Ilong 24 »Revised«

189 14 0
                                    

GELATIN'S ⓟⓞⓥ

Nandito ako sa bahay nagmumukmok. Weekend naman kaya ayos lang.

Naka airplane mode yung cellphone ko kaya wala akong natatanggap na messages at calls. Ayoko munang makipag-usap.

Masyado pang masakit yung puso ko.

Nag-Facebook nalang ako pero sinigurado kong naka offline ako sa chat.

Nagscroll lang ako nang nagscroll pero lumipat ako sa Instagram pero lumipat din ulit ako sa Twitter.

Wala akong magawa.

Hindi nalang ako nag-Wifi. Bumaba ako at dumiretso sa sala saka humilata sa sofa. Binuksan ko yung tv at nanuod nalang ng Koreanovela.

Madilim ang bahay; Nakasarado ang main door. Sarado ang mga bintana. Dim lights lang ang gamit ko. Bukas ang aircon dito sa sala kaya nakabalot ako sa kumot. Kumakain ng kung ano-ano.

"TAO PO! GELATIN??" Biglang may sumigaw sa labas ng bahay kaya agad kong pinatay yung tv dahil baka malaman nila na nandito ako.

"Namjoon hyung, mukhang wala naman siya e." Rinig kong sabi ni Jimin.

"Pero kailangan natin siyang makausap. Hoseok, tawagan mo nga raw." Sagot sa kanya ni Namjoon.

"Hyung, unattended. Naka patay siguro yung phone."

"Tapos Joonie hyung hindi siya nagrereply."

Natahimik ng ilang segundo. Mamaya ay-

"GELATIN!! GELATIN! NANDYAN KA BA?!"

Wag niyo nang ipilit. Umalis na kayo.

"Hyung tara na."

"Hindi. Hindi pupwede. Kailangan niyang malaman yung nangyayari."

Nangyayari? Anong nangyayari?

"Hyung tayo nalang pumigil."

"Hindi nga mapigilan ni Yoongi hyung eh. Tayo pa kaya? Si Gelatin lang makakapigil sa kanila."

Kanila?

Nacucurious na ako kaya in-Off ko na yung Airplane mode ng phone ko. May biglang tumawag at tama ang hinala ko. Si Hoseok; tumatawag pa rin siya.

"HYUNG NAGRIRING NA!"

"Gelatin sagutin mo. Pleaseee. Sagutin mo."

Hindi na ko nagdalawang isip pa kaya sinagot ko na yon.

"Hello?"

[Jusko Gelatin! Buti naman at sumagot ka!]

"Bakit? Ano bang meron?"

[Nasaan ka ba?]

"N-nasa mall."

[Bakit tahimik?]

"Nasa cr ako."

[So ayun nga- Hello Giselle? Ako to si Namjoon. YAH HYUNG BASTOS HA. KAUSAP KO EH.]

"Bakit Namjoon? Nasaan kayo?"

[Pabalik na kaming bahay ni Jin hyung. Akala kasi namin nasa bahay ka.]

"Teka, bakit ba kayo napatawag?"

[Kailangan mong pumunta sa bahay ni Jin.]

"Baki-"

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon