☞Chapter# 35☜

90 1 0
                                    

Chapter#35 /Pwede Manligaw?/

Jedzon’s  P. O. V (First time😅)

Papunta ako ngayon sa may kwarto nila Glaib at Shar dahil nga ayaw akong pansinin ni Sharmaine.

Ewan ko ba sa babaeng yun bat ilang araw ng hindi na mamansin at puro seen sa message ko kaya na iinis na ako. Hindi ko alam kung ano na naman na gawa ko sa babaeng yun nakaka inis at sabe naman sakin ni Glaibell ay suyuin ko na yung babaeng yun kase ayaw nyang mag ka away kameng dalawa.

Ako naman  itong parang may bulate sa pwet at hindi na ma tiis at pumunta ng kwarto nila.

*TOK-TOK-TOK-TOK!! * Sunod-sunod na kalabog ko sa pintuan ng kwarto nila.

Agad naman yun bumukas at bumungad sakin si Sharmaine na malamig yung tingin sakin.

“Hoy! Babaita! Pwede ba tayong mag-usap? ” Kalmadong bungad ko sa kanya.

“Para saan? ” Walang gana nyang sagot at tinalikuran ako.

Agad akong pumasok sa loob ng kwarto nila at nakita ko itong umupo sa dulo ng kama nya at ipinag patuloy yung pagce-cellphone nya na parang wala ako sa harapan nya.

“Sharmaine naman! Ano na naman ba na gawa ko? Please naman ka usapin mo na ako! Na babaliw na ako kakaisip kung ano na naman na gawa ko eh! ” Pagmama kaawa kong sambit sa kanya.

Agad nitong pinatay yung phone nya at tumingin sakin at nag cross arms.

“Ginawa mo hindi mo alam? Tanga ka ba?! ” Inis na usal na sambit nya sakin.

“Ano ba kaseng ginawa ko?! ” Takang sambit ko.

“Si Glaibell nga alam yun, ikaw pa kaya?! ” Taas kilay nito na animo'y hindi na niniwala sa akin.

Ano bang pinag sasabe nya? Kase sa totoo lang wala akong alam. At wala akong ideya kung ano ba yun!

“Wala talaga?! Ipaliwanag mo nga sakin! ” Seryosong sambit ko sa kanya.

“Bat hindi mo sinabe samin ni girlfriend mo na si Lanica ha?! ” Galit na usal nito sakin.

Teka? Ano? Si Lanica, girlfriend ko? Sino nag kalat ng fake news na yan sa kanya?

“Hah?!” Gulat ko.  “Hindi ko girlfriend si Lanica! Ano ka ba! Sino nag kalat ng fake news na yan sayo?! ” Natatawa kong sambit.

“Wag mo akong tawanan kumag ka! At tsaka wag ka ng mag maang-maangan kase huli kana namin ni Glaib!! ” Napa sigaw sa inis nitong sambit sakin.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Where stories live. Discover now