Chapter Eleven

27 3 3
                                    

Break

Tulala ako habang tinatanaw ang madilim na kalawakan. Walang bituin at buwan dahil umulan nang malakas kanina. Tumila na ang ulan, ngunit ang yakap ng hangin ay napakalamig pa rin sa pakiramdam.

Simula nang naunawaan ko ang mga pakiramdam na bago sa akin, sinikap kong iwasan iyon. Nilabanan ko ang sariling nararamdaman dahil hindi tamang lagyan iyon ng kulay para lamang malaman ko kung gaano nga ba kaganda kung tatanggapin ko iyon sa aking puso. At isa pa, bata pa ako para bigyan ng pansin ang pag-usbong nito. Marami pa'ng magbabago mangyayari; hindi ito permanente.

Iyon ang paniniwalang pinanghawakan ko nang husto: na ang lahat ay lilipas, tulad ng paglagas ng mga tuyong dahon sa isang matayog na puno.

Kung puwede kong takpan ang bawat detalye, gagawin ko. Kung puwede kong piliin ang umiwas, sisikapin ko. Sana'y ganoon kadali ang lahat, ngunit iyon naman ang dapat kong gawin...

Sa huli, nanumbalik ang alaala ko sa mga pambabatikos na natamo ni Navy.

"You should file a case against her, Navy. It's defamation," si Herrieta.

Nakayapos ang mga braso niya sa tagiliran ni Navy, habang nakasandal ang ulo niya sa balikat nito. Tulad ko'y malamlam ang mga mata niya at malinaw na apektado siya sa nangyari. Habang si Luvieña ay abala sa paghahanap sa internet ng puwedeng maging abogado, unti unti akong lumapit sa kama ni Navy.

Saglit kong binalingan ang ginagawa ni Luvieña.

May mga gusto akong itanong...ngunit iniiwasan kong magkamali ako sa itatanong ko sa kaniya, lalo't tila...hindi maganda ang pakiramdam ko sa pakikitungo niya sa akin.

Hindi kami pumasok sa klase. Hindi namin gustong iwan si Navy dito nang mag-isa. Kailangan niya ng kausap at kaibigan, dahil pagkatapos ng nangyari, tiyak na malaki ang epekto sa kaniya nito. Malawak ang sakop ng social media, at lahat ay posibleng may access sa naturang post ni Navy. Mabuti na lamang at binura niya na iyon. Ganumpaman, hindi natapos ang pambabatikos sa kaniya. Tuloy pa rin ang iba sa pagse-send ng message sa kaniya na para bang ikamamatay nila ang mga nabasa.

"Hindi mo pa sinasabi kay Tita Nadia?" marahang bitaw ko.

Nilingon niya ako, bumuntonghininga atsaka tumango.

"She's mad, though," sagot ni Herrieta habang dinundungaw ang reaksiyon ni Navy.

"And I'm pretty sure na nakipag-away siya kay Tita," si Luvieña.

I cleared my throat. Hindi ko ma-imagine na makikipagsagutan siya kay Tita.

"She believed Demi. Hindi raw posibleng ganoon nga ang gawin ni Navy," malungkot na aniya pa.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Of all people, they should have known her better. Kahit sinong anak ay masasaktan kung ganito ang pananaw sa kanila ng mga magulang nila.

"We know you. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang magkomento ng ganoon," pang-aalu ni Luvieña habang ang mga mata ay nasa laptop pa rin.

"Nagalit si Tita Nadia, sa halip na kumustahin niya si Navy," patuloy ni Herrieta.

Mas lalo akong lumapit sa kama para maupo roon. Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin, gaya ng ginagawa ni Herrieta. Na...Natatakot akong hawakan man lang siya.

"Uh, I think...we should talk to Demi first and know why did she have to say that?" sa wakas ay nasabi ko.

Hindi lamang ako sigurado kung tama ba'ng nagsalita pa ako. Sa ilang oras namin na magkakasama, ngayon lamang ako naglakas ng loob na kausapin siya.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now