THE PSYCHO IN RED 7

41 22 43
                                    

CHAPTER 7

NAKASUOT SIYA NG RED DRESS na may spaghetti strap. May pagkakahawig ito sa suot niya no'ng engagement party. Ang kaibahan nga lang ay wala itong split sa dulo.

Nilapitan ko siya sa waiting shed na kanyang kinaroroonan.

Katatapos ko lang sa trabaho ko sa palengke. Friday ngayon kaya natagalan ako , nag overtime kasi ako.

Nang matapos ako sa trabaho ay doon ko pa lamang nabasa ang message niya sa 'kin.

+6390568****
Where are you?

Rineplayan ko naman siya na nasa trabaho ako pero gusto niya daw makipagkita sa 'kin pagkatapos ng trabaho ko. Wala na akong magawa kundi pumayag tutal wala naman akong klase ngayon.

Tulad nga ng sabi niya sa text, nandito siya sa park malapit sa palengkeng pinagtatrabahuan ko.

Nakaupo siya sa isang bench ng waiting shed. Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong napansin ang pagkatulala niya. Hindi siya nakatuon sa paligid maging ang pagtabi ko sa kinauupuan niya ay hindi niya rin napansin.

Pa simple ko s'yang tinitigan mula ulo hanggang paa. Agaw pansin ang pulang hikaw sa kanyang tenga, unang tingin mo pa lang alam mong mamahalin na. May suot din pala s'yang kwentas na gold pero ang pendant non  ay diyamanteng kulay pula rin.

Bumaba ang tingin ko sa malaking bracelet na nakasuot sa kanyang pulsuhan. Unlike sa mga accessories na nakakabit sa kanya ay ito talaga 'yong mukhang luma  Kulay pula ito na may halong itim.

Binalik ko ang paningin ko kay Malificent na hanggang ngayon ay nakatulala parin sa kawalan.

Nang tumikhim ako ay natigilan siya at agad na tumingin sa 'kin. Gaya ng karaniwan niyang ginagawa ay sinalubong niya ako ng   walang buhay na ngiti.



Lumapit siya nang husto sa 'kin at agad na yinakap ang mga braso sa 'king beywang.

' I miss you, Eugine ' , ang katagang iniexpect kong sasabihin niya sa 'kin pero taliwas sa inaasahan ko ang sinabi niya.

"I fired my secretary today," Narinig ko siyang bumuntong hininga. "I ended up someone's career just because I don't like her." Inangat niya ang kanyang ulo   "Am I that cruel?" Tanong niya habang nakatingin ang walang buhay niyang mga mata sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin saka marahang tumango,  "'Di mo alam 'yon?" Sarkastiko kong sabi.

Humigpit ang yakap niya sa 'kin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg katulad ng kadalasan niyang ginagawa sa tuwing yumayakap sa 'kin.

Naramdaman ko ang pagbuga ng kanyang mainit na hininga sa gilid ng aking leeg.

" Nakainom ka ba?" Bigla kong tanong naamoy ko kasi ang alak mula sa kanya. Humalo iyon sa natural niyang amoy.

" Hmm.." Tipid niyang tugon.

" Iuuwi na kita." Sabi ko at akmang tatayo na sana pero pinigilan niya ako .

Umiling siya. "Don't you worry, I'm sober."

Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Wala ka ba talagang nararamdaman para sa 'kin?"  bigla niyang tanong.

Natigilan ako , not because of what she asked but because of the seriousness of her tone.

"Wala," agad kong sabi ng makabawi, "Kaya tigilan mo na 'yang laro mo, Malificent. Tigilan mo na ko."  Diretso kong sabi sa kanya.

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now