THE PSYCHO IN RED 8

37 22 37
                                    

CHAPTER 8



" I'M SORRY, JIN.."

Tumayo siya sa kinauupuan niyang swivel chair at lumapit sa 'kin.

" Nakalimutan ko may gala pala tayo ngayon,"   paliwanag niya habang napasapo sa kanyang noo.

" Okay lang, Alli."   Tugon ko habang inilibot ang paningin sa loob ng office niya.

" Sorry talaga pinuntahan mo pa talaga ako dito."    Hinila niya ang kamay ko at dinala sa one-seated sofa na nasa harap ng kanyang office table.   "Umupo ka dito."

Tumango ako pagkatapos ay umupo na.    "Ayos lang 'yon, nag-alala lang ako hindi ka kasi nag-rereply sa mga text ko," sabi ko habang nakatutok ang paningin sa pangalan niyang tila nakaukit sa isang glass plate, sa baba nito ay may nakasulat na COO.


Bumalik siya sa kanyang table at umupo sa kanyang swivel chair.
"I'm just really busy today , I had this proposal that i really wanted to be successful."  

Tumango-tango ako.   " Ahh so siguro next time na tayong gumala,"   suhestiyon ko .

" Yeah."    Maikling tugon niya habang abala sa pag tatype sa kanyang laptop.

Sa nakikita ko ngayon, mukhang ayaw niyang magpaabala.  Tutok na tutok siya sa pag tatype at parang stress na stress pero kahit na gano'n hindi parin nabawasan ang ganda niya. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit palagi na lang siyang iniiwanan ng mga boyfriend niya e halos perpekto na siya- She's an epitome of perfection.  Mabait na maganda pa.

Minahal ko talaga siya. Matagal bago ako naka move-on. Nakatulong din siguro 'yong pag-alis ko dito sa Manila. Hindi madaling kalimutan ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso-Yes, she's my first love. Hindi naman kasi madaling mawala ang pagmamahal. Kahit na sigurong masasabi kong naka-move on na ako, pero meron parin pala talagang natitira.


No'ng nagkita kaming dalawa after 2 years akala ko wala na siyang epekto sa 'kin pero meron pa pala. Nasaktan din ako nang sinabi niyang ikakasal na siya at gusto niya na umattend ako sa kasal niya. Nagdahilan pa ako na hindi ako makakattend, ayaw ko kasing mawasak na naman ang puso ko sa pakalawang pagkakataon. Pero nang imbitahan niya akong pumunta sa engagement party niya hindi na ako nakatanggi.

Akala ko masasaktan ako, na mawawasak ang puso ko kapag makita ko siyang may kasama ng iba pero hindi 'yon nangyari. Nang makita siyang kasama ang fiancee niya, hindi ako nasaktan ni kirot sa puso ay 'di ko naramdaman.  Do'n ko na realize na closure lang pala ang hinihingi ko, na gusto ko lang talaga siyang makitang masaya sa piling ng taong mahal niya- Gusto ko siyang makitang totoong masaya.


Kaya't nasaktan ako nang makita siyang umiyak, hindi niya deserve ng gano'n. Hindi niya deserve ang paglaruan. Hindi niya deserve ang saktan.


When I saw her crying, I had concluded that I must protect her for those people who will dare to hurt her.

" Excuse me ma'am."

Naputol ang malalim kong
pag-iisip nang biglang may pumasok na lalakeng naka suot ng formal attire.

" Yes, Mr. Owen?"  Tugon ni Allison habang busy parin sa laptop niya.


" Ah I just want to inform you that your presence is higly needed in the lounge area." Magalang na sabi nitong si  Mr. Owen.

" Why?"

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now