THE PSYCHO IN RED 3

68 22 46
                                    


CHAPTER 3

TRIGGER WARNING: Sensitive content!




NAALIMPUNGATAN ako nang biglang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi.

Nabangon ako bigla dahilan ng pagpintig ng sintido ko.

Shit ang sakit!


Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Minasahe ko ang sintido ko habang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto.


Kaninong kwarto 'to?


Naramdaman ko may mabigat na nakapatong sa patag kong tiyan. Sinilip ko ito sa ilalim ng kumot at nakita ko ang isang brasong nakapulupot sa aking tiyan.



Bahagya pa itong gumalaw at mas lalong humigpit sa pagyakap sa 'kin.


Nang makita ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko ay doon pa lamang unti-unting bumalik ang pangyayaring nangyari kagabi.


Shit! May nangyari ba sa 'min?
Hindi ko matandaan!



Aalisin ko sana ang brasong nakapulupot sa 'kin pero hindi ko magawa dahil sa mahigpit na yakap nito sa 'kin.


"Hmm..Eugine,"  sumilip sa 'kin ang mukha niya sa ilalim ng kumot.    "Gising ka na..." Nakangisi n'yang bungad.



" Malificent, anong nanyari? Ba't nandito ako?" Tanong ko habang minamasahe ang aking sintido.


Nakita kong kumunot ang noo niya at biglang sumimangot "Didn't you remember what happened to us last night?"


Umiling ako. Shit! Ang naalala ko lang ay 'yong na lasing ako at 'yong..pagkain niya sa -Shit! Nangyari ba talaga 'yon ?


"If you don't remember, I'll help you remember then."    Bigla siyang kumandong sa patag kong tiyan.



Tangina! Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang saplot !



Itinulak ko siya nang bahagya pero mapilit siya't ginawa parin ang gusto. Hinalikan niya ako, pero nang wala siyang makuhang kibo sa 'kin ay tumigil din siya.



Medyo nagulat ako nang makita ko sa mga mata niya ang pagkabigo ngunit mabilis din iyong bumalik sa blanko n'yang ekspresiyon.


Umalis siya sa kandungan ko't ibinalot ang kumot sa katawan n'ya. Ginamit ko 'yong sandali para tumalikod at umalis sa kama. Pagkatapos ay dali-dali kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig.


Isinuot ko agad ang boxer, pagkatapos sinunod ang trouser ko at ang white long sleeves, samantalang ang black coat ko ay isinampay ko lang sa 'king balikat.


Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay nilingon ko ang babaeng alam kong kanina pa ako minamasdan.



" I have to go, Malificent.." Mahina kong paalam sa kanya. Hindi siya kumibo mula sa pagkakasandal sa kanyang kama.
"And I'm sorry for what happened."



Although I can't utterly remember what happened last night, I should have still to apologize.


Nang akmang pipihitin ko na ang siradula ng pintuan ay bigla na lang akong natigilan sa sinabi.


" You can't just leave me like this, Eugine. Panagutan mo ang nangyari sa 'ting dalawa..." Sabi niya sa malamig na tinig na siyang nagpatindig ng mga balahibo ko.


THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now