THE PSYCHO IN RED 1

81 23 52
                                    

_______________
DISCLAIMER:

The Psycho in Red is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner . Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

_______

THE PSYCHO IN RED
•••°♡°•••
1

TRIGGER WARNING: R-18

SHUTA! BALIW NA NGA TALAGA AKO.

Ano ba kasing pumasok sa kukute ko't umattend pa 'ko dito!?

Nandito lang naman ako sa engagement party ng aking bestfriend slash ex- girlfriend.

Gustuhin ko mang hindi umattend pero hindi ko gusto na magtampo siya. Kahit kasi hindi na kami, mahalaga parin siya sa 'kin.

Gusto ko ring makita kung gaano siya kasaya sa piling ng lalakeng pinili niyang pakasalan.

Four years since I've known, Allison, my ex-girlfriend. We started as friends, unfortunately I'd fell in love with her unexpectedly. But I haven't confess my pent-up feelings for her, I just decided to hid it for almost 2 years because at that time she was in a relationship and I was afraid our friendship might ruined. Pero noong broken hearted siya, ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na aminin ang feelings ko sa kanya.

Niligawan ko siya ng dalawang buwan at kalaunan ay sinagot niya rin ako.

Ako na ata ang pinakamasayang lalake no'ng sinagot niya ako sa suki naming tapsihan.

Pero ang sayang naramdaman ay tuluyan ring napalitan ng sakit. Nasaktan talaga ako sa dahilan kung bakit niya gustong makipaghiwalay sa 'kin.

'I'm sorry Jin, hindi talaga kita minahal.'

Pero imbes na sisihin siya , mas sinisisi ko pa ang sarili ko kung bakit ang tanga ko't hindi 'yon napansin. Na sa pitong buwan naming magkarelasyon ay hindi pala siya masaya sa piling ko.


Isang taong rin no'ng nawalan kami ng koneksiyon na dalawa, hindi dahil sa iniiwasan ko siya pero dahil sa kailangan kung bumalik sa probinsiya namin para magtrabaho at alagaan ang mga kapatid ko.

Tumigil ako sa pag-aaral at tinuon na lamang ang pansin sa aking mga kapatid.

Akala ko hindi na ako makakabalik sa pag-aaral lalo na't makakabalik dito sa Manila, ngunit 'sang malaking opurtunidad ang ibinigay sa 'kin ng dating amo ng aking yumaong ama. Pinabalik aral niya ako dito sa Manila, utang na loob na rin daw nito sa kabutihang ginawa ng aking papa sa kanya. Ang mga kapatid ko naman ay nasa pangangalaga ng aking tita Andeng.


Nagkita kami dalawang buwan narin ang nakakalipas sa palengkeng pinagwoworkingan ko. Akala ko magiging awkward ang pagkikita naming dalawa, pero hindi gano'n ang nangyari. Nagkwentuhan kami na parang walang nangyari, at tila bumalik 'yong kulitan at asaran naming dalawa.

Nagpag-usapan din namin ang nangyari sa 'ming dalawa. Ang sabi niya, ginamit n'ya lang daw ako.


' I'm sorry, I used you for my own selfish reason.'

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now