THE PSYCHO IN RED 4

51 23 44
                                    

CHAPTER 4

" MY SISTER has nearly killed Pegazeus. " Biglang sumbong ni Allison sa 'kin nang makaupo kami sa ilalim ng malaking puno sa parke.

Si Pegazeus ay ang alaga niyang aso na kakabili niya pa lang.

" I can't believe what I'd just witnessed, I saw her stabbed my pet!" Hestirikal niyang sumbong sa 'kin.

" She's crazy!" Pahabol niya.
" Uminom ka muna." Inabot ko sa kanya ang tubig na binili ko kanina.

Napahilamos siya sa mukha niya. " Hindi ko na alam, Gin. Pagod na akong intindihin ang baliw niyang pag-iisip.". Sabi niya habang napailing.

Umupo ako sa tabi niya. " Buti na lang nadala agad si Zeus sa vet."

Tumango siya at napabuntong hininga. " Yeah, buti na lang talaga." Kinuha niya ang mineral water sa kamay ko at agad na ininom ito.

Dumaan ang katahimikan sa paligid. Alam kong medyo wrong timing pero gusto ko sanang malaman kung ano 'yong sagot niya tungkol sa sinabi ko kahapon na liligawan ko siya, pero kung hindi ko 'to tatanungin ngayon baka isipin lang niya na nagbibiro lang ako.

" Ah , All-" Naputol ang sasabihin ko nang may sinabi siya.

" You know what, Jin? Aside from hating dogs, my sister also hate flowers. " Bigla niyang banggit. " That's the reason why our garden doesn't have any flowers, only plants that doesn't bear flowers." Patuloy niya.

Mukhang wrong timing nga.









I KNOW MALIFICENT HATE DOGS AND FLOWERS.

Pero Shit! Hindi ko alam na ganito pala ka brutal ang kaya niyang gawin. Nakalimutan ko 'yong sinabi ni Allison noon na muntik na nitong mapatay ang aso niya.

" Pre, anong nangyari sa mga mata mo?" Tanong sa 'kin ni Gerald pagpasok ko sa silid ng tambayan namin ng mga ka bandmates ko.

Wala akong klase ngayong umaga pero dumiretso parin ako sa school dahil pinapatawag kami ng leader namin sa banda.
Busy ang school namin kasi sa paghahanda sa nalalapit na intramurals.

Inakbayan niya ako. " Umiyak ka ba?" Dagdag niyang tanong.

Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy lang sa pag- aayos sa drum set.

" Uy broken hearted si Dalton!" Bigla niyang sigaw, kaya narinig iyon ng ibang ka bandmates ko.

"Woahh !!" Sabay-sabay nilang react.

" Pre, ang hina mo kasi e, sana sinabi mong may nililigawan ka para naman mabigyan ka namin ng diskarte sa mga babae." Sabi naman ni Jerome na nakaupo malapit sa pinto ng room.

" Tumahimik ka nga diyan, itlog! Ikaw nga itong wala pang napapasagot na babae e!" Pangbabara ni Sean sabay tawa.

Sinabayan naman siya ng tawa ng iba.

" Tumahimik ka diyan Sean da buang, wala kang alam!" Inirapan niya si Sean.

Tumawa ulit sila.

Isa rin 'tong mga ka bandmates ko na sobrang sakit sa ulo.

Sa totoo lang wala talaga akong gana ngayong araw. Namatayan ako. Kahit na tuta lang si Pochi ay tinuring ko narin siyang pamilya. Sobrang sakit nang makita ko siyang nakahandusay sa labas na wala ng buhay. Nang makita ko 'yon ay tila namanhid ang buong katawan ko.

THE PSYCHO IN RED Kde žijí příběhy. Začni objevovat