Episode 12 - MANSION

2 0 0
                                    

KATAKOT-TAKOT na pagpapaalam ang ginawa ni Ximena upang payagan siya ni Amihan na makapunta ng Spain. Alam niyang suntok sa buwan pero nilakasan lang niya ang loob. Nagsabi na lang siya sa kaniyang ina na gagamitin niya ang kaniyang bakanteng oras upang hanapin ang ama. Isinama pa niya si Jace upang magpaliwanag sa kaniyang ina. Sa huli ay napapayag na niya ito sa kondisyon na sasama ito. Wala na siyang magagawa sa bagay na iyon.

Hindi niya sinabi rito ang totoo tungkol kay Kayla. Sinabi lang niya na nahihiya itong sumama sa kanila sa Spain. Babalik na lang ito sa pag-uwi nila sa Pinas pagkatapos ng isang buwan.

Pagkarating nila sa Spain ay agad nang tinungo ni Ximena at Jace ang modeling agency. Ang gara ng studio na pinasok nila! Isang malaking building iyon! Katabi iyon ng condo na kasama rin sa accommodation package nang napanalunan nila. They can stay there as long as they are in Spain.

Photoshoot dito. Photoshoot doon. Buong araw ay nasa loob lamang sila ng isang studio para maiayos ang kanilang model portfolio.

Pagkatapos ay inaya niya ang kaniyang ina at si Jace na kumain sa labas.

Habang nasa isang restaurant at naghihintay nang makakain ay hindi naiwasan ni Amihan na alalahanin kung nasaan ang kaniyang ama. Si Ximena naman ay halos tulala rin dahil dalawang tao na malapit sa kaniya ang hindi mabuti ang kalagayan ngayon. Umaasa siyang makikita nila sa lalong madaling panahon ang ama at maialis na niya ang kapatid na si Kayla sa kulungan.

"Heyyy!" Pumalakpak pa si Jace.

"Hoyyy!" sigaw ni Ximena na napaigtad pa sa gulat.

"Susmayosep!" Napapalakpak pa si Amihan dahil sa gulat.

Hindi napigilan ni Jace na matawa sa iniakto ng dalawa.

"Sorry." Nag-peace sign pa si Jace at itinuro ang mga pagkaing nasa kanilang harapan na natapos nang ilapag lahat ng waiter. "Kain na po tayo?"

Nagkatinginan naman si Amihan at Ximena bago bumaling kay Jace na pinipigilan ang sarili na tumawa.

Dahil sa itsura ni Jace ay napabunghalit na ng tawa ang dalawang babae na dahilan nang biglaang paglingon sa kanila ng mga kasabayang customer. Tahimik na tahimik kasi sa lugar kaya dinig na dinig ang kanilang halakhak.

Yumuko naman si Amihan at nag-sorry sa mga ito.

"Mommy, Jace, punta lang muna ako sa may banyo, maghuhugas ng kamay," paalam niya sa dalawa.

"May sanitizer naman ako rito," pigil sa kaniya ni Amihan.

"Sa banyo na lang po ako maghugas, Mommy. Medyo marami kasing mga props na pinahawakan sa akin kanina, ung iba kasi maalikabok."

Tumango naman si Amihan at Jace.

Agad na nagtungo si Ximena sa banyo sa labas ng restaurant. Wala kasi comfort room ang resto. Okay lang naman kay Ximena dahil malapit lang naman ang lalakarin papuntang public toilet sa loob ng mall. Nasa may dulo iyon ng mall malapit sa exit. Hindi masyadong pinupuntahan ang lugar dahil medyo may pagkasosyal ang parteng iyon ng mall. Pagpasok niya sa loob ay may sumunod sa kaniya na tatlo ring babae na hindi naman niya masyadong pinansin. Ang dalawa ay pumasok sa toilet ngunit ang isa ay tumabi sa kaniya na naghugas din ng kamay.

Panaka-naka itong tumitingin sa kaniya na tipid niyang nginitian.

Nang natapos na siyang maghugas ay nagulat siya dahil bigla na lang pumunta sa likuran niya ang babae at sapilitang inilagay sa kaniyang bibig ang isang panyo.

NAGISING si Ximena sa isang napakagandang kwarto. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nasa loob ng isang mansiyon. Pero saglit lang niya ninamnam ang ganda ng silid dahil naalala niya ang nangyari. Kinapkap niya ang kaniyang bulsa para hanapin ang cellphone niya. Nagta-type na siya ng mensahe nang magulat siya sa biglaang pagbukas ng pintuan. Isang matandang lalaki ang pumasok sa loob ng kwarto, naka-tungkod na ito. Kasunod nito ay dalawang lalaki rin na sa tingin niya ay mga security guard nito.

"Kamusta tulog mo, iha?" tanong nito sa seryosong paraan.

Hindi tuloy alam ni Ximena kung matutuwa sa concern nito dahil halos hindi ngumingiti ang matanda. "Asan po ako? S-sino po kayo?"

"Andito ka sa bahay ko, iha. Malalaman mo kung sino ako sa paglabas natin."

Nauna nang maglakad palabas ang matanda habang hinintay pa siya ng mga security guards na lumabas bago ito nagsisunod.

May sumalubong sa kaniya na mga katulong, may isa na yumukod pa at nag-abot sa kaniya ng tsinelas na pambahay. Naka-paa lang pala siya. Malugod naman niya iyong tinanggap.

Para siyang bata na namamangha sa nakikita niya.

Nasa isang lugar siya na parang walang katapusan ang pasilyong kaniyang nilalakaran. Hindi niya maiwasang mag-isip kung bakit andami namang kwarto. Pinag-iisipan na niya kung hotel ba ito o malaking mansiyon. Hindi naman mukhang mayordomo ang matandang naglalakad sa kaniyang harapan.

Pagliko nila sa isa pang pasilyo ay lumantad sa kaniya ang isang grand staircase. Yung tipong nakikita mo lang sa isang telenobela o sa mga magagarang hotel. May mahaba pa iyong carpet na kumikinang na blue.

Nagulat siya sa dami ng tao sa baba. Seryosong nakatingin lamang ang mga ito sa kaniya.

Pagdating sa baba ay lumakad na naman sila at sa dulo nang nilakaran nila sa kanan ay tumambad ang isang napakahabang table na may nakaupong mga tao.

Mabilis niyang pinasadahan nang tingin ang mga iyon at napatda siya nang makitang nakaupo roon ang kaniyang ama.

"Xime.."

Hindi naituloy ng ama ang pagtawag nito sa kaniya dahil itinaas ng matanda ang kaliwang kamay nito.

Nginitian na lang siya ni Dario at sumenyas na umupo sa tabi nito. Tinakbo niya ang kinaroroonan ng ama. Niyakap niya ito at ininspekyon ang katawan nito.

Tumikhim ang matanda kaya natigil sila ni Dario sa pagkukumustahan.

"Okay lang ako, Maya. Wag ka mag-alala. Sige na, umupo ka na."

Tumango naman siya at muli niyang napansin na nakatingin na naman sa kaniya ang lahat ng nasa lamesa.

Mayamaya ay tumayong muli ang matandang lalaki na nakaupo ngayon sa uluhan ng lamesa.

"Please enjoy your meal. It is a feast for Ximena Maya, my long-lost granddaughter."

Ha? Ano raw? Tiningnan niya ang kaniyang ama na punong-puno ng katanungan ang kaniyang mata.

"Just eat, Maya. I'll explain later," bigkas ni Dario habang ang mga katulong ay isa-isa nang nagsisilbi ng kanilang hapunan.

Unruly HandsOn viuen les histories. Descobreix ara