THE PSYCHO IN RED 11

32 15 17
                                    


CHAPTER 11

I SHOULD AVOID HER!

Hanggang ngayon hindi parin talaga mabura sa isipan ko ang sinabi sa 'kin ni Allison no'ng isang gabi sa Kanto bar. Pilitin ko mang hindi 'yon alalahanin pero hindi ko magawa dahil basta-basta na lang talaga 'yong sumusulpot sa isipan ko. Hindi ko talaga  akalain na magagawa 'yon ni Malificent.

Nandito ako ngayon sa canteen, kumakain kasama ang mga kaklase ko na sina Sean, Marshall at Gerald.

May klase kasi kami kaninang umaga dahil hindi raw makakapasok ang professor namin sa defferential calculus dahil may importante daw siyang pupuntahan mamayang gabi. Kaya siningit na lang niya ngayong umaga ang klase niya para hindi raw kami mahuli sa lesson.

Ang kaklase ko lang sa civil engineering course class 4 na kabanda ko ay sila lamang tatlo kaya kami lamang ang nandito ngayon sa canteen. Ang iba ay may mga klase pa.

" Ano?!!"

Halos pagtinginan kami ng mga estudyante dahil sa biglaang pagsigaw ni Gerald.

" Tumahimik ka nga tukmol!" Pangbabara sa kanya ng katabi kong si Sean.

" Bakit kailangan mong tumigil?"
Mahina na ngayon ang boses ni Gerald, diretso ang mga mata sa leader namin.

Sa halip na sumagot si Marshall ay may inabot siyang puting sobre kay Gerald.

Nagtataka ang mukha ni Gerald pero gayunpaman kinuha niya parin ito. "Ano 'to?"

Maging ako ay curios din kung ano 'yon. Hindi ko talaga aakalain na hihinto na si Marshall sa pag-aaral. Malamang hindi 'yon dahil sa pera dahil mayaman naman ang kanyang pamilya. Lalong hindi rin 'yon sa grades dahil isa siya sa mga top achiever sa engineering department.

" Basahin mo."  Tipid na tugon ni Marshall na kampante lang na nakaupo sa harapan ko.

Binuksan ni Gerald ang sobre at kinuha mula do'n ang isang photo paper.

Nakakunot ang noo niya nang binasa niya iyon.

" Congratulations, Rustin Marshall Dela Fuentes! We are pleased to annouced that you are accepted to joined in IDOL: NEW GENES' idol survival show???" Huminto sa pagbabasa si Gerald at dumako ang paningin niya kay Marshall na parang naguguluhan. Tumango lamang sa kanya  ang leader namin.

Binaling niya ang paningin niya sa papel at bumalik sa pagbuka ang bibig niya.    "For further information, please emailed us to our official accounts. Thank you! And Welcome new recruits!"

So nakasali pala siya do'n. Galing naman.Galing!

"Wala akong naintindihan dito?" Kunot noong tanong ni Gerald.

" Tukmol ka kasi!"   sabat naman ni Sean.

" Congratss, bossing."  Biglang sabi ko sa leader namin.

Mahirap ang makapasok do'n pero nakaya niya. Ang galing niya talaga.

Ngumiti siya sa 'kin.   "Thank you, Dalton."

" Hayst, ano ba kasi 'yang IDOL  NEW GENES na 'yan?" Nagmamaktol na tanong ni Gerald.

" Isa 'yong survival show, kung saan ang matitirang participants ay mag de-debut as an idol group."  Paliwanag ko kay Gerald.

" Ha? 'Di ko parin gets e. "

Binatukan siya ni Sean.
"Tumahimik ka na lang tukmol ka!"

THE PSYCHO IN RED Where stories live. Discover now