☞Chapter. 4☜

191 7 0
                                    

Chapter#4 /Pagluwas/

Glaibell's  P.O.V

Ayun nandito na ako sa labas ng bahay namin dahil nga ngayon na yung pagluwas namin nila Shar at Jed papuntang Valenzuela dahil nga sa lunes na yung pasukan namin at byernes ngayon.

Ang bilis nga ng araw eh parang kailan lang ng ipadala sakin ni Peter si Pixie eh tapos ngayon pasukan na namin sa new university na papasukan ko.

Dahil magdodoorm naman kame ay isasama kona itong si Pixie tutal naman hindi naman sya pasaway sakin eh at sumusunod naman sya sakin. Mabuti nga na turuan ni Peter  si Pixie.

"Apo! Lage kang mag-iingat doon sa Valenzuela ha!" Bilin sakin ni Lola habang hinahaplos yung pisnge ko.

"Opo! Lola! Wag ka pong mag-alala kase lage po akong mag-iingat!" Pagpapanatag kosa loob nya.

"Syempre hindi mo ako masisisi! Kase sobra akong nag-aalala sayo!" Nalulungkot na sambit sakin ni Lola.  "Ayokong na lalayo yung paborito kong apo sakin!" Dugtong nya sabay bagsak ng luha.

Dahil sa nakita kong umiiyak si Lola ay agad ko syang niyakap kase tutulo na din yung luha ko. Kase sobra kong mamimiss itong si Lola eh di pa naman ako sanay na hindi ko kasama si Lola.

"Lola naman! Wag moko pa iyakin! Aalis na nga ako eh pa iiyakin mo pa ako?!" Sabe kosa kanya sabay kalas ko sa pagkaka yakap kosa kanya.

"Apo! Pagbutihan mo pag-aaral mo ha!" Bilin nito sakin sabay punas ng luha kosa mata.

"Syempre naman! Diba nga nag promise ako sa inyo na magtatapos ako ng chef at patatayuan pa kita ng malaking bahay yung may aircon at may malambot kang kama!" Naluluha ko ulit na sambit sa kanya.

"Napaka swerte talaga ng Mama at Papa mona ikaw ang naging anak nila! Kase puno ka ng pangarap sa buhay!" Naka ngiting sambit sakin ni Lola.

"Sayang nga po eh mabilis silang nawala dalawa!" Malungkot kong sambit.

"Oo nga eh! Pero sigurado ako na proud na proud silang dalawa sayo!" Sabe nya sakin.

"Makakaistorbo!"

Napa tigil nalang kameng dalawa ni Lola ng marinig yung boses ni Shar kaya napa tingin  kame sa likuran ko at nakita kong nandoon sila malapit sa tabe ng puno ng alateris ni Jed at naka handa na yung mga bag na gagamitin nila sa byahe.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon