Episode 9 - DADDY'S SURPRISE

3 0 0
                                    

PAGKATAPOS maisabit ni Ximena ang belt ay muli siyang lumakad nang patingkayad.

"Ximena?"

Napatda si Ximena sa kaniyang kinatatayuan at kinakabahang napalingon sa pinanggalingan ng boses ng ama. "K-kanina pa po ba kayo riyan?"

"Ngayon-ngayon lang naman. Bakit mo naitanong?"

"S-sigurado po kayo?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"W-wala naman po. Buti po natapos na kayo maligo."

"Oo."

"Babalik na po ako sa kwarto."

Tumango lamang ang ama.

Nagmamadaling bumalik si Ximena sa kaniyang silid. Kinakabahan pa rin siya kahit mukhang okay lang ang sagot ng ama.

Papaano kung makita nito na nabalik na ang belt nito? Pagsususpetsahan kaya siya?

Nasa likod pa rin ng pintuan si Ximena nang biglang bumukas iyon at nabangga siya. Iniluwa niyon ang nakangising si Kayla.

"S-sorry."

Tumango si Ximena kay Kayla para sabihin dito na wala naman iyon.

Hinatak ni Kayla ang mga kamay ni Ximena at hinila ang kaibigan para makaupo sila sa kama. Excited na excited ang mukha nito na pati si Ximena ay nahawa na.

"Para kang sira d'yan. Bakit ka ba ganyan kung makangiti?"

"Narinig kong usapan sa may tindahan na mayr'ong modeling contest na gaganapin sa mall sa kabilang bayan. Ang laki ng prize money, sis! Magkakaroon pa ng exclusive contract sa isang modelling firm sa Spain."

"T-talaga?" mahinang wika ni Ximena.

Hinampas naman ni Kayla ang binti ni Ximena. "Oo nga. As if naman magbibiro pa ako sa'yo."

Yumuko si Ximena. "P-pero hindi naman ako papayagan ni Daddy. Alam mo naman iyon. Gusto ata akong buruhin dito sa bayan natin."

"Sabagay nga. Pero malay mo naman mapagbigyan ka ulit. Tignan mo nga at tuwang-tuwa nung nanalo ka sa beauty contest."

"Kayla, tulungan mo naman ako." Lumapit pa si Ximena sa kaibigan at hinawakan ang mga kamay nito.

"P-paano?"

Ibinulong niya rito ang gusto niya mangyari.

"Puwede ba 'yun?" nag-aalangang wika ni Kayla.

"Oo naman. Sige na, please," pangungumbinsi ni Ximena.

Tumango na lang si Kayla at sabay silang nagpunta kay Dario.

"T-tito Dario?"

Lumingon naman si Dario na nasa sala nila at may tina-type sa computer nito.

"Pwede po bang magpasama kay Ximena sa kabilang bayan? M-may aasikasuhin lang po sana ako sa mga b-birth certificate ko t-tsaka po kakausapin ko lang po 'yung pinanggalingan kong ampunan."

Nangunot si Dario. "Hindi mo nabanggit sa amin na galing ka palang ampunan, Kayla."

Tumungo naman si Kayla. "T-tumakas po kasi ako dun."

"T-tumakas? Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Hinahanap ko po kasi ang tatay ko k-kaso naman po hindi ko rin naman nagawa d-dahil kulang din ako sa impormasyon. Simula po kasi nang namatay ang nanay ko, iniwan na po ako ng lola ko sa ampunan. Kakilala niya po kasi ang madre na nagpapatakbo dun. Sabi po niya sa akin, babalikan niya ako. P-pero hindi na niya ginawa. P-pakiramdam ko po walang nagmamahal sa akin. Babalik lang po ako sa ampunan para makapagpasalamat naman sa kanila. Inalagaan po nila ako nang maayos. K-kailangan ko po gawin iyon para naman wala na pong gumulo sa isip ko."

Unruly HandsWhere stories live. Discover now