Episode 10 - NECKLACE

5 0 0
                                    

"MY gulay! Nanalo ka Ximena! Reigning New Supermodel in Asia!" Nagbigay-galang pa si Kayla na yumuko sa harapan ni Ximena. Hindi nito maitago ang kasiyahan sa mukha. "At ito pa nga ang isa pa! Jusmeyo Marimar! Napapaligiran ako ng isang god at goddess!" Bulalas pa ni Kayla habang pinapanuod ang paglapit ni Jace sa kanila.

Hinawakan naman ni Jace ang dalawang kamay ni Ximena at binigyang ng tig-isang halik ang mga iyon. "I am so proud of you, Maya."

"Ikaw din naman, congrats."

Habang magkahawak-kamay ay pakiramdam ni Ximena na silang dalawa lang ni Jace ang naroroon sa mall. Hindi niya maiwasang ibalik ang ngiti na binibigay nito sa kaniya.

"Hoyyy! Ano 'to? Nakalimutan n'yo ng may kasama kayo? Haleer guys! Andito ako, oh!" Itinuro pa ni Kayla ang sarili na ikinatawa ng dalawa.

"Puro ka talaga biro, Kayla," ani Ximena

"Mauna na nga akong maglakad at nagiging ampalaya lang ako rito sa kakatingin sa inyo." Nagmartsa pa ito pagkatapos talikuran sila Jace at Ximena.

Pinaghugpong pa ni Jace nang mabuti ang kanilang mga kamay bago sinundan si Kayla. Bakas sa mukha nila ang contentment at kasiyahan.

Pinagtitinginan naman sila ng mga tao dahil kahit simple lang ang kanilang kasuotan ay kitang-kita ang kanilang kagandahan at kagwapuhan. Nakasuot sila ng puting t-shirt na may nakalagay na Supermodel Asia. Nakatuck-in iyon sa kanilang fitted jeans. Naka-nude look lang sila pareho at nakaayos ang kanilang mga buhok. Wala na ang baby bangs ni Ximena na tuluyan na niyang pinahaba. Those small things that they do to their appearances make a big difference to enhance their beautiful and unique features.

Nagulat na lang sila nang may bumunggo kay Ximena kaya muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya naagapan ni Jace.

"Ang daming nakakairitang tanawin sa lugar na ito," sambit ni Cybelle na siyang intensiyonal na bumangga sa kaniya.

Lalapitan sana ni Ximena si Cybelle nang biglang may humarang na isang matangkad at mukhang bouncer na lalaki.

"Tara na, Baste. Wag mo na pansinin ang babaeng 'yan." Nakataas pa ang isang kilay nito bago umabrisyete sa lalaki at lumakad na.

"Bodyguard ni Belle 'yun, pero kaya naman kita ipagtanggol dun, Ximena."

Humakbang na si Jace para sundan ang dalawa nang hinatak niya ito at umiling siya.

"Sigurado ka, Ximena?"

Tumango na lang si Ximena at naglakad na. Mas masarap na i-enjoy ang kanilang pagkapanalo kesa sirain ang araw nila sa paghabol sa isang babaeng inggetera. Halata namang naiinis lang ito dahil pangalawa na naman ito sa kaniya.

Nagpaalam si Jace sa kaniya na may kakausaping tropa.

Sila naman ni Kayla ay parang mga maliliit na bata na nag-ikot sa kabuuan ng mall.

"Ximena, dun tayo oh! Ang gaganda ng mga necklace," kumikinang ang mga mata ni Kayla habang binabanggit iyon.

"Mahilig ka pala sa alahas, Kayla?"

"Oo naman! Mas gusto ko ang mga iyan kumpara sa mga damit at sapatos. Mga mumurs lang kasi ang kaya kong bilhin. 'Yung tipong 30 pesos may hikaw na ako. 'Yung mga nabibili sa tiangge. Pero, gusto ko rin naman ng mga ganyan."

Hinatak na ni Ximena ang kaibigan at pumasok na sa loob ng isang high-class jewelry shop.

Dalawang pares lang sila na nasa loob ng jewelry store. Ang isang pares ay nasa kabilang side, sa mga relo. Sila naman ni Kayla ay nasa may mga hikaw at kwintas.

"Shocks! Ang mahal siguro niyan noh? Itong isang 'to tignan mo." Itinuro ni Kayla ang isang kwintas na kapansin-pansin ang magandang pendant.

Lumapit sa kanila ang isang saleslady habang hindi magkamayaw si Kayla at Ximena sa pagtingin sa mga estante. Si Kayla nga ay halos dumikit na sa salamin ang mukha sa kagustuhang makita ang mga alahas.

Unruly HandsWhere stories live. Discover now