Chapter Four

34 1 0
                                    

Project

Usap-usapan pa rin ang babaeng pinagseselosan ni Pillow, kinabukasan. Hindi na iyon nawala pa sa diskusyon ng mga estudyante. Nadaanan ko pa'ng nakikipag-usap si Navy sa ilan sa mga Seniors. Ang ilan sa mga iyon ay mga dati ko nang kakilala.

Kung hindi pa siya luminga-linga ay hindi niya ako makikita.

I can't help but wander around. In the sea of people, I found nothing but chaos. Chaos that is filled with touch of  hearts, and a life that's alive, despite the crucial moments. That beneath chaos, there is survival.

Siguro ganoon talaga, kapag hindi mo gaanong binibitbit ang mga problema. Na may pahinga, sa bawat yugto ng pagod. Na may tuldok sa bawat araw na lugmok. Na may paghinto o pagtigil sa bawat karera. Na lahat puwedeng matapos dahil ang bawat bagay sa buhay, may hangganan.

It was too early to dismissed the class, but Ms. Lopez ended it still, after discussing us our final project in her subject. Wala akong ibang mapuntahan, kun'di ang library. I missed going there every vacant time. It has been weeks since I refused to stay in the library, for the reasons that I do not want to be reminded of what happened there.

Ngayon pa lamang ako babalik doon. Tutal ay wala rin akong kasama ngayon, kun'di si Navy. But she's quite busy the past few days. Hindi kami nag-uusap ng matagal dahil madalas siyang naglalagi sa Senior High building, nitong nakaraan pa.

"Phia, may group mates ka na ba sa charity work project natin?" Palabas pa lamang ako nang lumapit si Luvieña.

Binaba ko ang librong dala sandali dahil nabibigatan ako roon. "Si Herrieta at Navy pa lang," sambit ko.

"Puwedeng sumali sa iyo? Wala akong masalihang iba, e."

Mabilis akong tumango, dahil sakto at kulang pa ako ng isang miyembro. "Oo, pero mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol sa gagawin. May mga kailangan pa akong gawin ngayon, e."

Tumango naman siya at nangingiting sumunod sa akin palabas.

"So...hindi mo na crush si Ream?" Naging mahina at mabagal ang bigkas niya sa huling salita.

Hindi ako tumugon.

"Well, knowing the fact that he's got a girlfriend, tingin ko, tama rin na...tumigil ka na," maingat niyang punto.

I looked around before settling my eyes on her. I nodded and somehow it really got me. I know that now.

Wala na akong sinabi. I am not going to talk about that. It's been weeks since it happened, and I am kind of understood and acknowledged what I have done. I think, opening about it, after the weeks of avoiding that topic will only cause me so much guilt. I regretted doing that, anyway.

Nagpatuloy kami sa pagtahak patungong library. Iyon nga lang, may tumawag sa kaniya mula sa lower year kaya umalis din siya at hindi na sumunod sa akin. It must be her sister.

"Papunta ka ba'ng library ngayon?" I was so shock that I almost run out of breath when ate Pillow just suddenly appeared in my way.

Hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat pa rin ako sa kaniyang presensiya. Hindi ako makagalaw dahil roon. Tinanaw ko ang posibleng pinanggalingan niya. Kagagaling niya lang yata sa SSG Office.

Tingin ko'y napansin niya ang mga dala kong libro kung kaya't napagtanto niya ang posibleng pupuntahan ko ngayong araw. It will be a long break since wala rin kaming guro ngayong hapon sa isang subject, kaya napagdesisyunan kong gugulin ang oras ko sa pagsasaliksik ng aming proyekto.

"O-Opo, ate..." mahinang sagot ko. Hindi ko magawang tumitig sa kaniya, lalo at alam ko na may pagkakamali akong hindi ko masabi-sabi sa kaniya. Wala akong balak ipaalam, pero kung isa man iyon sa bumabagabag sa kaniya, gusto kong masabi man lang sa kaniya.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now