THE PSYCHO IN RED 10

36 20 26
                                    

CHAPTER 10







TRIGGER WARNING: sensitive content!


" P'RE BA'T WALA KA 'NONG LAST PRACTICE NATIN?"

Tanong sa 'kin ni Marshall pagpasok ko sa tambayan namin sa university.


" Ah may emergency pre," dahilan ko.

" Tsk. Emergency? 'Di kami maloloko."  Singit ni Gerald habang umakbay sa 'kin . "Ang sabihin mo nag date kayo nong girlfriend mo," nanunukso ang mga mata niyang tumingin sa 'kin.

" Hindi ko naman-"


" 'Wag ka ng magdahilan pre bistado ka na." Sabi nito sabay tapik sa 'king balikat. Pagkatapos ay bumalik na siya sa puwesto niya kanina.


" Let's make this monday a memorable one."   Biglang pumasok ang leader naming si Marshall.



" Aye! Aye! Captain!" Sigaw ni Gerald.

Dumako ang paningin ni Marshall sa 'kin. Tinawag niya ako.
"Dalton, halika muna."


Lumapit ako sa kanya. "Ano 'yon bossing?"

" Alam mo na ba ang gagawin? "


" Ah oo bossing pinagpraktisan ko ang pag dadrum no'ng nakaraang araw pa. Sorry kung hindi ako naka attend sa last praktis natin."

Bigla ay napasapo siya sa kanyang noo. "Guys!!" Tawag niya sa atensiyon ng lahat. "Why didn't you inform Dalton on what to do?"

Bigla ay nangunot ang aking noo. Ano bang ibig niyang sabihin?


"Sorry boss, nakalimutan namin."

"Sean!" Tawag niya sa kasamahan ko.

" Yes boss?"

"Explain to Dalton what to do on our actual performance." Utos niya rito.

Tumango si Sean. "Okay boss."

Umalis ang leader namin at naiwan kaming dalawa ni Sean.

" 'Wag kang mag-alala pre. You are still our drummer. Ipe-perform parin naman natin 'yong napagpraktisan natin. Kaso..."  Napakamot siya sa kanyang batok. "May idinagdag lang si Bossing."

" Ano 'yon?" taka kong tanong.

" Pareho ni Gerald magiging singerist ka rin."

Nangunot ang noo ko sa narinig tila ba ay nabingi ako. "Ha?"

" Actually lahat tayo magiging singerist kahit na... " Tumawa siya, " ...sintunado."


" Nababaliw na ba si bossing? Hindi niya ba alam na hindi lahat kagaya ni Gerald magalinv kumanta?" Pag-angal ko.

" Noong una umangal kami pero..." Dumako ang paningin niya sa mga bandmates namin na busy sa pag e-ensayo para sa band constest mamayang hapon dito sa university. "Sumang-ayon kami sa naging rason niya."

Bumalik ang tingin niya sa 'kin. " Ito na ang huli nating performance on stage."  Tinapik niya ang balikat ko.
"He just want us to enjoy this very last moment."


Tumalikod na siya sa 'kin pero bago siya umalis ay may pahabol siyang habilin.  "Prepare your song, Dalton..."  Nilingon niya ako.  "And show us your talent."


THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now