Chapter Nine

11 1 0
                                    

Relax

We ended Sunday without Navy the whole time we had fun.

Hindi nakatakas ang mga rants ni Luvieña tungkol doon. Hindi ko siya masisisi. Dagdagan pa na nagulantang sila sa nalaman na dahil may date siya, at si Gideon iyon, halos magwala sila.

They are not against it, lalo na si Herrieta. She didn't had bad comments about it.

"Matagal na niyang crush si Gideon. She'd tell me that every damn time, kaya hayaan mo na siya. She is happy with it, let us be happy about it too," she said with finality.

Pinanonood ko siya habang sinasabi niya iyon. Pinatototohanan niya ang mga naiisip ko tungkol sa nararamdaman ni Navy. Though, she never mentioned anything about it, I believed Herrieta. Lahat naman kami ay malalapit sa isa't isa, but I understood if Navy chose to keep it from us. Naging bukas lamang siya tungkol doon no'ng malaman niyang crush ko Ream. Doon ko rin nalaman na magkaibigan sila ni Gideon. I could still remember how happy she was back then. I feel like, I opened that door for her – and that led her to Gideon.

Ang totoo, hindi ko alam kung bakit naging interesado si Gideon sa pakikipag-date sa kaibigan ko. He used to reject girls. He used to treat them coldly. Hindi siya 'yong tipo ng taong maglalaan ng oras para sa ganitong bagay. Hindi ko rin inaasahan na sa tagal ko siyang inoobserbahan, he would have this side. Siguro nga mapili lang talaga siya sa i-d-date niya o gagawing girlfriend. Teka, why am I suddenly justifying that?

And he choose Navy? It may be uplifting for my friend, but I could still not see that it will do her good.

Umiling ako. I pursed my lip, wanting so bad to stop thinking about it.

I should not keep on talking about my side here. I'd wait and see if they will work. I'll watch them.

"'Di daw ba sasama?" dismayadong tanong ni Luvieña kay Herr pagkarating niya sa cafeteria.

Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kanila. "Ano 'yon?" usisa ko. Tahimik kong itinabi ang tray ng lunch para may puwesto para sa pagkain ni Luvieña.

Nakasimangot siya at parang magdadabog na. Kinunot ko ang noo nang pabagsak siyang naupo sa tabi ko.

"Ewan. Nagmamadali siyang lumabas, e," simpleng sagot ni Herrieta.

Pasimple siyang tumingin sa sinusulat ko. "Calligraphy ulit... for?" she trailed off.

She smirked. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Collection lang 'to. Sa scrapbook na ginagawa ko," I glared at her. I love making these. Pagkatapos no'ng nangyari, hindi ko naman tinigil ang paggawa ng mga calligraphy. Pinagpatuloy ko pa rin, pero ang mga ito'y para sa akin na.

"Hindi ako sanay na hindi tayo kumpletong mag-lunch," ang tampo sa tinig niya ay malinaw.

"May date, e. Hayaan mo na, Luv," giit ni Herrieta. Nagsimula na siyang kumain.

Gaya niya ay nagsimula na rin akong kumain habang patuloy ang panghihimutok ng isa.

"Kahapon, may date siya. Hindi niya tayo sinabayan mag-lunch, tapos ngayon..." she trailed, bitting her lower lip. Umahon siya sa pagkakaupo.

Tinanguan ko siya, though, I remained silent. Hindi ko alam kung paano siya aaluin. Hindi ko mapapagaan ang loob niya kung pati ako ay apektado rin.

Iniiwasan ko lamang na magkomento pa. Thanks to Herrieta for explaining thoroughly.

"Nangako siyang babawi sa atin. Sa ngayon, she want to enjoy the moment dating Gideon. We know how much she wanted it, right?" pagpagaan niya sa loob ni Luvi.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now