Ilong 28 »Revised«

211 15 0
                                    

GELATIN'S ⓟⓞⓥ

Pagkatapos kong umiyak ng ilang minuto ay naligo na ako at nagbihis ng hanging blouse at shorts. Bumaba ako sa restaurant kung saan nandoon yung sinet up ko para sa MarTae. Parang maarte lang. Huehuehue.

Sinalubong ako nung manager at sinabing maayos na ang lahat. Nagbayad ako para doon. Tinext ko si Taehyung at Marsh.

[To: Taelien]
[Taehyuuung. Maayos na yung sinet up ko. Punta ka nalang dito sa restaurant. Kilala ka na nung manager. Sasalubungin ka niya. Good luck!]

[To: Marshypots]
[Marsh, dinner tayo. Nagpareserve ako sa restaurant para sa ating dalawa. Sabihin mo sa sasalubong sayo, reservation for Giselle. Punta ka na ha? :* pabayaan mo yung iba. Bahala sila don.]

Ngumiti ako at nagmadaling lumabas. Nakita ko na magkakasama sila kaya nagtago muna ako sa mga halaman. Nakita kong binasa ni Marsh yung text at nagpaalam na aalis muna siya. Umalis na siya at pumasok sa hotel.

[From: Taelien]
[Maliligo pa ako!]

[From: Marshypots]
[Magpapalit lang ako tapos bababa na ako. :) ]

Omggg.

[To: Taelien]
[Maligo ka lang. Magbibihis pa si Marsh. Mas maganda kung mauuna siya sayo para surprise. Hihihi. Magpagwapo ka!]

[To: Marshypots]
[Orayt.]

Hindi na sila nagreply. Lumapit na ako sa iba.

"Oh Gelatin. Tara kain tayo."

"Tara. Pero dito tayo sa labas. Gusto ko ng mga inihaw e."

"Gusto mo rin? Ako rin eh."

Naghanap kami ng mauupuan saka kami nag-order. Nang dinala na yung mga iihawin kaming dalawa ni Jimin yung nag-ihaw. Gusto man ni Jin na mag-ihaw, pinipigilan siya ni Namjoon at sinabing kami nalang bahala.

Ilang minuto na ang nakalipas ay kumain na kami.

"Uy paubos na yung barbeque!"

"Teka lang. Mag-iihaw ako, kalma."

"Gelatin paihaw na rin ng isda at liempo hehehe."

"Okay."

"Tulungan na kita my Gelatin~ Hihihi." Malanding sabi ni Jimin. Tumigil ka Jimin. Baka patulan kita.

"Anong 'my Gelatin'? Baka gusto mong isaksak ko sa lalamunan mo itong barbeque."

"JOKE."

Medyo matagal yung pag-iihaw ng liempo, dahil baboy siya.

"Nangangawit na ako." Daing ni Jimin at inistretch yung kanang braso niya.

"Ako nalang mag-iihaw. Maupo ka na doon, Jimin." May nagsalita sa gilid niya pero hindi ako tumingin dahil binabantayan ko yung liempo. Pinapaypayan ko rin iyon para lumakas yung apoy. Nasagi niya yung balikat ko.

"Sorry."

Si Jin.

"A-ayos lang."

Hori shet. Help me breathe.

MARSH'S ⓟⓞⓥ

Bumaba na ako pagkabihis ko. Pagkarating ko sa restaurant, sinalubong ako ng waitress.

"Good evening ma'am."

"Good evening. Reservation for Giselle."

"Yes, Ma'am Marsh. This way please." Naglakad na siya kaya sumunod ako. Nagulat din ako kasi kilala niya ako. Tinignan ko naman kung may name pin, name tag o kaya kahit ano may pangalan ko para malaman niya pangalan ko pero wala.

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon