Chapter Fifteen

10 1 0
                                    

Today's

Tikom na tikom ang aking bibig at kalmado na ako. Hindi na ako gumalaw kahit puwede naman akong mag-walk out na lang sa iritasyon ko kanina, pero nanatili akong nakaupo sa harap niya.

Hindi ko rin alam kung bakit pero...gusto ko rito kahit nakakainis...

Ngumuso ako sa rason na iyon. Gustong gusto ko nga rito...kahit ganito...

Nang maamin ko ang parteng ito sa sarili ko, parang nagkaroon ng kaunting siwang ang silid ng nararamdaman ko.

Tahimik ang paligid kung nasaan kami. Sa malayong dulo ito ng gymnasium kaya walang tao at malabong may makakita o makahanap sa amin dito. Tanging mga huni ng ibon at lagaslas ng mga dahon dulot ng hangin ang naririnig dito.

Hindi ko matingnan si Gideon. Natapunan na yata talaga ako ng hiya dahil sa walang preno kong bibig at sa mga irasyonal kong salita. Dagdagan pa na hindi naman ganito ang gusto kong mangyari pero inis na inis lang ako dahil mukhang natutuwa pa siyang nasasabi ko ang mga iyon kanina.

Kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya ay hindi ko alam. Hindi ko maamin. Ang hirap hirap aminin.

Uminit ang aking pisngi nang mapagtantong...masyado akong naging emosyonal. Ulit. Sa harap niya. Kahit kailan talaga, ang dali daling maging vulnerable sa harap niya...Ang daling magwala kapag...siya na. Hindi ko rin alam kung bakit...pero napagtanto kong gustung gusto kong nailalabas ang mga iyon sa kaniya.

"You should go home. May susundo ba sa iyo?" saad niya makalipas ang mahabang katahimikan.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi pero tumango pa rin ako. Hindi ko nga lang siya matingnan sa mga mata.

"You won't do things...for tomorrow?" maingat niyang tanong muli sa akin. Ramdam kong hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa paninitig sa akin.

Ang tinutukoy niya ba ay ang paghahanda ko para sa ball bukas?

Marahan akong tumango, kung iyon nga.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang paraan ng pakikipag-usap niya ngayon, ang tono, ang pagiging magaan at malambing...ay tila isang musika sa aking pandinig. Hindi ko man madaling aminin pero ngayon parang ang sarap marinig nang paulit ulit.

Halos masugat ang labi ko sa mariing pagkagat ko rito. Talagang gustong gusto ko ito?

Talaga, Phil? After all the hate?

Kung hindi lang ako madalas masungit sa kaniya...Kung hindi lang ganito ang reaksiyon ko sa presensiya niya.

Sinubukan ko siyang lingunin. At tama nga ako, hindi kailanman nalihis ang titig niya sa akin. Mas lalo lamang naging malambing at marahan.

"Uh, I am going today..." sagot ko sa tanong niya kanina, ang tinig ay maliit at halos bulong pa.

Maingat muli siyang tumango. Titig na titig siya sa akin at halos mag-marathon ang puso ko sa mabilis na tibok nito.

Siya ba...ayos na? I mean, nakapaghanda na ba siya para bukas? Ngayon ko lang tuluyang napansin na maayos at malinis ang gupit niya. Mukhang kakapagupit lang no'n at sumadya lang rito para sa kung saan. School works o requirements siguro.

"I'd go get my suit too," he informed me even when I am not asking.

Tumango ako, halos ayaw nang magsalita dahil may bara parin akong nararamdaman sa lalamunan. My heart pounded. Ramdam na ramdam ko iyon dahil halos hindi ako mapakali.

Mukhang inaabangan niya ang sasabihin ko, kaya lang...nagsalita ulit siya.

"I am not dating Navy. If it's my friends that are telling you about that, you should know now that it's not true," he clearly stated, never leaving my eyes. He's controlling his tone a bit that the coldness dripping in it didn't escape my hearing.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now