Episode 16 - ACCEPTANCE

2 0 0
                                    


SHE felt miserable.

Hindi niya alam anong pinto ang pinasukan niya. Basta na lang siya umupo sa sahig at sumandal sa gilid ng kama na naroroon. Sinabunutan niya ang kaniyang ulo pagkatapos ay nilamukos niya ang kaniyang mukha.

Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay at pinaghahampas ang sahig. Hindi pa siya nakuntento at pinagpupukpok ang kaniyang mga daliri gamit ang kabilang kamay.

"Ximena!" Tumakbo palapit sa kaniya si Jace.

Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kaniya. Wala na rin naman siyang pakialam kaya pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

"What are you doing?" Hinuli nito ang kaniyang namumulang mga daliri. Pagkatapos ay umupo ito sa kaniyang harapan at pilit siyang pinauupo sa kama.

"P-pagod na ako, Jace.. Ayoko na.." usal niya.

"H-hindi kita maintindihan, Ximena. Tungkol ba ito kay Tito Dario?"

Paulit-ulit siyang umiling habang may dinudukot sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang lahat ng laman niyon. Hindi niya ibinigay sa lolo niya ang laman ng kabila niyang bulsa kanina. "H-hindi sa akin ang mga 'yan."

Nangunot ang noo ni Jace. Hindi pa rin niya maunawaan ang tinutukoy ni Ximena. "And so? Kanino ba ang mga 'yan?"

"Hindi ko alam."

"Paanong hindi mo alam tapos nasa bulsa mo?"

"B-because I took them, Jace. Ninakaw ko ang mga 'yan."

"B-but why?" Hinawakan ni Jace ang mga iyon, ininspeksyon. "E, bawas naman na ang mga 'to. Ang dami mong lipstick sa bag mo. Kailangan mo ba? G-gusto mo bang kuhanin ko?"

Ginulo ni Ximena ang kaniyang buhok. "Hindi mo naman ako iniintindi, Jace. I said, I stole them. Na—kawww! Nakaw!"

Napahampas na si Jace sa binti niya habang mas lalong kinunot ang noo.

"All of those things na nawawala sa'yo, sa mga kaklase natin, kay Kayla, sa parents ko at sa marami pang iba. A-ako ang may kagagawan nun, Jace. I am stealing things I don't even need. I am stealing pens, erasers, hair accessories, t-the mini vase of Mrs. Garcia.. the..."

"Stop, Ximena..."Umiiling pa si Jace. Ayaw niyang marinig ang mga sinasabi ng kaniyang iniirog.

Binalingan ni Ximena si Jace. Puno nang pagsisisi ang kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik pagkatapos ng kaniyang pag-amin.

Ngunit saglit lang iyon dahil bumalik ang kaniyang pangamba nang nabasa niya ang pagdududa sa mga mata ni Jace.

"Okay, naiintindihan na kita. Wala akong sasabihin sa iba, pangako. J-just don't do it, again."

"It is not that I don't want to stop," Huminto siya saglit. "...I can't," malungkot na sabi ni Ximena.

Tumayo na si Jace. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi mo kayang hindi magnakaw? Ano ba namang klaseng dahilan 'yan, Ximena?!"

Puno nang pagdaramdam na yumuko si Ximena. Nangyari na ang isa sa kinatatakutan niya. Wala namang makakaintindi sa kaniya. Wala namang kayang tumanggap sa kaniya. "Hindi ako nagdadahilan, Jace. Kung hindi mo ako kayang maintindihan, I guess it is time to say goodbye to each other."

Napaawang ang bibig ni Jace. Hindi mapaniwalaan ang sinasabi ni Ximena. Sa tingin niya ay napaka-immature nito para lang sa ganoong bagay ay makipaghiwalay sa kaniya. "Fine! Akala ko iba ka sa mga naging girlfriend ko. Lalong-lalo na kay Maisie. Pareho rin pala kayong isip-bata!"

Napapikit si Ximena sa pagtitimpi at sa paghahambing pa sa kaniya sa ex-girlfriend nito. "Wag mo akong ikumpara sa mapanlinlang na babaeng 'yun! Hindi kami pareho!"

Unruly HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon