Episode 2 - SUPPLIES

17 2 0
                                    

"WOW! Ang ganda naman ng prinsesa namin!" Bakas sa mukha ng ama ang paghanga sa mga mata. "Ano sa tingin mo, aking Amihan?" Nilingon nito ang asawang nakatitig din kay Ximena.

"Oo naman. Hindi naman maitatanggi." Nginitian nito si Ximena bago bumaling sa asawa.

Pinaghalo ang physical appearance ni Ximena sa parehong magulang. It was like all of their best assets were inherited by Ximena.

"Dad, 'wag ka po masyado maingay. Baka marinig ka po ng mga kapitbahay."

"Maganda ka, iha. Totoo 'yun. Hindi ko iyon sinasabi dahil anak kita, kundi dahil iyon ang katotohanan." Marahang kinurot ni Dario ang pisngi ng anak. Lumayo siya at tiningnan pa nang mabuti si Ximena. "Pahabain mo na itong bangs mo, ha? Pati na rin 'yang likod mo 'pag lumalakad ka. Dapat straight lang." Hinawakan ni Dario ang bahagyang nakabaluktot na likod ni Ximena at ang nakayuko nitong baba. Idiniretso niya ang katawan nito upang mas lalong mabistahan ang mukha ng anak. "You should be proud of your face."

Mahinhing tumango si Ximena.

"O, s'ya, male-late na tayo pare-pareho n'yan. Tara na?" yakag ni Amihan sa kanyang ama.

"Opo, Mommy." Kinuha na niya ang kanyang bag at pa-diretso na sa sasakyan ng may maalala. "Teka po, ang lunchbox ko." Binalikan niya ang lagayan ng pagkain na itinago niya sa may ilalim ng isang silya.

"Nagiging makakalimutin na ata ang Ximena namin?" biro ni Dario.

"Dad naman, e." Inirapan pa niya kunwari ang ama na sinagot naman nito ng ngiti.

She was on high spirit today. Basta masaya siya at alam niyang walang makasisira ng araw niya.

Pagdating sa paaralan ay hinalikan niya at niyakap nang sabay si Dario at Amihan. "I love you both, sooo much!"

"And we love you too, sooo much!" Pinisil pa ni Amihan ang tungki ng ilong ng anak.

Bumaba si Ximena ng sasakyan at masayang naglakad papasok sa paaralan. Ibinigay sa kaniya ng ama kanina ang bago nitong biling bag at sapatos niya. May mga school supplies pa iyong kasama galing sa kanilang grocery store sa bayan.

"Bago na naman ang gamit ni Giant," rinig ni Ximena nang nadaanan ang mga kaklase niya. Hindi naman n'ya iyon pinansin at pumasok na lang sa loob ng kanilang classroom.

Maliit lang naman ang kanilang paaralan kung kaya't magkakakilala halos sila.

Matangkad si Ximena sa pangkaraniwan sa kanyang mga kaedaran, kaya hindi sya lumalapit sa mga kaklase. Nahihiya kasi s'yang tumabi sa mga iyon. Taon-taon nga ay nag-iiba ang tawag ng mga ito sa kaniya. Tinawag na siyang Giraffe, Tikbalang, Ostrich at Dino. Ang latest nga ay Giant.

Ramdam niya ang kaibahan niya sa mga kaklase at ayaw ng mga ito makipagkaibigan sa kanya.

Inilibot ni Ximena ang paningin sa paligid at dahil nasa labas ang mga kaklase ay nasiyahan s'yang masdan ang mga gamit na naroroon. Matagal ding nagpaikot-ikot si Ximena sa paligid nang napapitlag sya sa pagtawag ng isang kaklase.

"Y-yes?" she shouted back.

"T-tara, laro tayo?" one of her classmates answered. It shocked her a bit dahil first time lang naman s'ya tinawag ng mga iyon. Pumasok pa iyon kaya nabigla s'yang itinago ang kanyang mga kamay at tumalikod dito.

"S-sige, s-susunod na lang ako sa'yo," she nervously said.

Tinungo niya ang ilalim ng kanyang upuan at binuksan ang kanyang lunchbox at may inilagay doon. Lumabas na rin siya pagkatapos.

Mayamaya ay tumunog na ang school bell. Lahat ay nagsisipag-unahan sa pagpasok sa kani-kanilang silid. Hindi naman nakisabay si Ximena. May mga nakakabunggo pa nga sa kaniya ngunit ni hindi man lang nagsipag-sorry.

Unruly HandsWhere stories live. Discover now