Ilong 17 »Revised«

271 14 1
                                    

"Gelatin! Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ulit ni Jin. Halos pang bente na niyang tanong yan simula nung nakita nila ako na nakausap si Jungkook. Natahimik kasi ako dahil sa sinabi niya.

"Oo nga, kulit mo."

"Eh kasi-" nilagay ko yung index finger ko sa labi niya para tumigil na. Kulit kasi.

"Oo na. Oo na." Sabi ni Jin saka ako inakbayan at hinalikan sa temple.

Naaano ba kasi si Jungkook?

SEOKJIN'S ⓟⓞⓥ

Sa totoo lang narinig ko yung sinabi ni Jungkook kay Gelatin. Alam kong nagulat si Gelatin sa sinabi niya. Kahit ako nagulat.

Kaninang umaga din ganon siya. Naging cold siya simula noong... uhh... Ah! Noong naging kami ni Gelatin. Iniisip ko tuloy kung nagseselos ba siya o ano e.

"Hoy hyung!"

"Ayangpangetmo- Nako pwede ba Jimin? Wag ka ngang manggulat."

"Eh kasi hyung, your thinking is so much deep." Puny- Jimin stop englishing me.

"Manahimik ka nga." Sabi ko saka inirapan siya.

"Naano ka ba hyung?"

"Si Jungkook kasi, ang cold na niya samin ni Gelatin."

"Hala. Baka nagseselos siya sainyo?"

"Iniisip ko nga yun e."

"Gusto mo hyung, kausapin natin?"

"Sige mamaya. Taehyung!" Tinawag ko si Tae para siya muna kasama ni Gelatin.

"Bakit hyung?"

"Ikaw muna maghatid kay Gelatin sa bahay niya." Utos ko.

"Ba't di nalang ikaw hyung?!?!" Tignan mo to. Nagdabog pa. Tsk tsk.

"Kakausapin namin si Jungkook."

"Ah okey."

"Sige. Tenks."

***

Papunta na kami ni Jimin sa gate. Dun napag-usapan nila Jimin na dun kami mag-uusap.

Natanaw namin si Jungkook na nakapamulsa at kasama si Baekhyun hyung.

"Jungkook." Pagtawag ko. Napalingon naman sila samin.

"Bakit hyung?" Malamig niyang tanong.

"Didiretsuhin na kita... bakit ganito pakikitungo mo samin ni Gelatin?"

"Ano bang pakialam mo?" Tanging sagot niya at umalis na kasama si Baek hyung. Parehong-pareho sa sinagot niya kay Gelatin.

"Jagi." Napalingon kami ni Jimin at nakita namin si Gelatin kasama si Taehyung.

"Ah hyung kasi— ang kulit ni Gelatin. Ayaw magpahatid." Paliwanag ni Taehyung. Niyakap ako bigla ni Gelatin. Hinawi ko yung buhok niya para makita yung mukha niya kahit nakayakap pa siya sakin.

"Jimin, Tae, uwi na kayo. Ako na maghahatid kay Gelatin." Umalis na silang dalawa. Nagtititigan lang kami ni Gelatin.

"Jagi, let's just give Jungkook some space." Sabi ni Gelatin at niyakap ako lalo.

"Okay." Kumalas siya sa pagkakayakap kay hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na.

JUNGKOOK'S ⓟⓞⓥ

[Lunch time]

"Kookie, tara kain tayo." Aya ni Taehyung-hyung.

"Hindi ako kakain hyung."

"Ah sige. Mauna na kami."

Nakatulog ako pero naudlot yon nang may sumigaw.

"HOY ILONG!!!"

"AY ANO BA YAN EYELINER HYUNG. SAGABAL KA. KITANG NATUTULOG AKO E."

"KAPAG LUNCH, KUMAKAIN. HINDI NATUTULOG KAYA KAKAIN TAYO. TARA."

"Hindi ako kakain." Sabi ko at dumukdok sa mesa ko para ituloy yung tulog ko. Sakto naman ay kumalam yung tiyan ko.

"Hindi ka pa rin ba kakain kahit nagugutom na yung mga alaga mong bulate?"

Wao naman.

Hindi

sabi

ako

kakain.

Naknampucha. Oo na nga.

"Tara na nga." Agad akong tumayo at naunang maglakad.

Habang bumibili kami ay nakita ko sila hyung na masayang kumakain at nakita ko yung dalawang magsyota. Edi nabadtrip na naman ako.

BAKIT

KASI

AKO

NAIINIS?!?!?

Bumili na kami ng pagkai't inumin at paalis na pero may tumawag sakin. Lumingon kami at si Gelatin iyon.

"Hoy Jungkook." Pagtawag niya sakin at agad naman siyang nagsalita ulit. "Akala ko ba di ka kakain?"

"Ano bang pakialam mo?" Tanong ko. Ewan ko pero parang naiinis na ko tuwing makikita ko si Jin hyung o kaya si Gelatin.

Umalis na kami ni Baekhyun hyung at pasalit-salit ang tingin niya sakin at kay Gelatin. Di na ko lumingon. Ayoko e. Sigurado naman akong nandun na si Jin hyung.

"Wow. Cold mo dun ah. Acting?"

"Hindi e. Naging ganon lang ako bigla."

"Wow mood swings."

"Punyeta????"

"Pero infairness, malupet yon. Pero Jungkook, ikain mo nalang yan."

Kumain na kami sa field. Tangina sabi ko kakain ako sa room pero itong si eyeliner hyung, pinilit pa ko dito. Binlackmail niya ko. Sakit sa ilong leche.

Bumalik na ko sa room tapos nakita ko si Jimin hyung sa may pinto ng room namin.

"Yow Jungkook~"

[A/N: BYUN ALERT. Kung hindi alam ang tinutukoy na nasa dialogue(↓), itanong sa byun niyong kaibigan hehehe. Wag sa magulang. Okey? Hehehe.]

"Wala akong baong cherifer at growee. Next time nalang hehehe."

"Itong bata na to— Aishhh."

"Ba't ka nandito hyung?"

"Ah, gusto ka sanang maka-usap ni Jin hyung."

"Sige. Yun lang pala. Magkita nalang kami sa gate."

"Okay. Mamayang uwian ha?"

"Sige hyung. Pasok na ko." Paalam ko kaya pumasok na ko at umalis na siya.

Sigurado ako pag-uusapan namin yung tungkol sa pagkilos ko sa kanila ni Gelatin.

Tsk.

×××××

» [Revised - April 30, 2016] « !

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon