Ilong 25 »Revised«

203 12 3
                                    

JUNGKOOK'S ⓟⓞⓥ

Nanggigil ako. Gusto ko siyang suntukin.

Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay niya ay maslalong tumitindi ang galit ko.

Pagkarating ko sa harap ng bahay niya ay agad akong sumigaw.

"YAH! KIM SEOKJIN!!"

Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas ang gate niya at nasa harap ko na ang nanakit sa mahal ko.

"Nasaan na ang paggalang mo? Bakit ka nandito nga pala? Sa pagkakaalala ko, hindi kita inimbitahan na pumunta dito."

"Una sa lahat hyung nawala ang paggalang ko sayo dahil sinaktan mo si Gelatin. At pangalawa, nandito ako para suntukin ka!" Agad ko siyang sinuntok sa panga kaya napatilapon siya sa loob. Pumasok ako sa gate pero maling desisyon ko iyon dahil nakaganti ng suntok si Jin hyung.

"Nasaktan din ako Jungkook!"

Nagsusuntukan lang kami at nagsisigawan nang may dumating.

"OMAYGAHD MY HART IS- MY HART IS-"

"LIVE BOXING SHET."

"MGA BOBO, PIGILAN NIYO!!"

"TUMIGIL NA KAYO!"

"HYUNG TAMA NA."

Pero hindi kami nagpaawat.

"Pupuntahan ko si Gelatin!"

"Hyung sama kami! Ayoko madamay dito. Bahala na si Yoongi hyung dyan! Tara na dali." Narinig kong pumara sila ng taxi, pagsara ng pinto ng sasakyan at pagharurot nito.

"Jin hyung tama na." Malumanay na pagpipigil ni Yoongi hyung.

"Jungkook, you stopeu!"

Lumipas ang ilang minuto ay tumigil kami at hinihingal sa pagod.

"W-weak ka!"

"Mas okay nang weak na lalaki kaysa naman sa lalaking mapagtaksil." Ismid ko sa kanya at ngumisi.

Nakita ko namang nanggigil siya.

"Wala kang alam sa nangyari!" Sigaw niya at sinuntok ako.

Holy shet man! Ang sakit non!
Damang dama ko ang panggigil niya. Narinig ko na bumukas yung gate at dumating sila hyung.

"AISH! STOP MEN."

"JUNGKOOKIE TAMA NA YAN."

Pilit nila kaming pinaghihiwalay pero tuloy parin kami sa pagbabasag ng mukha. Napunta kami sa loob dahil kinaladkad kami nila hyung. Rinig na rinig daw kasi kami.

"Jin hyung tumigil ka na!"

"Jungkook, tama na!"

Bigla akong tinulak palabas ni Jin hyung. Agad akong tumayo at susugod na sana nang may yumakap sakin sa likod. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at lumingon.

"Gelatin?"

Niyakap na niya ako...

Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

"Giselle?" May isa pang tumawag sa kanya kaya bumitaw siya sakin at umayos ng tayo.

"Tumigil na kayo. Bakit ba kayo nag-aaway?"

"Hindi mo na kailangan malaman." Sabi ko at pinunasan ang dugo sa labi ko.

"Bakit ba hindi ko kailangang malaman?"

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon