Ilong 21 »Revised«

196 12 0
                                    

February na at dapat pagmamahal ang nararamdaman ko dahil may boypren ako pero bakit para akong pinagbagsakan ng langit at lupa at sobrang dismaya at sobrang lungkot ang nararamdaman ko.

"Tulungan mo akong mag set-up ng date sa isang fancy restaurant para samin ni Jin ha? Thanks!"

Putang ina mo Demi.

Umub-ob ako sa lamesa ko at bumuntong hininga. Tahimik pa ang classroom namin dahil sobrang aga pa lang. Anong oras to be exact? 5:12 AM. Maagang nagbubukas ang school dahil may mga estudyante na nakatira sa malayo at maagang pumapasok. Hindi ako isa sa kanila, malapit lang bahay ko. Isang sakay lang ng jeep.

Bakit maaga akong pumasok? Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Tapos, maaga pa kong nagising.

Bakit hindi ako nakatulog ng maayos? Ikaw ba naman na puntahan ng bestfriend mo ng dis oras ng gabi para lang sabihin na tulungan siyang magset up ng date para sa kanila ng boyfriend mo.

Nakaka shїt di ba?

"Aishhh!" Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang frustration.

May narinig akong paggalaw ng upuan sa may tabi ko kaya inangat ko ng beri beri slight yung ulo ko para tignan kung sino.

Si Jungkook.

Parang ang tagal ko siyang di nakita kahit magkaklase kami. Umub-ob nalang ulit ako at ini-stress ang sarili ko. Hindi ko nga siya kakausapin di ba, dahil sa letter na ibinigay ko sa kanya nung Pasko.

*sniff* *sniff*

Hala nagkasipon na ko.

"Oh." Inangat ko yung ulo ko at nakita si Jungkook na nag-aabot ng panyo.

"Hindi na. Bibili nalang akong tissue. Hindi ko pwedeng singahan yan. Hehehe."

"Sino ba kasing may sabi na singahan mo yan?" Sabi niya at pinunasan yung pisngi ko. "Yung luha mo yung pupunasan."

Nung pinunasan niya yung pisngi ko, I feel comfortable and relaxed.

Ibinigay niya yung panyo niya saka tumayo at umalis.

Akala ko okay na kami. Mukhang hindi pa pala. Naawa lang siguro siya sakin.

JUNGKOOK'S ⓟⓞⓥ

Iniwan ko si Gelatin sa room at pumunta ng rooftop dahil baka maslalo akong magalit kung tanungin ko kung bakit siya nagkakaganon.

Isa lang naman ang dahilan. Dahil kay Jin hyung. Alam ko lahat ng nangyayari sa kanila dahil kinukwentuhan ako ni Namjoon hyung.

Wala siyang kwentang boyfriend. Hindi siya pwede kay Gelatin. Ang katulad ni Gelatin, dapat iniingatan. Kumbaga, para siyang vase na konting maling galaw ay mababasag kaagad siya.

"Oh pareng ilong! Alam mo bang bwisit ka ha? Ang aga-aga pa lang, pinapasok mo na ko. Sayang beauty rest ko."

"Pwede ba Baekhyun hyung? Tss."

"Chill, ang aga-aga ang init ng ulo mo. Ano bang nangyari?" Tanong ni hyung at umupo sa tabi ko.

"Umiyak si Gelatin kanina dahil kay Jin hyung."

"Problema nga ito~" pagkanta ni hyung sa tono nung sa Wonder Pets. "Ba't hindi mo icomfort?"

"Hindi pwede."

"Hayyy. Oh, bakit mo nga pala ako pinapasok ng maaga?"

"Plano para sa Valentines gift ko kay Shingiellawry."

Jungkook, The Ilong RangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon