Chapter Seventeen

11 3 0
                                    

Childhood

It's the very last throw of it all. To admit that it's always been different with him...

To wrap my cold arms around his nape, and feel his body closer to mine, feel so foreign and dreamy. His deep set of hunter eyes has always been expressive and I have seen it change its mood and hues every time it pins to me. I know because it's my favorite part of him. Palagi akong nakatingin sa mga mata niya. Palagi kong pinipiling magpahinga sa mga iyon...ngunit may mga pagkakataon na hindi ko rin kaya dahil sobra sobra ang pinararamdama niya sa akin. Hindi ko kayang saluhin...but it all feels damn good. I still like it, so much.

Gustung gusto kong tumingin sa mga mata niya kahit sa pagkakataong nagiging malamig, iritado, o mapanganib ang mga ito. Hindi na bale kung nakakahiya, I just really want to look at him. 

But tonight, his eyes illuminate my heart.

Deep inside, I feel happily shaky. Hanggang ngayon. Kahit pa nakaupo na ako at kalmado na. Bahagya akong umusog sa kabilang bahagi ng bench, para magkaroon ng space nang makaupo siya. But he won't move an inch. Nakatayo lamang siya sa harap ko, ang kalmado niyang hininga at malalambing na tingin ay nananatiling nakatuon sa akin.

There were just no signs he'd stop staring.

Hindi ko na sinubukang tingalain siya. Kalmado na ako ngunit pakiramdam ko'y hindi pa rin natatapos ang paghaharumentado ko, lalo na ngayong...tinatantiya niya ang reaksiyon ko, binabantayan niya ang ekspresyon ko, at pinakikiramdaman niya ako.

I sighed when I realized...we're taking too long time in here. Sigurado akong hinahanap na kami ng mga kaibigan namin, lalo at hindi ako nagpaalam nang lumabas ako.

Kinagat ko ang labi nang muli ay maalala ang dahilan nang agarang pag-alis ko sa kalagitnaan ng pagtitipon. Ngumuso ako, pilit kinukumbinsi ang sariling ayos na...

Sinayaw niya ako. Kahit pa nasa pinakailalim na iyon ng aking isipan, pakiramdam ko'y alam niya ang gusto kong mangyari. I am just too proud to admit that...to demand that...to ask him do that.

Dahil bakit ko hihingin sa kaniya iyon? I hated him to bits, few months ago. Alam kong alam niyang I was so annoyed with him. I made it sure to make him know and feel it, and remind him about my hatred each time we see each other around.

I may be too confusing for him. I was rude and I hated him before, and now I act this way? I danced with him, and wanted every moment of it...as if it's all the thing I want?

Tinunton ko siya paitaas. Bawat titig niya'y nalulusaw ako, bagay na hinding hindi ko maitatanggi dahil sa kaniya ko lamang naramdaman ito. Sa pagkakataong ito, hindi ko na binawi pa ang tingin ko. Gusto kong pantayan ang lalim at tamis ng mga mata niya.

Bumaba siya para magpatantay kami. Now, he's squatting in front of me, looking so fine with his stance, looking so good the way he bit his lip to hide a smile.

I pursed my lips and sighed.

"Your friends might be looking for you now," he whispered, para bang may makakarinig sa amin dito gayong tahimik naman ang lugar at walang kahit sinong mag-iisip na pumunta rito. Kami lang.

Hindi ako kumibo. Hinayaan kong maglakbay ang mga mata ko sa kaniya, at napagtanto kong hindi yata ako magsasawa. Gustung gusto kong ganito kami kalapit sa isa't isa. May kung ano sa enerhiya niyang hindi ko mapigilang damhin.

Ang pinakamalapit ko sa kaniya ay noong gabing naabutan niya ako sa waiting shed at ang galit ko sa kaniya. It was my closest to him. It was also the moment...I feel so lost in my thoughts about him. Na kahit galit ako sa kaniya, gusto kong malapit ako sa kaniya.

Touch Of HeartsWhere stories live. Discover now