ng ibang mauupuan ngunit isang upuan na lang ang bakante at kung mamalasin pa'y nasa harapan iyon; sa unang linya ng second row.

May nakasulat nang seat work ulit sa white board, at doon ko natantiya kung gaano na ako ka-late pumasok. Nagmamadali akong naupo roon at naglabas ng papel at ballpen. Hindi naman sobrang hirap ng seat work kaya kumpiyansa akong matatapos ko iyon sa tamang oras.

Lucky enough, isa ako sa unang natapos at nagpasa. This time, gusto kong siguraduhin na hindi ako ang mahuhuli para hindi ako ang mauutusan niyang mag-check ng mga papel! Ayaw ko nang ma-ulit pa ang awkward encounter na iyon.

"You may now all take your lunch," he said in a dismissive tone after an hour.

Hindi siya nag-check ng attendance. Tapos na siguro kanina. Pero talaga bang hindi siya magtatanong kung bakit late ako? Baka mamaya ay ibawas niya pa sa score ko iyon.

"And Miss Guerrero?"

Tang ina.

Halos bumangga ako sa isang kaklase para lang makaalis na agad tapos...

Umirap ako sa hangin. Ngumuso si Luvieña na nasa tabi ko na pala.

"Tawag ka, oh. Ayos lang kung ma-late ka sa lunch natin," ngumisi siya at tinapik ako sa balikat.

Huh? Naiwan ang titig ko kay Luvieña. Malawak ang kaniyang ngiti at halos ismiran ko siya para tumigil sa kung ano man ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

"This will serve as your punishment for coming here late. Check the papers."

Talagang ipagsisigagawan niya pa 'to?

Rinig ko ang tawa ng ilan kong kaklase habang isa isang nagsisilabasan sa silid. May ilan pang nang-asar sa akin na inilingan ko na lang. Si Herrieta, Navy at Luvieña ay pare parehong nasa hamba na ng pinto habang ako'y handa na sanang takasan ang trabaho.

Seriously? Sino nag-utos sa kaniyang iapagawa ang mga ito sa akin? Besides, I already informed Ms. Alevaro na mali-late nga ako. He can just ask Navy to do it, since it's considerable as a date for them, kaysa ako ang pinaiiwan niya rito para sa mga ganiyan!

"Navy..." paghingi ko ng tulong. Maybe, she can do it instead? Alam kong matutuwa siya rito.

"Ba't?"

"Ikaw na lang mag-check, oh. Kasama mo siya. It will be a date for you!" I whispered giddily. 

I just don't want to do it again, alright.

Nagulat siya, not the usual reaction I expect from her. I expected that she'll say yes because this kind of moment is what she anticipates every single time.

"Huh?" naging hilaw ang kaniyang ngiti, hanggang sa nabura iyon.

I hold her hand, kaya lang ay naiilang niyang inagaw iyon mula sa akin. Is she shy? Come on, this should make her happy, not feel awkward!

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now