THE PSYCHO IN RED 14

25 10 10
                                    

CHAPTER 14
•••˖⁠♡♡♡⁠˖•••


TRIGGER WARNING: sensitive content...



"BA'T NANDITO KA PARIN BOSSING?"
salubong na tanong ni Gerald nang makitang kasama namin si Marshall dito sa canteen.



"Hoy tukmol! Bakit pinapaalis mo na agad si bossing!" Binatukan naman siya ni Jerome nang makaupo siya sa harap namin.

Napangisi lamang ang leader namin.

"After 6 months pa kasi magsisimula ang show kaya naman matatapos ko pa 'tong year ngayon," paliwanag naman ni Marshall.



"Ang hina naman niyang show na 'yan. Ready pa naman ang konfeti at lightstick ko para i-cheer ka bossing," pagmamaktol n'ya.


"So kuwento mo lang?" pangbabara naman sa kanya ni Jerome.



"Ikaw! Kanina ka pa ah!"


"Blehhhhh"


Ayon naghabulan na ang dalawa sa madilim na ground.


Napailing ako. "Mga tukmol talaga oh!" sambit ko.



7:30 p.m. na pala ngayon ng gabi, nag break muna kami para sa susunod na subject kaya't nandito kami ngayon sa canteen.



"Ikaw na ang bahala sa kanila Dalton." Narinig kong sambit ni bossing matapos niyang sumimsim ng Juice.


"Luh? Kung magpaalam ka parang 'to na ang huling araw mo sa mundo ah," biro kong sabi.


Napangiti lamang siya.


"Now that I'm pursuing my dream, I can't stop thinking about the day where I started to dream, the day I decided to form this club, and the day I decided to follow the pursuit I've always wanted..."


Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Marshall habang kumakain ng burger.


"I just recently realized how important beginnings are. It was as if a bomb suddenly explode in front of your highs and lows." dagdag niya.


Napatango ako bilang sang-ayon.

"I really hope for your success, boss," I told him, sincerely.



"Thank you, Dalton."


Dreams...

When I heard this word from him, suddenly I remember the day when our teacher from psychology in Senior High asked us about what would be like our future someday or what was our dreams we wanted to achieved in the future. Naalala ko 'yong sinagot ko sa teacher namin na hanggang ngayon 'di parin ako makapaniwala na I'm actually pursuing it now. That's why I'm thankful for the opportunity for the scholarship that Mr. Carlo, my father's former boss, gave to me.



Nag-usap pa kami ni Marshall hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang break time. Dali-dali naman kaming nagligpit saka tinawag 'yong dalawang nagpagulong-gulong na sa ground.


Ngayon ay bumalik na sa regular ang klase namin. Kaya't mamayang alas 9 p.m pa ako makakauwi sa apartment ko na s'ya namang kinabahala ko kasi baka may mangyaring masama kay miki do'n.


Hayst...Sana naman mabilis lang 'tong matapos ang klase.







NANG MATAPOS ANG KLASE namin ay agad akong kumaripas ng takbo sa apartment ko. Pagkatapos ay agad kong chineck si Miki, nabunutan naman ako ng tinik nang makitang mahimbing siyang natutulog sa compartment niya.


THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now