Ilong 27 »Revised«

223 13 0
                                    

A/N: Hello guys! Nagbago na ako ng username, from authornadiwata to featjikook. Thank you kay bangtanly. Hihihi. Iyun lang!

»»»»««««

Despedida ngayon ni Marsh. Nandito kami sa beach at Wednesday ngayon para makapag overnight kami.
Kumpleto kami ngayon. Kahit may alitan pa sila Jin at Jungkook at medyo bitter pa ako kay Jin, buo pa rin kami.

Nasa dagat na sila at ako nandito lang sa kubo. Nagtataka nga ako kung paano naging despedida to eh. Ang alam ko kasing despedida, simple lang; nasa bahay, maraming pagkain at movies tapos magkekwentuhan. Siguro next level to ng despedida. Huehuehue.

"HOY GELATIN. MALIGO KA DITO. MAGPA-ITIM KA NAMAN." Sigaw ni Yoongi na kasalukuyang naliligo kasama yung iba.

Ngumiti lang ako at umiling.
Wala pa akong gana magswimming.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at niyakap niya yung tuhod niya at dumukdok doon.

"Oh Taehyung. Ayos ka lang?"

Tinaas niya yung ulo niya at sumagot. "Ha? Oo naman." Tumingin siya sa dagat kung saan naliligo sila doon.

"Ang lungkot mo naman Tae." Malungkot kong saad at tinignan siya.

"Aalis na kasi si Marsh. Hindi manlang ako naka-amin sa kanya."

OMG?!?!?!

"May gusto ka kay Marsh?!" Gulat kong tanong kaya dahan-dahan siyang tumingin sakin at tumango.

"Wadafaaaak! Sabihin mo!"

"Ayoko. Baka ireject niya lang ako."

Nako Taehyung kung alam mo lang!

"Hindi yan! Akong bahala. Iseset up ko kayo mamayang gabi. Hihihi."

Mukha namang nabuhayan si Taehyung dahil nakita ko na ulit yung rectangular niyang ngiti.

"Salamat Gelatin! Hehehehe!" Tumakbo na siya papuntang dagat at dinaganan si Hobi. Pumapalag naman si Hobi sa ilalim ng tubig. Napangiti lang ako.

"Gelatin oh." May nag-abot ng Strawberry shake sakin galing sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Jimin na nakangiti ng wagas kaya nawawala yung mata niya.

"Salamat." Kinuha ko yung baso at ininom ito.

"Akala ko nandoon ka." Sabi ko kay Jimin.

"Umahon ako agad. Nauhaw kasi ako." Sagot niya at uminom ng shake niya.

"Ikaw Gelatin, bakit hindi ka pa nagsiswimming?"

"Wala lang akong gana."

"Ahh alam ko na." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ano?"

"Wala kang gana dahil nalulungkot ka."

"Hindi-"

"Nalulungkot ka dahil aalis na si Marsh." Napayuko ako sa sinabi niya. Mukhang iyon nga ang dahilan.

"Alam mo Gelatin, hindi masamang umiyak dahil may aalis na malapit sayo." Sabi pa ni Jimin kaya umiyak ako. Pinatong ni Jimin yung baso niya at yung akin sa lamesa dito sa kubo tsaka ako niyakap.

"Iiyak mo lang. Ayos lang yan Gelatin."

"CHANSING KA DYAN JIMIN!!" Rinig naming sigaw ni Namjoon. Gumalaw ng kaunti si Jimin at sumigaw.

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon