Episode 14 - TIO PABLO

2 0 0
                                    

NANIGAS na si Ximena sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya maapuhap kung anong isasagot niya sa kabiglaanan. Ilang beses niyang ibinuka ang kaniyang bibig ngunit walang salitang lumalabas mula roon.

I am doomed. Ngayon na nga lang ako makikilala ng mga ito tapos...

"Ximena!"

Napatingin lahat sa taong sumigaw.

Walang iba kundi sa kaniyang ama na si Dario.

"Anak...kanina pa kita hinahanap at kailangan ko 'yung ballpen na pinahawak ko sa'yo," parang pagalit pa na wika nito.

"Tio Dario, that's my pen!" Turo pa ni Carmen sa ballpen na nasa sahig.

Muli, lahat ng atensiyon ay napokus sa mamahaling ballpen na nasa sahig.

"Sa'yo pala 'yan? Sorry, iha. Nakita ko lang kasi nakakalat kanina. Can I borrow it for a while? I had to sign something upstairs," paliwanag ni Dario.

"S-sige po. Akala ko po kasi kinuha ni Ximena. Regalo pa naman ni Grandpa sa'kin 'yan. Ganun po siya kahalaga sa'kin." Bumaling naman ito kay Ximena. "I am asking you earlier, bakit 'di mo naman sinabi?" pag-uusisa ni Carmen.

Napalunok si Ximena. "H-hindi ko kasi alam na 'yan ang tinutukoy mo. Pinahawak lang kasi ni Daddy sa'kin. Akala ko naman kay Dad." Makahulugan pa niyang tinitigan ang ama.

"Akina muna 'yan, Ximena," utos ni Dario sa anak. "And please, follow me upstairs."

"O-opo, Dad." Nagkukumahog na pinulot ni Ximena ang fountain pen at balisang sinundan ang ama pagkatapos magpaalam sa mga pinsan niya.

Pagdating sa kwarto na tinutuluyan ng ama ay nag-alangan siyang pumasok at tumayo lamang sa isang gilid. Naghihintay siya kung anong gagawin dahil nararamdaman niyang pagagalitan na siya nito.

"Parating na ang mommy mo at si Jace rito bukas. Ilapag mo na lang d'yan ang ballpen."

Hindi niya agad sinunod ang iniutos ng ama dahil hinihintay pa niya ang susunod na sasabihin nito. "D-dad, m-may sasabihin ka pa po ba?"

Pinakatitigan siya ni Dario. "Wala na. Puwede ka nang bumalik sa kwarto mo."

"Sigurado po kayo?"

Naiirita siyang sinulyapan ng ama. "Wala na nga sabi. Puwede ka nang umalis," pagtataboy nito.

"Ngunit alam niyo pong hindi akin 'yung ball--"

"I said, go out!" sigaw nito. Binuksan pa ni Dario ang telebisyon.

"Dad, n-nagagalit ka?"

Sa halip na sumagot ay pinalakas pa ni Dario ang volume ng tv.

Hindi niya lubusang naiintindihan kung bakit ganoon ang kinikilos nito. Wala na itong balak makipag-usap dahil nasa telebisyon naman na ang atensyon nito. Wala namang nagawa si Ximena kundi sundin ang ama na bumalik na sa kaniyang silid. Nawalan na rin kasi siya nang gana na bumaba at kausapin pa ang mga pinsan.

Nang malapit na siya sa kaniyang kwarto ay nakita niyang bukas ang katabing silid.

Mga boses na nagtatawanan ang narinig niya. Boses ng kaniyang mga pinsan. Nagsiakyat na rin pala ang mga ito. Hahakbang na sana siya nang marinig niyang binanggit ang pangalan niya.

"What do you think of Ximena?" tanong ni Ramira.

"I think she is kinda weird, pero muka rin namang mabait. Hindi ko pa masabi," ani Leticia.

"Sí, yo tambíen," ika ni Carmen. "Siguro dahil ngayon lang natin siya nakilala. I don't know. Let us give ourselves some time to get to know her more. Baka naman kasi hindi niya nararamdaman na welcome siya rito, kaya awkward din siya kung kumilos sa harapan natin."

"Bakit kaya wala s'yang alam? Nakita niyo ba 'yung itsura niya nung sinabi ni Grandpa na apo siya? Nagmuka siyang deer na nagulat sa ilaw ng sasakyan. Naawa tuloy ako sa kaniya," dagdag ni Leticia.

"Pero sana hindi siya katulad ni Tio Dario," bulong ni Ramira.

Namayani ang katahimikan. Idinikit pa ni Ximena ang tenga niya sa pader dahil baka nagbubulungan na lang ang mga ito at hindi niya naririnig masyado.

"Kawawa naman kasi si Tio Pablo. Maaga siyang namatay dahil sa kaniya," pahiwatig ni Carmen.

Nangunot ang noo ni Ximena. Ano'ng ibig nilang sabihin?

"Narinig ko lang minsan na pinag-uusapan nila Mama ang tungkol sa nangyari. Ito palang si Tio Dario ay dakilang pasaway. Hindi raw nag-aaral masyado dahil hindi naman din nag-e-excel sa klase. Hindi katulad nila Mama at Tio Darwin. Tapos ganun na nga, basagulero pa. Halos sumuko raw sila Grandpa at Grandma pero hindi naman sinasaway ng dalawa. Kaya asar na asar sila Mama dahil pinapabayaan lang daw ni Grandpa," dugtong pa ni Carmen.

"N-ngayon ko lang narinig 'yan. May iba pa bang nabanggit si Tia Amor?" tanong ni Ramira, ang tinutukoy ay ang ina ni Carmen.

"Well, according to Mama, sunod daw ang luho ni Tio Dario. Ang sabi raw kasi ni Grandpa, mabait ang anak niya kahit kabaligtaran ang ginagawa nito. Kaya naging sukdulan ang pagiging pasaway ni Tio. One time, Tio Dario and Tio Pablo went to a bar. It turns out this bar is an illegal one. So, nagkaroon ng raid. Dahil sa takot na mahuli, they both ran. Dun nabaril si Tio Pablo. And guess what?"

"Pabitin ka naman masyado, Carmen," ika ni Leticia.

"Ito na nga --- paboritong pinsan ni Tio Dario si Tio Pablo. Kahit na magkaiba ang ugali ng dalawa ay magkasundong-magkasundo. Ito lang daw ang nakakapagsuway kay Tio Dario. At 'yun lang daw ang kauna-unahang pagkakataon na tumapak sa bar si Tio Pablo."

"Ano'ng ginawa ni Grandpa?" tanong ni Ramira.

"Wala --- Ni hindi nga raw nito pinagalitan si Tio Dario. Hinayaan lang."

"Ganun? B-bakit?" tanong ni Leticia.

Nagkibit-balikat lang si Carmen.

"Anyway, matagal naman na 'yun. Iba na lang pag-usapan natin," pag-iwas na ni Leticia.

Parang wala sa sariling humakbang si Ximena papunta sa kaniyang kwarto.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang lolo, maging ang kaniyang ama. Naaawa siya sa kaniyang ama. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw na nitong pag-usapan ang pamilya nito. Hanggang ngayon marahil ay nagluluksa pa.

Ngunit sa kabilang banda, karapatan niya namang malaman na may iba siyang pamilya.

Hindi niya alam kung saan ba sila nagkulang sa komunikasyon ng ama.

Gusto niya itong abutin. Pero parang ayaw naman nito.

Hindi niya alam kung hanggang anong oras siya nakatunganga.

Hindi siya makatulog kaya lumabas muna siya.

Ang daming pasikot-sikot. Tabi-tabi rin ang mga kwarto.

Binuksan ni Ximena ang kwarto sa kaniyang harapan. Mukhang walang tao kaya binuksan niya ang ilaw.

Ang daming gamit sa loob! Siguro ay babae ang may-ari niyon. Iniisip niya tuloy kung sino sa kaniyang mga pinsan ang natutulog doon.

Sumilip siya sa labas ng pinto at nang mapagtantong walang tao ay nagsimula na siyang mag-ikot sa kwarto.

Una niyang binuksan ang cabinet.

Ang gaganda ng mga damit! Halos signatured lahat iyon. Hinawakan niya ang malalambot na tela. Ang sarap siguro suotin.

Sunod naman ay binuksan niya ang mga drawers sa ilalim ng cabinet na una niyang ininspeksyon.

Mostly undies ang laman.

Isasarado na sana niya iyon nang masulyapan niya ang isang stocking na nakabalumbong sa isang gilid. Kulay pula iyon. May katabi iyong black net stockings.

Kinuha niya pareho. Halata namang gamit na ang mga iyon. Pero hindi niya maiwasang hawakan.

Wala sa loob na tinago niya iyon sa kaniyang blusa. Nagmamadali niyang sinarado ang mga drawers pagkatapos nun. Patingkayad siyang lumabas ng kwarto.

Pagkatawid niya sa kwarto niya ay sumandal siya sa likuran ng pintuan. Huminga siya nang malalim. Ngumiti siya. Tinungo niya ang kaniyang kama na kahit kinakabahan ay nakatulog siya agad-agad.

Unruly HandsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu