☞Chapter#40☜

86 1 0
                                    

Chapter#40 /Lato-lato

Glaibell’s P. O. V

Naka higa ako ngayon sa may kama ko at wala akong magawa kundi ang mag shared post sa RP acc ko dahil bored ako ngayon dahil Thursday ngayon at wala akong magawa. Tapos ko na kase lahat ng school work ko.

Syempre uunahin ko munang gawin yun kesa mag scroll sa fb dahil ayokong na tatambakan ng gawain.

Habang nag scroll ako ay bigla nalang nag notif sa fb ko at pagka pindot ko non nakita ko si Peter na may upload na post.

Agad ko yun pinindot dahil kanina ko pa sya hinihintay mag online dahil nga na busy na naman sya sa work nitong mga nakaraang araw.

Pag pindot ko non ay nakita ko yung video ni Peter na inaayos yung phone nya habang naka tutok sa kanya at may hawak syang lato-lato na kulay pink.

“Ano na naman tong ka balbalan nya!? ” Natatawa kong sambit.

Kita kong lumayo sya ng ka unti kaya kita kong naka suot sya ng sando na white at naka short na black at white na stripe na hanggang tuhod yung haba.

“Ayon guy! Tuturuan ko ngayon kung paano ang tamang paglalaro ng lato-lato sa mga hindi marunong dyan!” Sabe ni Peter sa video.

Napa takip ako ng bibig habang pinipigilan ko yung pag tawa ko.

Pustahan hindi nya magagawa yan, kase ako ilang beses ko na sinubukan yan na hagis ko lang kase hindi ko magawa.

Kita kong dahan-dahan nyang ginagalaw yung dalawang bilog na maliit gamit yung hawakan.

Kita kong nagcoconcentrate sya sa pagpapa talbog nito at maya-mamaya nagulat na lang ako ng makitang pa talbog-talbog yung bola nito taas at baba at binilisan nya pa.

“Halah?! ” Gulat ko.

“Sana all! Marunong mag lato-lato! ” Mangha kong sambit habang pinag mamasdan syang naglalato-lato ng mabilis.

“At hindi lang yan yung ang tamang paglalaro ng lato-lato guys kundi ganito! ” Sabe pa ni Peter habang patuloy na naglalaro ng lato-lato.

Maya-maya nagulat na lang ako ng makita syang kumakaldag habang naglalato-lato.

Dahil sa na kita ko ay hindi ko maiwasang mapa tawa ng malakas. Kaya agad akong napa bangon at agad kong shinared post yung video nya na may caption na.

{Moon hindi ko alam na ganyan ka ma bored kapag di mo ako ka usap😅😭😭}

At saktong pagka shared post ko non tsaka ko tinignan yung message ko at nakita ko yung message ni Peter.

{Nakaka bilib yung lato-lato tutorial ko noh! 😁}

[Sumakit tyan ko kakatawa yawa ka😅😭😭! ] Reply ko.

Nakita kong nag reply agad sya ng mabilis ng ma seen nya ito.

{Hanep na share pa nga😆 Hanep yung caption mo Sunny Hahahaha😅😂😆} Reply nya.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Where stories live. Discover now