THE PSYCHO IN RED 13

23 9 14
                                    

CHAPTER 13
•••˖⁠♡♡♡⁠˖•••

SIGURO NGA UTO-UTO AKO.

Nandito ako ngayon nakaupo sa upuan sa may mesa ng kusina habang kumakain ng isang slice ng pizza.

Grabe gutom na gutom talaga ako ngayon. Hindi kasi ako kumain nong tanghali, juice lang 'yong ininom ko.


"Ngayong..." Panimula ko habang patuloy sa pagnguya ng pizza. "...ngayong gabi ka lang dito ah" paninigurado ko habang pinanliitan siya ng mata.

Nakahalukipkip naman s'ya habang nakaupo sa maleta n'yang nasa sahig.

"Got it," sang-ayon n'ya na nagpanganga sa 'kin.

"What's with that face?" nagtataka n'yang tanong.

Ninulok ko muna ang dapat lunukin. "Hindi ka kasi kapanipaniwala." Tugon ko sabay kuha ng another slice ng pizza sa box.

"Sa ganda kong 'to? Mukha ba akong manloloko?"

Napangiwi naman ako sa sinabi n'ya.   "Wehh? Ilang beses ka na kayang gumawa ng kalokohan."

Napangiti naman s'ya sa sinabi ko.

" Ang sarap mo kasing asarin, Eugine,"  komento n'ya habang nakataas ang sulok ng kanyang labi.

"Kung palabasin kaya kita rito?!"

"Joke lang." Sabi n'ya habang inangat ang isang kamay at nag peace sign.

"Tsk...Iwan ko sa'yo, sa'n ka kaya ipinaglihi ng mama mo?!"

Bakas sa kanya ang pagkatigil ngunit panandalian lamang 'yon, at napalitan ng ngiti sa labi.

"My mom said, pinaglihi n'ya daw ako kay Aurora, one of the disney princesses,"  tugon n'ya.

Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya.

"Talaga? E bakit Malificent pinangalan sa 'yo?"

Nakita ko ang pagtaas ng kilay n'ya na mukhang 'di n'ya nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit? 'Nong masama sa sinabi ko?"

Kumalma naman s'ya at mukhang may napagtanto.  "Malificent wasn't really my name ya'know?"

Napatango naman ako. " Ahhh"


"Malificent was just my nickname given by my mom," dagdag n'ya habang hindi nakatangin sa 'kin.


"So bakit naman Malificent ang nickname na binigay sa'yo ng mama mo?"

Diba si Malificent 'yong kontrabida sa sleeping beauty?

"Well masyado kasing mahaba ang name ko so my mom decided to combine it and she came up with the nickname, Malificent." paliwanag n'ya habang ang mga mata ay nakatingin parin sa may side.

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now