THE PSYCHO IN RED 12

27 9 10
                                    


CHAPTER 12

ANG HIRAP TALAGANG INTINDIHIN NG MGA BABAE.

Papunta na ako ngayon sa apartment ko.

Kahit na mukha akong tangang natuod sa sinabi ng babaeng 'yon kanina, nakuha ko parin tumayo at umuwi kahit na mukhang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ano bang ibig sabihin ng weird na babaeng 'yon?

Tama nga siguro ang sabi ng mga naririnig kong tsismis mula sa mga kaklase ko na weird nga siya.

Napabuntong hininga ako. 

Pilit kong inaalis ang mga mabibigat na iniisip ko. Kailangan ko na talagang i-reset ang utak ko. Hindi na kayang humandle 'to ng mga kakaibang impormasiyon.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng aking apartment. Pinagdadasal ko na sana wala dito ang baliw na babaeng 'yon. Tainga na talaga, isa pa 'yon!

Kinuha ko ang susi sa bulsa ng suot kong black baggy pants. Sinuksok ko ang susi sa siradula saka binuksan 'to.

Bumungad sa 'kin ang tahimik na sala at kusina ko. Wala naman akong napansin na kakaiba rito.

Pero hindi parin ako makampante dahil hindi ko pa nabubuksan ang kuwarto ko. 

Bago ko mapagpasiyahan na pumasok sa 'king kuwarto  ay hinagilap ko muna si Miki. Hindi ko siya makita sa sala sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina. Wala rin siya sa kusina.

Kinakabahan na talaga ako baka kung ano ng nangyari sa alaga ng kaibigan ko.

Pumunta ako sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko ito na lock kanina pag-alis ko pero malabong mapupunta rito si Miki, hindi naman niya kayang buksan 'to diba?

Binuksan ko  nang maikli ang pintuan ng kuwarto, sakto lang para masilip ko ang loob. Hindi ko gaanong makita ang kama ko pero may naririnig akong parang nagta-type sa laptop. Mabilis ito at ramdam ko ang diin ng pagkakatype nito.

Akmang isasarado ko pabalik ang pintuan nang lumabas mula sa loob si Miki. Nagpaikot-ikot siya sa paa ko at kinikiskis ang balahibo niya do'n.

Umupo ako at binitbit siya.

Para akong nabunutan ng tinik nang makitang okay lang siya.

Sinirado ko nang tuluyan ang pintuan. Dinala ko si Miki sa  sala at nilagay sa kanyang compartment.

Behave lang naman siyang nanatili do'n kaya iniwan ko muna siya at bumalik sa aking kuwarto.

Binuksan ko na ang pintuan ng kuwarto ko, at tulad ng inaasahan, ang taong nandito ngayon ay walang iba kundi si Malificent. Nando'n siya sa sulok ng aking kuwarto kung saan may maliit akong study table ro'n.

Nakaupo siya sa plastic na upuan na walang sandalan at abala sa pagtatype sa laptop niya. Mukhang hindi niya napansin ang  presensiya ko dahil abala siya sa ginagawa.

Pinagmasdan ko ang likod niyang straight na straight habang nakaupo. Nakasuot siya ng red off-shoulder crop top and white jeans.

Hindi talaga mawawala ang pula sa kanya. Kahit hindi ko nakikita ang laptop niya malamang color red din 'yon.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya.

Natigil siya ginagawa at agad na lumingon sa 'kin. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. Ngumiti siya, pero gaya ng nakikita ko palagi sa kanya wala na naman itong laman.

"Bakit nandito ka na naman?" kunot-noo kong tanong.

Imbes na sagutin ako ay lumapit lang siya at niyakap ako.

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now