Ilong 4 »Revised«

374 22 3
                                    

Nang makarating ako sa gate, nakita ko si Jin na pinapalibutan ng mga pacute na babae. Ay wow, parang ako hindi ganon. Well, sila naman kasi nagpapakita ng dibdib, flat naman.

"JIN!" Sigaw ko saka kumaway. Agad naman siyang lumingon at ngumiti na siya ng malawak. Lukot mukha niya kanina e. Kalalande kasi nitong mga babae na to.

"Gelatin! Akala ko di ka na dadating sa date natin. Hehehe. Tara?"

Puta kilig ako dun sa "date natin" sht sht.

"Tara. Hehehe."

Naglakad nalang kami papunta sa mall tutal walking distance lang naman yun.

"Gelatin, akin na bag mo."

"Wag na. Di naman tayo magsyota. Tangina, baka mag-assume pa ko. Hehe."

"Sige na. Itatry ko lang naman e. May nakita kasi akong magboypren, bitbit nung lalaki yung bag ng gerlpren niya."

"Oh, sorry di pink ah. Heheh."

Tangina mo Gelatin. Hahaha!"

"Ay Jin."

"Hm?"

"Si Jungkook.. narinig yung paguusap natin sa rooftop. Nagulat ako kasi, narinig niya yung sabi mo sakin na wag na kong sumama sa date namin dapat para pagselosin nililigawan niya. Hinatak niya pa nga ako kanina, pinipilit akong makipagdate sakanya. Nakainis-" tuloy-tuloy kong sabi kahit naririnig ko si Jin na nagsasalita pero di ko maintindihan pero napatigil ako.

"Mapapatahimik ka na kaya nun sa kakasalita tungkol kay Jungkook? Maslalo ka lang naasar kasi lalo mong naiisip na ginagamit ka lang para makuha yung gusto niya pero ikaw walang napapala."

Oh

Man

Holy

Shit.

Kingina mo Jin. Bakit mo ginawa yon? Maslalo tuloy akong umaasa. Huhuhuhu. Ikaw kayang halikan ng kras mo sa pisngi?!

"Gelati- GELATIN OKAY KA LANG? MAY SAKIT KA BA? NAMUMULA KA NG SOBRA."

"Putres ka Jin. Hahalikan mo 'ko sa pisngi tapos itatanong mo yan. Malamang mamumula ako sa ginawa mo."

"Eh kasi naman ikaw, Jungkook ka ng Jungkook e ako kasama mo. Kanina pa kita pinapatigil, tuloy ka pa rin sa kakadaldal kaya hinalikan na kita tsaka sa pisngi lang naman yon."

"Kahit na!"

"Wag ka nang magalit. Tsaka, baka dahil lang don, layuan mo na ko."

"Hehehe hindi ah. Kras kaya kita, ba't kita lalayuan? kalande ko talaga."

"Ha?"

"Wala. Tara na! Baka maubos pa yung Super Mario mo!"

Tumakbo kami papuntang mall. Chineck ng guard yung bag namin. Nakapasok ako kaagad kasi wala naman akong dalang bag- na kay Jin nga di ba?

"Tara Gelatin. Dun oh."

Pumasok kami sa loob ng shop at nagsimula nang mamili si Jin habang ako, nag titingin lang.

Nakalipas ang ilang minuto, natapos na si Jin mamili.

"San mo gusto kumain, Gelatin?"

"Di ko alam e. Gusto mo magikot-ikot tayo?"

"Tara."

"Teka Jin, akin na yung mga bag. Andami mo nang dala."

"Itong isang paperbag nalang bitbitin mo. Magaan lang to. Ako na bahala sa bag mo."

Naglibot libot kami sa mall. Nag KFC kami para maligo. Jok lang. Syempre para kumain. Si Jin na nagpresentang umorder kahit ako na nagvolunteer. Kinacareer niya yung date namin. Omfg.
Biglang may nagtext sakin. Uyy.
Si—

[From: Horse Hoseok]
[ Anong paboritong tindahan ni Ben 10? EDI BEN ELEVEN. HAHAHAHA!
#GwapongHoseok]

Ben Eleven?

Seven Eleven.

'Ven Eleven.

TANGINA HOSEOK. ANG KORNI MO TALAGA.

May isa ulit nagtext.

[From: Tae-tae]
[e0w pHoh. Nu0d-nuOd pH4g Mh@¥ tA¥M.
gHie €M.
#Bh0xsT@€h¥UnggW4pOh]

Jusko. Madalas kasi 'yang tumambay sa tindahan, edi iyon, may nakikilalang mga jejemon na tumatambay din. Tinuruan siguro ng mga jejemon ng lenggwahe nila si Tae.

Pero infairness, unli si Taehyung at nakapag-GM.

"Oh Gelatin. Anyare sayo?"

"Nagtext si Hoseok pati Taehyung."

Umupo si Jin saka tinignan yung cellphone niya. Napafacepalm siya.

"Putang- Hoseok at Taehyung- Aishh."

"Ito na po yung order niyo. May kulang pa po ba?"

"Wala na. Salamat."

Kumain na kami. Putres ang saya ko kasi binili ako ni Jin ng Krushers kahit hindi naman ako nagpa-order, chineck ko pa nga yung resibo e. Strawberry Yogurt pa. :""">

"Gelatin, pahingi ng Krushers mo ah. Ito sakin, tikman mo din." Nagpalit kami ng Krushers tsaka ininom yun. Binalik na namin yung Krushers.

"Gelatin, naglilip balm ka ba?"

"Ah, oo. Nagdadry kasi yung labi ko kaya gumagamit ako nun. Ba't mo natanong?"

"Wala, nalasahan ko lang sa straw. Strawberry yung lipbalm mo no?"

"Luh? Pano mo nalaman?"

"Nalasahan ko ngaaa."

"Pano?"

"Dahil sa straw. Hindi natin napagpalit yung straw kanina e."

Dugyot plsssss.

"JIIIIIIIN!"

"HAHAHAHAHA! Namumula ka uliiit! Ang cutee. Teka picturan kita." Pinipicturan niya ko pero umiiwas ako. Tangina kaseee. Tumabi siya sakin kahit walang upuan tsaka nagselfie. ASDFGHJKLMVHB.

***

"Sige, mauna na ko ah. Ingat ka."

"Bye Jin! Salamat."

"Hehehe. Salamat din. Bye."

Naglibot pa ko sa mall hanggang sa nakakita ako ng shop ng mga damit na may shirt na Super Mario. Pumasok ako sa shop tsaka binili yung shirt. Dalawa binili ko para masaya. Huehuehue.

Umalis na ko saka sumakay ng jeep papunta sa bahay ni Jin. Hehehehe. Di ako makapaghintay e.

Pagkadating ko dun, nagdoorbell kaagad ako.

"Oh Gelatin, pasok ka."

"Wag na, sandali lang ako. Ito Jin oh, nakita ko lang kanina. Para sayo. Hehehe. Bye."

Umalis kaagad ako saka sumakay ng jeep pauwi.
Pagkarating ko sa bahay, may nakasandal sa gate namin.
Dahan dahan akong lumapit.

"Jungkook?"

×××××

» [Revised - April 13, 2016] «

Twitter
»kookienized

Facebook
»Featjikook WP

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon