THE PSYCHO IN RED 5

42 23 37
                                    

CHAPTER 5






But darling oohh wooah...
'Di mo na kailangan maging prinsesa.
Dahil sa buhay ko ikaw aking
reyna.
'Di mo na kailangan pang magpaganda.
Dahil sa bawat araw ika'y diyosa.

Kaya sana'y tanggapin,
ang pagsinta ko o giliw...



" Nice one guys." Komento ni Marshall.
Ibinababa na niya ang kanyang gitara sabay tapik sa balikat ni  Gerald.    "Nice one, pero medyo nawala ka sa tono sa dulo."   Dagdag niya.

Tumango naman si Gerald.   "Gutom lang boss."   Nakangisi nitong tugon.

Binaling naman ni Marshall  ang paningin niya samin. "Kain muna tayo sa canteen  guys, libre ko na."

" 'Yan gusto namin sayo boss e. "

" Hay salamat."

" Thank you boss!"

Sabay-sabay nilang sigaw at agad na  sumunod sa kanya palabas.

" Tara bro."   Pahabol naman na sigaw ni Gerald sa 'kin.

Ibinaba ko na ang drumsticks ko at sumunod din agad sa kanila.  Gutom na rin kasi ako. Hindi kasi ako kumain kaninang umaga.

Habang papunta sa canteen ay nakita naming tila may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa quadrangle.

Napaismid naman ang katabi kong naglalakad na si Jerome. 
"Tsk lamang lang naman sila ng ilang paligo sakin."

Tumawa naman si Gerald na nasa tabi niya. "Eurt ka diyan! Gwapo lang naman ambag nila wala namang mga tale-ARAY!"   Napahimas si Gerald sa batok niya habang napalingon kay Ysang na siyang nambatok sa kanya.


Inirapan siya ni Ysang.  "Ang insecure niyo ah."

" Tsk totoo naman ah."   Biglang singit naman ni Jerome.

" Gutom lang yan mga tukmol!" Sabi niya sabay hila sa dalawa.

Medyo kunti lang ang tao sa canteen kasi ang ibang mga estudyante ay nasa quadrangle nanood sa  ibang bandang tumutugtog. 

Nakita namin ang mga kasamahan naming nauna sumabay kanina kay Sean. Doon narin kami banda umupo. Ipinagdugtong lang namin ang dalawang mesa para magkasya kaming lahat.

Our band consist of seven members. Si Gerald bilang lead vocalist, si  Jerome as rapper  , si Ysang at  Sean as guitarist. Si Ark as our main guitarist at composer. Ako naman ay ang drummer nila.  at Si Marshall naman ay back up singer at siya rin  ang leader namin at bumuo ng bandang ito.

The Memories.

No'ng una hindi ko talaga gusto ang pangalan ng banda namin. Pakiramdam ko kasi ay wala itong dating. Pero kalaunan ay nagustuhan ko rin ito dahil bumabagay kasi ang mga kanta namin sa name ng banda namin.

" Ako na ang bibili. Ano bang ipapabili niyo?"   Tanong sa 'min ng leader namin.

" Ikaw ng bahala bossing."   Tugon ni Sean. Sumang-ayon namin kami.   "Samahan na kita boss, kahiya naman sayo."   Sabay tawa niya.

Pumunta na nga sila sa counter.

"Kaninong tubig 'to?"  Turo ni Jerome sa water bottle sa mesa namin.

" It's mine."  Sagot naman ni Ark.

"Painom ako bro ah?"

Tumango lang sa kanya si Ark.

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now