Ilong 16 »Revised«

264 15 6
                                    

Umikot sila at may hawak silang tig-isang placards.

Gelatin, Will you be my girlfriend?

"Omayghad."

"Gelatin..." Tumingin ako kay Jin at nakatingin siya sakin.

"Seokjin, anong—"

"Gelatin, ilang araw na kong nag-iisip tungkol dito. Ilang araw na kitang iniisip. Tinatanong ko yung sarili ko kung gusto na kita at tingin ko alam ko na ang sagot..."

Omfg.

"Gelatin, gusto kita. Can you be mine?"

Holy—

"Teka nananaginip ba ko?" Tanong ko saka sinampal sarili ko. Natawa lang siya saka pinisil pisngi ko.

"Pabebe talaga tong si Gelatin!" Nakakagagong sabi ni Jimin. Pinakyu ko lang siya kahit nakatingin lang ako kay Jin.

"Gelatin, hihintayin ko yung sagot mo. Maghihintay ako—"

"Hindi na Jin. Hindi mo na kaylangan maghintay ng sagot ko. Seokjin, sinasagot na kita." Napatigil si Jin at nanlaki ang mata with matching nganga.

"TALAGA?!"

"OO NGA KULIT NG ANO MO— NG UTAK MO." Binuhat niya ko at tawa siya ng tawa. Tuwang tuwa.

"SINAGOT AKO NI GELATIN!!"

"CONGRATS JIN HYUNG! TURN UP!" Sigaw ni Taehyung at nagtatalon. Bigla siyang nahulog sa pool kaya pinagtawanan namin. Oo may pool sa bahay ni Namjoon.

"DALAGA KA NA!!" Sigaw ni Yoongi.

"Ah hyung. Alis muna ako. Congrats sa inyo." Halos ibulong na lang ni Jungkook yon saka umalis.

"Hala. Anong nangyari sa beybeh Kookeh ko?" Tanong ni Jimin. Nagtinginan kami at nagkibit balikat.

Anong problema niya?

JUNGKOOK'S ⓟⓞⓥ

Di ko alam pero bigla akong nainis nung nalaman ko yung plano.

"Dalaga na talaga si hyung!"

"Sasagutin kaya siya ni Gelatin?"

"Siguro. Alam niyo naman na matagal nang gusto ni Gelatin si hyung di ba?"

"Tara dun tayo sa likod ng bahay. Hehehe." Si Jin hyung..

"Nandyan na sila! Dali talikod na. Sesenyas nalang ako!" Pabulong na sigaw ni Namjoon hyung.

Walang ganang tumalikod ako habang hawak-hawak yung placard na may word na 'girlfriend?' Sakto kasi yun. Si Namjoon hyung yung may hawak ng 'Gelatin', tapos si Yoongi hyung yung may hawak sa 'Will', si Hoseok hyung yung may hawak naman sa 'you'. Si Jimin hyung naman sa 'be', si Taehyung hyung naman sa 'my' at ako na yung sa 'girlfriend?'

"Huh? Anong meron at nakatalikod kayo? Sasayaw ba kayo ng macho dance?" Nagthumbs-up na si Namjoon bilang senyas na umikot na kami.

"Omayghad."

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon