Ilong 36

74 6 11
                                    

JUNGKOOK'S ⓟⓞⓥ

"Jungkook, anong ginagawa mo rito?" Nagulat ako sa kanya dahil hindi ko siya inaasahan dito kaya hindi ako nakasagot.

Sasagot na sana ako nang bigla siyang mawalan ng malay at babagsak na sana pero dahil gwapo ako, nasalo ko siya.

Nagbayad ako sa mga ininom ko at binuhat na siya paalis. Sinakay ko siya sa likod ng sasakyan ko at umuwi ng bahay.

Sinong kasama nito?

Pero wait, dahil gwapo ako, mageexplain ako. Hindi ko pinapabayaan pag-aaral ko. Pangalawang beses ko pa lang mag club. Si Yugyeom kasi bad influence! Kaklase ko siya at kaibigan sa room. Hindi muna ako sumasama kila hyung dahil nakikita ko si Gelatin. :——(

Pero ponyeta naman kasi nagkita nanaman kami.

Pagkarating ng bahay ay umakyat ako sa kwarto habang buhat-buhat siya at inihiga sa kama ko. Binuksan ko yung aircon at nagshower muna. Nang matapos ako ay kumuha ako ng maliit na batsa at nilagyan ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko si Gelatin sa braso at mukha.

"AY HALA SHIT."

NAHULAS YUNG MAKE UP NIYA

Inuntog ko yung ulo ko sa pader kasi ang bobo ko sa part na to. Dito lang, wag kayong ano.

Tinuloy ko na yung sa make up pero maganda parin si Gelatin.

Wala na! May nanalo na! Uwi na uwi na— jok.

Kinuha ko yung arinola na ni minsan hindi naman nagamit na nasa cr at nilagay sa gilid ng kama. Aba ayokong masukahan niya yung kama ko! Masisinghot ko amoy niya kadiri.

Umupo ako sa may study table kong napakalinis. Hindi ko kasi masyado ginagamit to dahil nangongopya lang ako minsan sa school hehehehe. Kinalikot ko muna yung phone ko.

Maya-maya lang ay nakita ko na yung itsura ni Gelatin na parang masusuka. Inupo ko siya at tinapat sa mukha niya yung arinola. Saktong pagtapat ko ay sumuka na siya kaya hiniga ko ulit siya at pinunasan yung bibig niya.

Ginawa ko na yung mga gagawin ko at umupo na sa tabi ni Gelatin.

Namiss mo kaya ako?

--

GELATIN'S ⓟⓞⓥ

ARGH

KINGINA NG HANGOVER DI MASAYA.

Napansin kong wala ako sa kwarto ko.

Hala—

"Omg. Ay okay hehehe virgin pa ako hehehe."

"Gising ka na pala. Tara nagtake out ako ng pagkain." Pumunta si Jungkook sa may cabinet at kumuha ng tshirt bago pumunta ng cr.

Dahan-dahan akong tumayo dahil kinginugh, ang sakit ng ulo ko. Nakalabas na si Jungkook pero papunta palang akong pinto. Tinulungan niya akong makapunta ng dining.

Tahimik lang kaming kumakain nang magsalita ako,"bakit ako nandito?"

"Inuwi kita dito. Nagkita tayo sa club tapos nahimatay ka nang makita mo ako."

Ahh oo nga pala—

SI JIN FOK.

Agad akong tumakbo papunta sa taas at hinanap phone ko. Nasa side table lang iyon kaya agad kong kinuha ito at dinial yung number niya.

[HELLO GELATIN? GELATIN?! SH.IT]

"Jagi! Kalma jagi, kalma."

[Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung nasan ka o kung ayos ka lang?!]

"Ayos lang ako. Nasa bahay ako... ng kaklase ko dati nung highschool. Nagkita kami sa bar kagabi nung umalis kayo tapos inaya niya ako magpunta nalang sa kanila dahil kauuwi niya lang galing ibang bansa. Nag overnight na ako dito dahil sobrang gabi na nung natapos kami magchikahan. Don't worry, babae siya."

[Thank God. Saan ba yan?]

"Hindi ko alam eh. Hindi ko matatanong kasi naliligo siya ngayon."

[Okay okay, magkita tayo pagka ayos mo dyan. Uwi ka na ha?]

"Yes po. Hehehe labyuu."

[Labyu too.]

Pagka end ng tawag ay nagulat ako nang biglang nagsalita si Jungkook sa likod ko. Naka sandal siya sa pinto at naka cross arms.

"Nag-aalala na si hyung no?"

"Oo eh."

"Tapusin nalang natin yung pagkain tapos hahatid na kita."

"Wag na Jungkook. Malalagot tayong dalawa kapag nakita nila tayo."

Bumuntong hininga siya at yumuko,"okay sige basta kumain na tayo."

***

Dalawang linggo na ang lumipas nung magbar kami at nung mapunta ako sa bahay ni Jungkook. Nagkikita kami ni Jungkook dahil walang nagcocomfort sa kanya. Alam kong may problema siya at wala yung mga hyung niya sa tabi niya kaya ako na yung dumadamay sa kanya.

"Jagi, pwede ba tayong mag-usap?" Agad akong napatigil sa pagluluto ng pagkain.

"Sige jagi, ano ba yon?"

"Doon tayo sa sala."

"Okay. Teka lang ha." Hininaan ko yung apoy sa kalan at pumunta sa sala. Mukhang seryoso ang paguusapan namin kaya hindi na ako nagbiro.

Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa kanya.

"Ano yon jagi?"

Bigla niyang binato yung litrato kaya nagkalat iyon.

"Bakit kailangan mong magsinungaling sakin?" Malamig niyang tanong.

Ngayon ko lang napansin na yung mga litrato ay puro lumalabas ako ng bahay ni Jungkook at hinahatid niya ako palabas.

Holy sh.it


--

halo! gusto ko lang i-promote story ni ate kimi (@icekoream) na Baba Ni Hoseok. Basahin niyo gais tapos kung interesado kayo maging rp ng bnh, message niyo si ate kimi. Masaya sa bnh fam pramis :"> huehuehue

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon