Ilong 31

221 13 3
                                    

3RD PERSON'S ⓟⓞⓥ

Dahil sa nakita ni Jungkook, nag-iba ang mood nito. Agad siyang umalis doon sa bahay dahil sa inis.

Nakuha nanaman ni hyung si Gelatin. Bwisit!

Naglakad siya nang lakad hanggang sa mapadpad siya sa bahay ni Baekhyun.

"Jungkook? Ah... pumasok ka." Alok ni Baekhyun kaya pumasok si Jungkook at umupo sa sofa sa sala. Kumuha si Baek ng maiinom nila at umupo sa single couch.

"Anong problema?"

"Nagkabalikan si Giselle at Jin hyung."

"HA?!?"

"Tsk."

"Ikaw naman kasi Jungkook, ang bagal mo!"

Hindi sumagot si Jungkook dahil alam niyang may sasabihin pa si Baekhyun.

"Pero teka di ba sabi mo may boylet si Gelatin? Yung si... uhh. Si ano... Ah! Si Hyun woo kamo!"

"Ewan ko. Baka kapatid niya lang? Pero alam ko walang kapatid si Gelatin."

"Ba't di mo tanungin?"

"Ayoko. Magsama sila ni Jin hyung."

"Ay selos siya! Magvideo games nalang muna tayo."

Inayos ni Baekhyun yung mga gagamitin para makapag video games sila at naglaro silang dalawa ni Jungkook para mabawasan ang inis nito.

GELATIN'S ⓟⓞⓥ

Nagising ako at yakap ako ni Jin. Huhuhu namiss ko talaga to.

"Hmm. Gelatin?"

"Ay, nagising ba kita?" Tanong ko pero umiling siya

"Hindi. Tara, bumaba na tayo."

Bumaba kami at umupo sa sofa. Naka upo ako sa pagitan ng hita ni Jin at yakap-yakap niya ako. Nanunuod kami ng tv nang may walang habas na binuksan yung pinto at nakarinig kami ng nakakatulig na ingay.

jusko.

"YEAAAAAAAAAH. YOOOOOOW."

"May dala kaming pagkain. Maglunch na tayo." Sabi ni Namjoon kaya tinanggal namin yung mga nakalagay sa coffee table at inilagay doon yung mga pagkain.

"Huh? Wala pa si Jungkook?" Nagtatakang sabi ni Taehyung.

"Bakit?"

"Sabi niya kanina papunta na siya dito na may dalang—"

"UY PIZZA!!" Sigaw ni Hoseok nang makita yung tatlong malalaking box ng pizza na nasa lapag malapit sa hagdan. Kinuha iyon ni Jin at inilapit sa amin.

"Ano ulit yung dala ni Kookie?"

"Pizza." Simpleng sagot ni Taehyung. Nagkatinginan kaming lahat.

"Kung nakapunta na si Jungkook dito, bakit umalis siya?"

"Hindi natin alam."

"Kumain na tayo."

Habang kumakain kami, nagsalita si Namjoon.

"Outing tayo."

"Nanaman?"

"Aba ayaw mo? Wag kang sumama."

ay taray ni namjoon! Sungit ha.

"Joke lang. Syempre, kasama ako."

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon