Episode 19 - Road

6 0 0
                                    


After one year,

"IKAW naman ang magbakasyon sa Spain next time, Maya," ani Carmen. Katabi nito si Ramira at Leticia.

Nasa isang malawak na swimming pool sila Ximena. Naroroon sila para sa isang Youth Retreat ng kasalukuyang pinagsisimbahan niya. Marami rin silang bisita lalo na ang mga kabataang katulad niya na may mga pinagdadaanan mentally. Galing ang mga iyon sa itinayo niyang maliit na center na naglalayong tumulong sa mga kabataan na nangangailangan ng mental support. Kapartner niya roon si Doc Jean.

Hindi man siya nakakita nang katulad niya na may katulad ng disorder niya ay nagulat siya na marami palang kabataan na kapareho niyang tahimik na lumalaban. Ika nga nila, baka walang makaintindi sa kanila.

Tinatanaw nila si Kayla na nakikipagharutan sa iba pang mga babae habang silang apat ay nakaupo lamang sa gilid at nagtatampisaw lang sa tubig.

"Mga sisterettes, 'lika na nga kayo rito. Bonding tayo!" anyaya ni Kayla.

Lumusong naman ang tatlo at nakipaglaro na rin.

Kinakabahan si Ximena dahil isa siya sa magbibigay ng testimony mayamaya lamang. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapatotoo siya sa mas maraming tao. Madalas kasi ay sa center lang siya nagbibigay ng speech. Hinaharang ng kaniyang agency ang mga interviews na maglalabas ng tungkol sa kalagayan niya. Okay lang naman iyon dahil may mga bagay naman talagang hindi na kailangang isapubliko. Pero kung mabibigyan siya ng pagkakataon, hindi rin naman niya ipagkakait ang katotohanan at ang tsansa na makapagbahagi ng kaniyang karanasan.

Ikinakabahala kasi ng kaniyang agency na baka hindi siya paniwalaan o baka nga mabatikos pa sa mga sasabihin niya.

Unti-unti na siyang nag-iimprove sa mga impulses niya dahil sa mga gamot na iniinom niya at sa patuloy nilang counselling session kay Doc Jean. Malaki ring tulong sa kaniya ang samahan na nabuo niya sa center.

Hindi niya alam kung tama o mali na may makaalam pa sa pinagdadaanan niya kaya nangangatog siya at ni hindi magawang mag-enjoy kasama ang iba.

Nagsimula nang magbigay ng kanilang mga testimony ang dalawa pa nilang kasamahan. Pangatlo siya.

Tinatawag na ang pangalan niya ngunit hindi niya magawang makakilos. Lumapit na tuloy sa kaniya ang kanilang youth leader.

"Ximena, it's time," bulong nito. Inilahad pa nito ang isang kamay para alalayan siya sa pagtayo. "Kaya mo 'yan."

Nilingon niya ang mga kabataang nakatunghay na sa kaniya at naghihintay. Nang dumako ang kaniyang mata kay Kayla ay ngumiti ito at nag Korean heart sign pa. Sinegundahan pa iyon ng kaniyang tatlong pinsan.

Kinakabahan namang lumakad si Ximena sa isang gilid ng swimming pool at tumayo roon.

Nirentahan ng kanilang simbahan ang resort kaya ang naroroon lamang ay ang kabataan sa kanilang simbahan at ang mga inimbita nila. Ngunit kahit sila-sila lang ay parang may nagtatambol pa rin sa kaniyang dibdib sa kaba.

Tumikhim si Ximena bago sinimulan ang kaniyang testimonya.

Habang nagsasalita sa harapan ng mga ito ay inoobserbahan din ni Ximena ang mga mukha ng mga nakikinig. Wala ni isa sa mga iyon ang mababanaagan mo nang pangungutya o paninisi sa kaniya.

Nang nagsabi na siya na minsan pa nga niyang sinubukan na putulin ang kaniyang mga kamay para matigil na siya sa ginagawa niya ay may mga nagpahid pa ng luha.

"Takot na takot ako. Wala akong mapagsabihan dahil kahit ako mismo hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod at tumalungko roon. Pagod na pagod ako. Na kahit ayaw ko na, andun pa rin 'yung mga urges ko. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Sa gitna ng pinagdadaanan ko, nanalangin ako muli. Tinawag ko ang pangalan Niya. Na kahit wala akong masabi, iniyak ko lang. Nanghingi ako ng tawad sa Kaniya at pinatawad ko na rin 'yung sarili ko. Tinanggap ko na ang sitwasyon ko dahil naramdaman ko na tinanggap Niya ako. Nangako ako na magbabago ako, sa tulong Niya," pagtatapos ni Ximena.

Habang nakayuko siya at nagpapahid ng luha ay lumapit sa kaniya ang ilan sa mga nakatayo para yakapin at sabihan siya na naiintindihan siya ng mga ito.

Pagtaas niya ng kaniyang noo ay nakita niya na nakatayo sa di-kalayuan si Jace, nakamasid sa kaniya. Pagtapos ay naglakad na ito papuntang dagat. Naikurap tuloy niya ang mga mata.

Ang resort kasi ay malapit din sa tabingdagat na puwede rin nila paliguan.

Nagtataka lang siya na naroroon ito.

Hindi na niya pinakinggan ang susunod na magsasalita. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni Jace.

Kumaway ito sa kaniya. Inaya siya nito na umupo sa buhanginan.

Pinaunlakan naman niya.

Tahimik lang sila roon. Nagmamasid sa ibang lumalangoy sa dagat.

"Musta na?" sabay nilang tanong.

Nagngitian sila.

"Ikaw na," udyok ni Jace.

"Bakit ka andito? May kasama ka?"

"Sa amin itong resort. Kabubukas lang. Tine-train na ako na mag-manage. Kaw?"

"Hmm, kasama nila." Itinuro niya ang mga nasa likod niya.

"No, I mean, 'musta ka na?"

"Ahh, 'yun ba? Natuloy ako sa Manila mag-aral. Kaya nakakapag-parttime sa modelling. Kaw? Bakit 'di ka na tumuloy?"

"Hindi siguro para sa akin ang modelling. Kaya lang naman ako sumali dahil nagbabakasakali akong sumali ka. At ganun nga ang nangyari. Pangarap mo 'yun, e." Nilingon siya nito. "Saka para magpokus sa pag-aaral. Sa Cebu nga pala ako nag-enroll."

"Hmm... how 'bout Cybelle?" kaswal niyang tanong.

"Si Belle? Hindi ko alam. Di na rin kami nagkikita."

Sinulyapan ni Ximena ang binata na masinsinang nakatanaw sa dagat. Ngumuso siya habang nag-iisip kung ano pa ang sasabihin. "Di ba kayo nagka–"

"Nope. Simula nang naghiwalay tayo, wala na akong iba pang niligawan. Nagkikita lang kami ni Belle kasi nga iisa lang ang circle namin." Huminto si Jace at nilingon siya. "I-ikaw ba, may bago ka na?"

"Narinig mo naman siguro ang testimony ko kanina?" Binalingan niya saglit si Jace.

Tumango ito.

"Yeah. I-I need to focus on my condition, you know what I mean."

"Do you still have those urges? May gamot ba para tuluyan kang gumaling?"

"My stealing urges? Of course. Naroroon pa." Nilaro niya ang kaniyang mga kamay. "None. Wala raw gamot... But, I-I can manage now. Sa totoo nga hindi na ako nakapagnakaw sa loob ng—" Binilang ni Ximena ang kaniyang mga kamay. "hindi ko na matandaan pala." Napakamot pa siya sa kaniyang ulo.

Nakangiting lumingon sa kaniya si Jace. "Ganun na pala katagal. Good."

"Yeah, good."

Muli, dumaan na naman ang mahabang katahimikan.

"I miss you," halos pabulong na wika ni Jace mayamaya. Nakayuko ito at naglalaro ng buhangin.

"Jace..."

"I know. It is my fault for not understanding your situation. Naging makasarili ako nung iniwan kita. D-dahil hindi ko alam kung makakaya ko kung totoo nga na mahilig kang magnakaw. Naisip ko na babantayan ba kita palagi? Paano kung mahuli ka? Ang dami-rami ko pang tanong. Naguluhan kasi ako. Iniisip ko pa nga na baka gumagawa ka lang ng alibi dahil gusto mo lang na tigilan na kita sa panliligaw. Kaya lumayo ako. I need to know the extent of my love for you. I realize my mistake. Hindi ko pala kaya na mawala ka. Naririto ako muli para sabihin sa'yo na maaasahan mo ako. Yun ay k-kung tatanggapin mo ulit ako. W-will you let me?"

Pinakatitigan ni Ximena si Jace. Napansin niya na nangangalumata ito. Humimpis din ang pisngi nito. Tipid niya itong nginitian. "Iyon ay kung matatanggap mo ako bilang ako."

Nagyakapan na ang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unruly HandsWhere stories live. Discover now