Episode 18 - HOLD MY HAND

2 0 0
                                    

IPINAGTAPAT ni Ximena ang kaniyang kalagayan kay Kayla. Sa una ay nagtampo ito dahil ilang beses din naman itong napagbintangan dahil sa kaniya. Ngunit dahil na rin sa pagpupursige ni Ximena na makuha ang pagpapatawad ng kapatid ay nagkaayos din sila. Nangako pa nga si Kayla sa kapatid na tutulong ito sa kaniya. Susuportahan siya nito. Ang tanging kahilingan lang ni Kayla kay Ximena ay 'wag na 'wag na siyang maglilihim. Kung sakali man daw na inaatake siya, sabihan siya agad upang masamahan siyang maglibang. Hindi niya lubos akalain na magiging epektibo sa kaniya ang ganoong set-up. Hindi rin niya alam kung magtatagal. Pero susubukan niya. Basta kasama niya ang mga ito.

Ngayon nga ay nasa isang sasakyan sila at pababa sa isang simpleng bahay na nasa kanilang kanayunan. Kasama rin nila si Amihan na full support sa kanila.

Pumasok sila sa bahay na may mababang bakod. Aminado siyang kinakabahan habang nasa harapan ngayon ng kwarto ng isang psychiatrist.

Napawi lamang ang kaniyang pagkakakaba nang hinawakan ni Dario ang kamay niya. Nagngitian silang dalawa. Sabay din nila nilingon si Amihan at Kayla na nakaupo sa may waiting area ng clinic. Nasa isang gilid iyon katabi ng mismong bahay siguro ng psychiatrist. Kumaway ang mga ito, nagbibigay ng suporta.

Kumatok sila. Nang marinig nila ang mabining boses ng babaeng doktor ay nangingimi silang pumasok. Ngunit panandalian lang ang hiyang nararamdaman nila.

Pinagkuwento sila ng doktora at magkahiwalay na kinausap.

"Till our next meeting, Ximena?" bakas ang pag-iintindi at simpatya nito. Natutuwa siyang pagmasdan ang kahali-halinang mukha ng doktora. Mabait ito kaya kahit may katandaan na at makikita mo na ang namumuong wrinkles sa may bandang noo at gilid ng mga mata ay masasabi mong maganda ang babae. Hindi sa gandang pisikal lamang. Nararamdaman niya na maging ang kaibuturan ng puso nito ay mabuti at kaakit-akit.

"Opo, Doc Jean." Nginitian niya ang doktora.

"Magsabi ka lang, hmm?"

Masayang lumabas si Ximena ng clinic. Dumiretso siya sa kinauupuan ng kaniyang pamilya. Nauna na sa labas si Dario dahil may kakausapin daw ito sa telepono. Mahina kasi ang signal sa lugar. Si Amihan na lang at si Kayla ang naroroon.

"May pupuntahan po kami ni Kayla, Mom," paalam ni Ximena.

Hindi agarang sumagot si Amihan. Panandalian ay pinagmasdan niya ang kaniyang unica hija. Masaya siya na makitang lagi na itong nakangiti. Malayong-malayo sa anak niyang laging pormal at tahimik lang sa isang tabi. Sinulyapan niya rin si Kayla na nang magtama ang kanilang mata ay tipid na ngumiti. "O s'ya sige, basta umuwi bago gabihin, hmm?"

"Opo, Mommy," pagsang-ayon ni Ximena.

"Opo, M-Mommy," nauutal na sagot ni Kayla.

Hinawakan ni Amihan ang kanang balikat ni Kayla. "Masasanay ka rin na tawagin akong Mommy. Okay lang 'yan." Iyon din kasi ang ibinilin niya kay Kayla. Na pamilya na sila kaya't nararapat lang na ganun na rin ang itawag sa kanya ni Kayla.

PAGKARATING ng dalawa sa mall ay dumiretso sila sa sinehan. Nanuod sila ng paborito nilang show. Nakaupo sila sa may pinakagitna ng balcony. Dahil romcom iyon na palabas ng sikat na young on and off-screen couples ay may kapwa estudyante ring nanuod. Tamang-tama kasi dahil bakasyon pa naman.

"O 'di ba? Sabi ko kasi sa inyo na snatcher 'yang bidang lalaki d'yan. Tama hula ko!" pagmamalaki ng isang nanunuod na nasa harapan nila nang magsimula na ang palabas.

"Ang ingay mo baga!" inis na pambabawal ng katabi nito.

"Guys, guys, guys. May chika ako," bulong naman ng isa na sa mismong harapan ni Ximena nakaupo. Nakasuot ito ng blue jacket.

Unruly HandsWhere stories live. Discover now